Chapter 20

6 0 0
                                    

"Sigurado ka bang ayos lang?" tanong ko kay Avril habang siya ay abala sa paglalagay ng make up sa sarili niya.

Dito na kaagad kami dumiretso sa kanila pagkagaling sa food court.

Inayusan niya ako pero hindi ganoon kakapal dahil mas bagay daw sa akin ang simpleng make up lang.

"Trust me" kumindat pa siya sa akin mula sa salamin.

Napaka intimidating at elegante ng dating niya suot ang kulay pulang thin strap dress. Bagay na bagay iyon sa hubog ng katawan niya.

Napatingin ako sa sarili ko suot ang kulay kremang off shoulder dress. Hindi ito flowy dress at medyo fitted kaya kita ang walang masyadong hubog kong katawan.

"The best thing that a woman can wear is not the dress and hills, it's smile and confidence that kills" hinawakan niya ang baba ko at iniangat ito. "Saka hindi ka pa naman ipapakilala bilang girlfriend, wag kang kabado" nang aasar ang tinig niya ng sabihin iyon. Sinimangutan ko lang siya at hinawi ang kamay niya.

"Let's go" anyaya niya sa akin kaya naman kinuha ko na ang clutch na pinahiram Niya din sa akin.

Buong byahe at tahimik lang ako, sa hindi malamang dahilan ay parang nanghihina ako. Mabuti na lang talaga at kasabay kong pumunta doon si Avril.

Huminto kami sa isang napakalaking gate, bumukas iyon at sumalubong sa amin ang napakalaking bahay. Hindi nalalayo ang laki nito sa bahay nila Avril. Mukhang nagpapalakihan sila ng bahay.

Kung kila Avril ay modern style, itong kina Uno ay bakas ang Spanish style mula sa kanilang napakalaking gate hanggang sa exterior design.

Ipinagbukas kami ng gwardya na nandoon ng makita kami. Siguro ay kilala na si Avril. Haharangin sana ako ng gwardya pero hinila ako papalapit ni Avril sa kaniya.

"She's Uno's friend. How dare you!" natutop ang mga ito dahil sa sinabi ni Avril.

Nakasunod lang ako kay Avril hanggang sa makarating kami sa napakalawak na sala. May iilang bisita doon na halos kaedad lang din namin.

"Meisha! Omy gosh you're such a goddess" rinig kong sigaw ni Hershel, pero kahit sigaw iyon ay napaka elegante pa din ng dating.

Lumapit kami sa pwesto nila at nakakatuwang nagustuhan nila ang suot ko.

"Salamat!" nahihiya kong sagot sa kanila.

"Let's go!" Dumiretso kami sa backdoor ng bahay nila, mula doon ay rinig na ang mga classic songs, napakunot pa ang noo ko dahil parang matanda ang may birthday.

"Wtf! Ikaw ba ang may Birthday?" bungad kaagad ni Uno siguro ay si Avril ang sinasabihan niya dahil nakapula ito.

Hindi niya pa ako nakikita dahil nahaharangan nila ako, ayos lang din naman sa akin dahil ayaw kong makakuha ng atensyon.

"Where is Mei- " hindi na niya natuloy ang sasabihin ng makita ako. Para siyang tanga na nakatulala, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya, malamang ay nilalait niya nanaman ako.

"You're drooling. Iww" binatukan pa siya ni Josh nang sabihin yun.

Dinala kami ni Uno sa isang malaking circular table, mukhang inireserve niya talaga iyon dahil malapit iyon sa mini stage.

Maya maya pa ay nag announce na ang emcee ng programa. Parang Birthday naman ito ng bata dahil may emcee pa. Pero nagmumukhang pangmatanda dahil sa mga tugtog.

"Ang boring naman ng mga kanta"  mukhang napansin din iyon ni Avril.

"Heyyy. Avril keep your mouth shut. It's Sir Mendez' choice of song" saway sa kaniya ni Josh.

"Ow. Nandito pala ang matandang hukluban na iyon?"

Nakikinig lang ako sa kanila habang nag uusap sila. Hindi din ako sumasabat dahil hindi ko naman alam ang pinag uusapan nila.

"That's why Uno will be in cage for a while" bumuntong hininga pa si Aryana pagkasabi niya noon at tumingin pa siya sa akin.

