Chapter 24

6 0 0
                                    

Magmula nang araw na iyon hindi na ulit kami nagkita at nag usap ni Uno. Nakakapanibago dahil nasanay ako sa presensya niya. Nasanay ako sa kakulitan niya. Nasanay ako na nandito siya. Kung pupwede lang sana na ibalik sa ayos ang lahat, kung pupwede lang na wala ng espasyo sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

Naging mahirap ang pag aadjust sa akin dahil nasanay ako na kasama siya sa lahat ng ginagawa ko.

Dumaan ang pasukan at ilang buwan na wala akong balita sa kaniya. Naging considerate naman si Avril kaya hindi niya nababanggit sa akin si Uno.

Hanggang isang hapon habang palapit ako sa stall namin ay nakarinig ako ng pamilyar na tawanan. Agad sumibol ang kaba at pangungulila ko. Nanikip ang dibdib ko dahil baka nandito din siya.

"Hi Meisha, it's been a while" inilibot ko ang tingin ko sa kanila bago suklian ang ngiti ni Eric.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala doon si Uno. Mabuti na lamang. Pero sino bang niloko ko, may parte pa din sa akin na gusto siyang makita hindi ko nga lang alam kung para saan pa.

"Hello, kumusta?" lumipat ang tingin ko kay Hershel na may malungkot na ngiti sa tabi niya ay ang boyfriend niyang si Kylo na as usual tahimik lang.

"Ayos naman kami. Ikaw ba? Mukhang may namimiss ka" ngiting ngiting wika ni Eric.

Napakunot naman ang noo ko. Alam ba nila? Syempre alam nila, para na silang magkakapatid.

"H-ha? Wala naman."

"Grabe nagulat ako bigla na lang siyang nagpainom" nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya.

"Ang daldal mo gago!" saway sa kaniya ni Jace na may kasamang pambabatok.

"The fuck! Ang ingay niyo para kayong mga bakla" naiinis na suway ni Mich.

"Wow ha! Nagsalita ang tomboy" agad na namula ang pisngi ni Mich sa inis kay Kian, ginawa niyang panangga si Aryana ng akmang babatuhin siya ni Mich.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagpipigil ng tawa.

"Hoy tangina niyo! May ibang customer pa dito, hindi lang kayo." Pabalang na sabi ni Avril ng lumapit ito sa table nila.

"Avril can you please filter your mouth?" mahinahong utos ni Aryana sa kaniya.

"Sorry po madre"

Nagtawanan naman silang lahat dahil sa pang aalaska ni Avril kay Aryana.

Nakakamiss ang ganitong eksena, hindi man ako ganoon kalapit sa kanila ay naging saksi naman ako kung gaano kasaya ang samahan nila. Pero kahit gaano pa ito kasaya, parang may kulang pa. At may parte sa akin na gustong makita siya.

"Am I late?" halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa likuran ko. Natuon sa akin ang atensyon nila, parang tinitimbang kung anong magiging reaksyon ko.

Pinilit kong itinago ang pagkagulat at kabang nararamdaman ko. Ayaw kong mahalata niyang apektado ako sa kaniya, Hindi pwede iyon. I need to act normal.

"No you're not, but I know you've missed a lot" makahulugang sabi ni Hershel at pasimpleng tumingin sa akin.

"Tara inom ulit?" nang aasar na wika ni Eric.

"Gago talaga" binulong iyon ni Uno pero ndi nakatakas sa pandinig ko.

Hindi ko magawang lingunin siya o kahit ang umalis sa pwesto ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng tumama ang braso niya sa akin, natitigan ko ang likuran niya ng lampasan niya ako.

May naramdaman akong kirot ng hindi niya ako pansinin, o baka hindi niya lang ako nakita.

Inipon ko ang natitirang lakas ko para makaalis sa kinatatayuan ko pero bago pa ako makahakbang paalis ay isang boses ang nagpahinto sa akin.

"Meisha, kunin mo ang order ni Uno" nakangising utos ni Avril. Halatang pinaglalaruan niya ako, hindi ako makatanggi kaya naman napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa kaniya.

