Chapter 28

2 0 0
                                    

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din sumusunod si Uno. Akala ko ba ay magpipicture taking lang sila? Bakit ang tagal? Pero bakit ba ako nagrereklamo, siguro ay nagliligpit pa sila ng mga gamit nila.

Sinilip ko muli ang cellphone ko para makita kung nagtext ba siya na mauuna na umuwi, pero wala naman.

Napagdesisyunan kong hakutin na lamang ang mga libro para dalhin sa library. Ilang metro lang naman ang layo nito kaya hindi ako ganoon mahihirapan.

Nang malapit na ako sa pintuan ay biglang bumukas ang pinto dahilan para matamaan ako nito. Tiningnan ko ng masama ang taong may gawa noon. Pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko siya kilala.

"Hala! Sorry miss!" lumapit siya sa akin para tingnan kung ayos lang ako. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Teka, may naaalala ka ba?"

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Ang O.A naman, hindi naman ako nasaktan masyado.

"Ayos lang po ako"

"Hala? Magkaedad lang tayo"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na lang. Baka kasi may kailangan siya, ako ang napagbilinan ni Ma'am Rina. "May kailangan ka ba?"

"Ah. Wala naman. Napag utusan kasi ako ni Ma'am na maghakot ng libro. Teka bakit buhat mo yan? Ako na"

Inilag ko ang mga libro ng akmang kukunin niya ito sa akin.

"Madami pa doon. Kaya ko na ito" pagkatapos noon ay nilagpasan ko na siya.

Nisurrender ko iyon sa student assistant doon. Pagkatapos ay kukuha sana ulit ako ng dadalhin ngunit naabutan ko ang ilang kalalakihan doon.

"Tangina ka naman pre e! Inabala mo kami para lang maghakot ng libro?"

"Sige na tulungan niyo na ako"

"Gago ka kasi, kung mag iescape ka kasi 'wag kang papahuli"

Narinig kong nagtatalo ang mga ito, kasama iyong lalake kanina. Nameke ako ng mahinang ubo dahilan para tumingin sila sa'kin.

"Miss kami na ang bahala rito" kumindat pa siya bago kumuha ng mga libro.

Umalis ako doon at dumiretso sa library para icheck kung kumpleto ba ang mga iyon. Nang matapos ay napagdesisyonan kong magbasa ng ilang libro doon.

Unti unti akong bumibilib kay Kylo dahil lahat ng binabasa kong libro ay nabasa na niya. Nakalagay kasi ang pangalan ng mga humiran, sa isang chart. Akala ko noong una ay nagkataon lang, pero totoo yatang nabasa niya na lahat ng libro dito. Maliban na lamang sa mga bagong dating.

"Mei! Kanina pa kita hinahanap" hinihingal na si Uno ang bumungad sa akin.

"Tapos na kayo?" tukoy ko sa picture taking nila na inabot ng halos isang oras. "Baka may gagawin ka pa doon"

"Wala na. Tinapos ko na lahat, para matulungan na kita" inilibot niya ang paningin niya "ano pa bang gagawin?"

"Wala--"

"Miss ok na ba? Mauuna na kami" may sakit siguro siya sa mata kaya mahilig siyang kumindat.

"Salamat"

Umalis na siya kasama iyong mga kaibigan niya yata. Bumalik ang tingin ko kay Uno na nakasimangot.

"Sino yon?"

"Hindi ko kilala eh" nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman talaga iyon kilala.

"Bakit kinakausap mo siya?" parang batang angil niya. Seryoso ba siya?

"Hindi ko siya kinakausap"

"Nagpasalamat ka sa kaniya"

"Dahil tinulungan niya ako" hindi ko alam kung anong problema niya, wala namang masama sa ginawa ko. Natural na magpasalamat ako dahil tinulungan ako nong tao.

"Ikaw? Baka hinahanap ka na noong Kiesha" tanong ko sa kaniya nang hindi na siya sumagot.

Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay unti unting lumiwanag. Medyo moody talaga siya.

"Galit ka ba?" tanong niya habang nagpipigil ng ngiti.

"Hindi ah! Bakit ako magagalit?" nakagat ko ang ibabang labi ko dahil medyo napalakas ang pagkakasabi ko noon.