Maya maya pa ay pinakilala si Uno sa mga bisita, nagpasalamat lang siya sa mga dumalo at sinabing mag enjoy.

Pagkatapos noon ay kainan na. Hindi na namin kinailangan tumayo pa dahil may mga waiter na nagseserve. Ang sosyal naman ng party niya.

Bigla akong nagutom ng maamoy ang masarap na pagkain. Napakagat ako ng labi ng makita ang chopsticks doon. Hindi ako marunong gumamit ng ganoon.

Tumingin ako sa mga kasama ko at lahat sila ay mukhang marunong noon. Huminga ako ng malalim at sinubukang gamitin iyon. Kahit papaano naman ay nakakain ako, pero nang nasa kalagitnaan na ay natapon sa damit ko ang pagkain na nakaipit sa chopsticks.

Napatingin sa akin ang mga kasama ko, nahihiya akong ngumiti sa kanila. Nakakahiya.

"Ah. Cr lang ako" dali dali akong tumayo at huli na nang mapansin kong may waiter pala sa likod ko dahilan kung bakit nasagi ko ang champagne na dala niya. Nabasag ang mga champagne glass at ang iba pa ay natapon sa akin.

"Oh my gosh Mei, are you alright?" sumaklolo kaagad sa akin sina Michelle at Aryana dahil sila ang malapit sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko at lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang tingin ng ibang tao ay para akong hinuhusgahan. Parang bumalik sa akin ang pakiramdam na pinag uusapan at pinagbibintangan sa bagay na hindi ko naman ginawa.

Para akong maiiyak dahil doon. Nakita kong palapit si Uno sa amin.

"What happened? Are you okay?" nag aalala ang mga tinig niya at kitang kita ko iyon sa mga mata niya.

"A-ayos lang ako. I'm sorry" nauutal kong sagot dahil malapit na akong maiyak.

"No. It's ok. Come with me" inalalayan niya ako palayo sa nabasag na mga champagne glass.

"What is going on here?" Isang pamilyar na baritonong boses ang nagpakaba sa akin.

"Ah It's just an accident Sir Lolo. You don't have to worry" pero imbis na kay Uno ay nasa akin ang tingin niya. Maaaring nakilala niya ako, siya rin iyong matanda sa convenient store.

"It's you again. I see, Uno are you friends with her?"

"Y-yes Lo, please excuse us first." nagsusumamo ang tinig ni Uno na para bang takot siyang hindi pumayag ang lolo niya.

Nakatitig lang ako kay Uno. Bakas ang takot sa mukha niya, nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon.

"You may go now hija. But you will stay Uno"  madiing sabi ng matanda.

"But Sir Lo-"

"I said you will stay here" natutop si Uno ng sabihin iyon ng lolo niya ng puno ng autoridad. "She messed this herself, she should handle it alone"

Walang umimik sa amin, lahat ay naninimbang sa mga mangyayari. Kahit ang ibang bisita ay nasa amin na ang atensyon.

"Mei. I'm sorry", Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Uno, kita ko sa mata niya ang paghingi ng tawad dahil hindi niya ako maipagtanggol. Pero wala siyang kasalanan. Ako itong pilit ibinagay ang sarili sa mundo na mayroon siya, alang alang sa pagkakaibigan namin.

"Ayos lang ako Uno. Happy birthday"

"Next time hija you should know your place and where to belong yourself to avoid causing trouble. Salamat sa pagdalo, makakaalis ka na"

Dali dali akong umalis doon, dirediretso ako hanggang sa makalabas ng gate nila.

Sinigurado ko munang walang makakakita bago ko hinayaan ang mga luha ko na kumawala.

Baka nga tama sila, hindi kami pwedeng maging magkaibigan ni Uno at lalo na ang higit pa doon. Langit siya at lupa ako. Kahit anong gawin kong pag aadjust, hindi pa din ako bagay doon. Dahil kahit damitan ako at lagyan ng kolorete sa mukha hindi pa din maipagkakaila na mahirap lang ako. At ang mahihirap ay walang puwang sa mundo ng mayayaman.
Napangiti ako ng mapait kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Hanggang ngayon ba ipagpipilitan ko nanaman ang sarili ko? Tama na siguro ito.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now