Chapter 54

7 1 0
                                    

Sa sobrang gulat ay napatayo ako at lumapit sa kaniya. I can feel my hands shaking in rage. I don't know what his family told him but I'm sure they brainwashed him and put my name on shame.

"A-anong...anong sabi mo?" kahit malinaw ang sinabi niya ay ginusto ko pa ring itanong iyon, baka sakaling nabingi lang ako.

"You left for another man, don't you?" malungkot man ang boses niya ay nahimigan ko pa rin ang galit doon.

"Iyan ba ang sinabi sa iyo ng pamilya mo?" mahinahong tanong ko sa kaniya.  Unti unti siyang tumango, that made me laugh sarcastically. "At naniwala ka naman?"

"What should I do then? You just left Mei. When I woke up I looked for you. You're the first person I want to see by the time I open my eyes.. but what I saw was the ring I gave you and my mom tell me that you left for another man." ilang beses pa siyang bumuntong hininga bago magpatuloy. Parang nahihirapan siyang sabihin lahat ng iyon "I didn't believe them...but you made me believe it"

"I-I looked for you for damn's sake! I waited for you on that fucking street and even build a shed... b-because I was so d-desperate. Hinintay kita Meisha."

Ang luhang kanina ko pa pinahinto ay nagsimula nanamang mag unahan. I felt the urge in my heart to tell him why I did those.

"I-I'm so sorry U-Uno. I didn't leave you just to be with someone else. I did it because I'm pulling you down." suminghap ako habang inaalala ang kalagayan ko noon at kung paanong naaapektuhan siya. "I was so wreck yet you're keep on holding me...and that made you sink."

"Noon pa man ay lunod na ako sayo...ano pa bang kinakatakot mo?"

"Hindi mo naiintindihan Uno. Ginawa ko iyon para sayo...hindi mo ba nakikita kung gaano kita nahihila pababa? You were almost on top. You sacrificed a lot so I realized it's time...it's time para ako naman." kumawala ang hikbi ko habang nagsasalita kaya huminto ako.

"P-palagi na lang a-ako ang iniisip m-mo U-Uno"

"Meisha, ikaw muna bago ako! Alam mo Yan!" singhal niya sa akin na para bang dapat ay alam ko na iyon at hindi na kailangan pa ng dahilan o paliwanag.

"Ayun na nga Uno...palaging ako! Pero paano ka?!" sigaw ko sa kaniya pabalik.

"Ikaw?! Paano ka!? Ayan ang problema sayo Meisha. H-hindi naman ako nagrereklamo a! B-bakit kailangan mong isipin na pabigat ka? Na i-ikaw ang humihila sa a-akin pababa...n-na i-ikaw ang pumipigil sa aking lumipad, samantalang ikaw ang inspirasyon ko sa lahat."

Parang mas nadurog ang puso ko ng makita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. My Uno is in verge of crying.

"Mei, alam kong pagod ka noon. Alam kong napagod ka, pero pagod din naman ako...ikaw lang yung kinakapitan ko...i-ikaw yung pahinga ko...t-tapos i-iiwan mo rin pala a-ako"

Humikbi lang ako habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Hindi ko masabi sa kaniya ang lahat. Paano ko magagawa iyon? Kung ngayon pa lang ay para na siyang salaming basag...at ang piraso ng mga bubog niya ay nakabaon sa puso ko. Nasasaktan akong makita siyang ganito.

"I'm sorry U-Uno. H-hindi ko sinasadya, m-maniwala ka sakin" halos mapaluhod ako dahil sa paghagulhol. Naramdaman ko ang pagsalo niya sa akin at niyakap niya ako.

Patuloy akong humingi ng tawad sa kaniya habang siya ay nakayakap lang sa akin. Ngayong alam ko na ang nararamdaman niya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang dinadala kong bigat sa loob.

Paano ko magagawang sabihin sa kaniya... n-na namatay ang anak niya dahil sa Lolo niya.

"Huwag ka ng aalis! Huwag mo na akong iiwan. Parang awa mo na" mahinang bulong niya sa akin habang hinahagod ang buhok ko. "H-hindi ko na kaya"

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now