Chapter 50

8 0 0
                                    

"Hey! Are you okay? You look pale" puna sa akin ni Laureen nang lumapit siya.

Hindi matanggal ang tingin ko sa lalaking kausap ngayon ni Kian. Natural at magkaibigan sila kaya hindi na nakakapagtaka.

"I'm fine. Maybe I'm just tired" ngumiti ako sa kaniya at umiwas ng tingin kay Uno dahil tumingin siya sa pwesto namin.

Sumakay kami sa sasakyan na magdadala sa amin doon sa lugar na tinutukoy nila. Siniguro muna nila na nakasakay na lahat. Nakasakay na kaming lahat maliban kay Uno na nasa labas pa rin.

"Check your comrades, and make sure you're complete before we leave." sinserong tugon niya na sinunod naman namin. Nagtama pa ang tingin namin bago siya nagsalita muli. " Ayaw ko kasi ng may maiiwan" hindi niya tinanggal ang tingin niya sakin ng sabihin iyon.

Hindi ko alam kung may ibigsabhin ba siya roon pero aaminin kong kumirot ang puso ko. Hindi ko naman ginustong iwanan ka. Napagod lang ako.

Nasa iisang truck kami kasama siya kaya hindi ako mapakali sa pwesto ko. Naging balisa ako buong byahe, kaya naman hindi ko napansin na nandito na pala kami.

Inilibot ko ang tingin ko, masyadong malayo sa kabihasnan ang lugar na ito. May mga maliliit na bahay kaming nadaanan kanina pero hindi ko inakala na hanggang dito ay ganoon pa rin ang mga bahay dito.

"Maligayang pagdating" sabay sabay na pagbati sa amin ng mga nakatira dito. Hindi ko alam kung mga Muslim ba sila dahil wala naman silang taklob sa ulo at hindi rin ganoon kahaba ang mga suot nila.

Malawak na ngiti ng mga bata at matatanda ang sumalubong sa amin, nakakataba ng puso na ganito kainit ang pagtanggap nila sa amin. Hinatid nila kami sa tent na tutulugan namin, may mga folding bed doon at mga gamit na kakailanganin namin. Napangiti naman ako sa pag aasikaso nila sa amin. Pagkatapos ay nagkaroon ng maliit na salo salo para sa lahat.

Bago kami matulog ay tinipon muna kami ni Uno, mukhang siya ang leader ng Alpha team. Nakakaproud, gusto ko siyang yakapin at sabihin na proud ako sa kaniya. Ibigsabihin ay tama lang ang naging desisyon ko.

Binilin niya sa amin na huwag lalayo sa mga kasama lalo na at hindi kami kilala sa lugar na ito, madalas daw may napapadpad dito na mga masasamang loob. Hindi rin naman nagtagal iyon at nagpahinga na rin kami.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas, pagtingin ko sa mga kasamahan ko sa tent ay wala na sila. Lumabas ako para maghilamos pero nagulat ako ng makita ang mga kapwa ko doctor at ibang nurses na nagtitipon tipon. Nagtataka ako kung anong mayroon kaya lumapit ako sa kanila.

Para silang mga ewan na nagpipigil ng kilig, lalo si Alesha. Sinundan ko ang tinitingnan nila at agad na namula ang mukha ko ng makita ang Alpha team na walang pang itaas habang nagjajogging. Kahit maraming magagandang katawan ang nakabalandra ay sa iisang Tao lang ako nakatingin. Nag iwas ako ng tingin nang masalubong ko ang malamig na titig ni Uno.

Rinig ko ang panghihinayang sa boses ng mga kababaihan kaya napatingin muli ako sa mga lalake. Dali dali silang umalis sa pwesto nila kanina.

"Omy! I'm craving" nandiri ako sa sinabi ni Alesha.

"Sayang! Abs lang e! Damot" pati ang ilang nurses ay nagreklamo rin.

Napagsabihan tuloy sila ni Kian. Nag asikaso na rin kami para sa activity ngayon. Pagkatapos maghanda ay nagsimula na rin kami. Unang araw pa lamang ay marami na ang naging pasyente namin. Parang nanlambot bigla ang puso ko ng makita ang kalagayan nila, may ilang matanda pa doon ang halos hirap ng magsalita dahil sa paglala ng sakit nila.

Nang maghapon na ay nagpahinga muna ako sa isang duyan sa hindi kalayuan. Natatanaw ko silang lahat habang nakaupo ako.

Pangarap ko lang ito dati. Napangiti ako at tumingala sa langit. Npahawak ako sa kwintas na suot ko, hindi ko ito tinanggal o pinaltan kailanman. Hindi nga lang ito nakikita ng iba dahil madalas naman akong naka white coat kapag nasa trabaho.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang isang pamilyar na boses.