"A-ahm, m-may I.." hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Rinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kaibigan niya, naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Mei wag kang kabahan, ako lang to" rinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Sa simpleng bagay na iyon ay para nanamang bumilis ang tibok ng puso ko para sa kaniya. Ang mga damdaming matagal kong binabaon unti unti nanamang bumabalik dahil lang sa mga ngiti niya. Shocks, bakit ba ang rupok ko?

"Kailangan niyo ba ng solo moment? Pwede kami mag adjust, diba guys?" Sabi ni Eric at agad naman silang sumang ayon sa pamamagitan ng mahinang pagtango.

Agad akong umiling sa kanila at itinuon muli ang atensyon kay Uno.

"May I take your order sir?" mabuti na lamang at nagawa ko nang mabigkas iyon ng hindi nauutal.

"Iced coffee please. Thanks" tumango ako sa kaniya bago umalis doon.

"Oh gago! Sige kape pa, kaya wala kang lakas ng loob para ipaglaban yung nararamdaman mo e!" pang aalaska sa kaniya ni Avril, hindi pa ako nakakalayo kaya naman naririnig ko pa ang usapan nila.

"Wala naman akong dapat ilaban, dahil talo na ako sa umpisa pa lang" agad akong napalingon sa pwesto niya at laking gulat ko nang makitang nakatingin siya sa akin.

Hindi na ako nakipag usap pa sa kanila at nagfocus na lamang sa trabaho ko. Paminsan minsan ay kinakausap nila ako kapag napapadaan ako sa pwesto nila pero agad kong tinatapos ang usapan para makapag focus sa trabaho ko, at para na din maiwasan si Uno.

Batid kong sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko at lalo lamang ako naiilang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at kung anong tumatakbo sa isip niya habang pinagmamasdan ako. Hindi naman siguro niya iniimagine na nakahubad ako hindi ba?

Agad namula ang pisngi ko dahil sa naiisip. Ipinilig ko ang isiping iyon dahil alam kong hindi magagawa ni Uno iyon. Masyadong mataas ang respeto niya sa mga babae at pati na sa akin kaya naman imposibe.

"Mei.."

"Ay hubad ka!" nanlalaki ang mga mata kong napalingon sa nagsalita. Si Uno.

Kitang kita ko kung paano siyang nagulat dahil sa nasabi ko. Hindi rin nagtagal ay nagpipigil na siya ng tawa. Tinakpan niya pa ang bibig niya gamit ang likod ng kamay niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumalikod siya sa akin. Pero lalo akong naiinis dahil kitang kita ko ang pag angat at pag baba ng balikat niya, senyales na tumatawa siya.

"Sorry. Hindi na. Ano kasi" nanatiling masama ang timpla ko dahil hindi pa din siya tumitigil. "Hooh! Sorry, ikaw naman kasi, sino bang iniimagine mong nakahubad"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil namumula ang mukha ko.

"Napapakain ako ng hubad"

"What the fuck?" nanlaki muli ang mata niya at mukhang gulat na gulat, pumikit pikit pa siya para iproseso ang sinabi ko. Sana ay mahanginan siya para naman pumangit siya sa paningin ko kahit paano.

Saka lamang nag sink in sa akin ang sinabi ko. Agad na namula ang pisngi ko.

"H-hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tinapay ang tinutukoy ko, hindi yang iniisip mo" paliwanag ko habang winawasiwas ang dalawang kamay sa harapan ko.

Unti unti ay lumapit siya sa akin. Nakatagilid ang kaniyang nakatilos na nguso. Lalo tuloy siyang naging cute sa paningin ko.

"Bakit? Ano bang iniisip ko hmm?"  napalunok ako sa tanong niya.

"Y-yung ano..." nangangapa ako ng sasabihin ko sa kaniya. "Basta. Teka bat ang lapit mo sa akin, lumayo ka nga"

"Kulang pa ba yung paglayo ko?" natigalgal ako dahil biglang naging seryoso ang boses niya.

Pinantayan ko ang kaniyang titig kahit halos matunaw ako.

"Kulang pa Uno. Gusto kong lumayo ka pa" kabaliktaran ng lumabas sa bibig ko ang nararamdaman ko. Nabahiran ng sakit at lungkot ang kanina'y mapaglaro niyang mga mata.

Gustuhin ko mang lumapit ka ay hindi pupwede, dahil kailan man hindi pupwedeng magtagpo ang langit at lupa.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now