"Huwag ka na magselos. Ikaw lang naman ang gusto ko" pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid dahil sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo" nilagpasan ko siya at lumabas ng library. Sa tingin ko ay kailangan ko ng hangin, masyadong mainit sa loob kaya namumula ako.

Nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad papuntang food court. Mabuti na lamang at hindi niya ako sinasabayan kundi makikita niya ang mukha ko. Sa simpleng banat niya ay kinikilig na ako, malala na ata ko.

Wala si Avril pagdating ko doon kaya naman tumulong si Uno sa pag asikaso ng mga customer. Mabuti na lang talaga at nakatsinelas ako, naging komportable at nakahinga ang paa ko.

Nang medyo nangalay ay umupo muna ako, wala naman na masyadong tao dahil medyo gumagabi na rin. Sinubukan ko din magbasa ng notes habang nagpapahinga, wala naman kasi akong ibang ginagawa. Isa pa ay ganitong pagkakataon lamang ako nakakapag review ng mga lessons, dahil bukod sa wala akong oras masyado ay madalas bagsak na ang katawan ko pag uwi.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya hinanap ko kung sino iyon. Nagtama ang mata namin ni Uno, kanina pa ba siya nakatitig sa akin? Anong problema nito?

"Problema mo?" inilabi ko iyon sa kaniya, medyo may kalayuan siya. Ayaw ko namang sumigaw dahil agaw atensyon iyon.

"Wala! Ganda mo!" tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya ng isigaw niya iyon pabalik. Kahit kailan talaga walang hiya siya. Kita kong natawa siya sa ginawa ko. Nang aalaska nanaman siya.

Pagkatapos magligpit ay umuwi na din kami. Sinabayan ako maglakad ni Uno pauwi dahil wala siyang dalang sasakyan ngayon. Mabuti na lamang at hindi na ganoon kasakit ang paa ko.

Huminto siya sa harapan ko at biglang yumuko habang nakatalikod sa akin. Naguguluhan ako sa ginagawa niya kaya tinitigan ko lang siya.

"Ano ba Mei nakakangalay" reklamo naman niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?"

"Sakay"  nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Piggyback?

"H-hindi na! Kaya ko naman Uno" pagtanggi ko sa kaniya, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya dahilan upang bumagsak ako sa likuran niya

"Ang kulit kasi. Sabi nang sakay e! Gusto pa sapilitan" umiiling iling pa siya bago umayos ng tayo habang nakasakay ako sa likod niya.

Nahihiya ako dahil baka mahirapan siya, hindi naman ako mabigat pero sa haba ng araw niya, sigurado ako na pagod din siya.

"Ibaba mo ako kapag nabigatan ka ha" paalala ko sa kaniya, hindi naman na talaga niya kailangan gawin ito.

"Hindi ka pabigat Meisha" kahit hindi sa akin nakaharap ay alam kong nakangiti siya.

Sinandal ko ang ulo ko sa may balikat niya. Mabagal ang lakad niya na para bang sinasadya niya iyon, kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang moment na iyon. Minsan lang naman, pagbigyan ko na yung sarili ko.

"Uno?" marahan kong tawag sa kaniya.

"Hmm?" napalunok ako sa lambing ng boses niya.

"Hindi ka ba napapagod?"

Kahit hindi ko sabihin ay alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Kahit naman alam kong matiyaga at seryoso siya hindi ko maiwasang isipin na baka mapagod din siya at maghanap ng iba.

"Hindi ako mapapagod Mei. Sana alam mo yun"

"Maraming salamat Uno." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kailangan kong magpasalamat sa kaniya. Sa lahat ng tulong niya at pag aalaga sa akin. Sa pagsama sa akin, sa pag mamahal sa akin, at sa pananatili.

Nagpababa na ako nang nakarating na sa kanto malapit sa amin, nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako sa mismong bahay.

Inintay namin ang sundo niya doon bago ako umuwi. Ayaw ko namang iwan siya mag isa. Kahit nagpumilit siya ay nanatili ako, katulad kung paano siya nanatili noong pinagtatabuyan ko siya.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now