"Bakit mag isa ka doktora?" malamig na tinig na tanong niya. Hindi ako makapaniwala na si Uno ang kaharap ko ngayon. Parang hindi sumagi sa isip ko na magiging ganito kalamig ang pakikitungo niya sa akin. Simula kahapon ay hindi niya ako kinausap at umakto siya na parang hindi kami magkakilala, kaya ganoon din ang ginawa ko dahil baka, baka iyon ang gusto niya.

Ngayon naman na kinausap niya ako ay parang hindi matanggap ng puso ko na ganito na siya kalamig.

"Nagpapahinga lang" pinilit ko ang sarili kong hindi mautal sa harapan niya.

Hindi kaagad siya nakasagot dahil nakatitig siya sa may bandang leeg ko. Agad akog nanlamig ng makitang nakalabas ang kwintas na binigay Niya noon. Dali dali ko iyong tinago at pasimpleng umubo para maagaw ang atensyon niya.

Nakita niya kaya? Siguro ay hindi naman dahil may kalayuan ang pwesto niya sa akin.

"U-uh. Ikaw anong gina-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Ganon? Buti hindi mo binalak na umalis ngayon. Katulad nang ginawa mo noon. Ganoon ka hindi ba? Kapag napapagod ka, umaalis ka. Nang iiwan ka" tumalikod na siya pagkasabi niya noon.

Ako naman ay naiwan na nakatulala at dinamdam ang sinabi niya. Tumingala ako para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mata ko.

H-hindi totoo iyon. Hindi ako basta napagod lang. Dahil kung pagod lang ako, hindi ako aalis, bakit pa ako aalis kung siya ang pahinga ko. Hindi ako napagod, nasira ako, nawasak ako.

Bumalik ako doon na parang walang nangyari. Nagpaalam ako sa mga kasama ko na mauuna nang magpahinga dahil masama ang pakiramdam ko. Pumayag naman sila dahil namumutla nga raw ako.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagtawag mula sa labas, bumangon ako para tingnan kung sino iyon.

"Hi Doc" si Kian. Ngumiti ako sa kaniya bilang pagbati. "Dinalhan kitang pagkain. Hindi ka pa raw kumakain" kaswal niyang sabi sa akin.

"Ah. Busog pa naman ako"

"May nakapag sabi kasi sa akin na hindi ka pa kumakain simula kaninang lunch. Dinner time na o!" nakakunot ang noo niya habang sinasabi iyon.

"Kukuha na lang ako ng pagkain mamaya Doc"

Mukhang nag aalangan pa siya na umalis at luminga pa sa paligid.

"Ganun ba? Sige. Mauuna na ako" akmang aalis na siya pero nang mapatingin siya sa isang direksyon ay humanap ulit siya sa akin. "Haiisst. Sige nanaman Meisha oh! Kainin mo na ito, malilintikan ako nito e!"

"Ha? Kanino?"

"Uh. K-kay Director. Bilin niya kasi sakin na alagaan kayong mga kasama ko, lalo ka na. Hehe" sa unang pagkakataon ay parang nakita kong muli ang Kian noon.

"Ganon ba? Sige. Kakainin ko kapag nagutom ako. Salamat" umalis na rin kaagad siya at nagtataka naman akong nakatingin lang sa kaniya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Binuksan ko ang pagkain na dala niya at parang nagutom ako bigla ng maamoy ang caldereta. Parang bigla akong nagutom sa amoy noon kaya kinain ko.

Mabuti na lang pala at dinalhan ako ni Kian. Maya maya pa ay dumating ang ilang nurse na kasama namin.

"Good evening Doc" binati ko sila pabalik pagkatapos uminom ng tubig.

"Ang sarap naman ng ulam mo Doc. Nagbaon ka?"

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba't doon nanggaling ito?

"H-ha? Hindi ba ganito ang ulam ng lahat?"

"Hindi po Doc. Nag ihaw kami ng isda na hinuli nila sa sapa"

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng tent para hanapin si Kian. Natagpuan ko siya sa may malapit sa puno ng mangga sa hindi kalayuan. Medyo madilim doon kaya hindi ko makita kung sinong kausap niya.

Lumapit ako sa kanila para sana tawagin siya, pero hindi ko na natuloy nang makita ko kung sino ang kausap niya. Si Uno.

Sinalakay ako ng kaba ng marinig ko ang itinanong niya.

"Naibigay mo ba? Kumain ba siya?"

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now