Chapter 8

5 2 0
                                    

"Feeling better now?"

"Salamat"

Isang matamis na ngiti ang isinukli niya sa akin nang magpasalamat ako. Sa totoo lang ay hindi pa kami ganoon magkakilala, pero ngayon lamang ako umiyak ng ganito sa harapan ng ibang tao. Ganoon na ba talaga ako kapagod?

"Let's go"

"Saan?"

"Basta"

Nagpahila na lang ako sa kaniya paalis ng rooftop. Lunch break na din kaya madami ng estudyante. Hindi halatang nagcutting kami.

Dumiretso kami sa cafeteria at ramdam ko ang tingin ng ibang estudyante sa amin.

"Hindi ka ba komportable dito?"

"Ayos lang"

Kahit naiilang ako sa tingin nila ay hinayaan ko na Lang. Wala naman akong ginagawang masama at lalong wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Umalis siya para umorder ng pagkain namin. Nang makarating siya ay nag abot ako sa kaniya ng pera. Napangiti ako ng tinanggap niya iyon.

Unti unti ng umiingay ang cafeteria dahil dumadami na ang estudyante. Narinig ko pa ang mga kaibigan niya habang papasok ng cafeteria.

"Si Uno ba Yun?" Tanong ng kaibigan niyang lalake na nakasalamin. Halatang matalino at mayaman.

"Where?" tanong ni Hershel at inginuso naman niya ang direksyon namin.

Napalingon si Uno sa kanila at talagang kumaway pa.

"Gago si Uno nga" Lumapit sila sa pwesto namin at nagsimula na akong kabahan.

Nagtama ang tingin namin ni Hershel, at nakita kong nagulat siya, nahihiya ako. Parang gusto kong umalis at lumipat ng mesa pero ayokong maging bastos.

"Hoy, siraUno bat hindi ka pumasok?" tumingin sa akin si Avril at ngumisi.

"Ha? Bakit? Nagquiz ba?"

"Yes" si Aryana ang sumagot. Kilala ko siya dahil nakakasama ko siya sa Science Club.

Nakonsensya tuloy ako bigla, hindi sya nakapag exam dahil sa akin.

"Hala? Hindi nga?"

"Yeah. But there's no difference though" sabi ni Hershel at umupo sa tabi ko.

Umalis na din ang iba para umorder natira dito ang mga kaibigan niyang babae.

Napakunot ang noo ni Uno, kahit ako ay hindi naintindihan ang sinabi ni Hershel.

"Teka! Hindi ko gets, bakit?"

"Kahit naman kasi pumasok ka, zero ka pa din. Duh!"

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi noong best friend ni Aryana.

Napatigil ako ng tumingin sila sa akin.

"Sorry"

"Kasalanan mo to Michelle. At ikaw Hershel, ang sama na ng ugali mo" binatukan niya pa si Michelle. Michelle pala ang pangalan niya.

Natawa sila sa inasta ni Uno, kahit ako ay ganoon din.

Tumingin siya sa akin.

"Wag ka maniwala sa sinasabi nila"

"Ang kaso ay... mas kapanipaniwala sila" pigil ang tawa kong Sabi sa kaniya.

Narinig iyon ng mga kaibigan niya pati iyong mga lalaki dahil nakabalik na pala sila.

"Meisha akala ko ba kaibigan kita"

"Dude, hindi mo ba siya ipapakilala sa amin?" tanong ng kaibigan niyang Moreno at basketball player ng school namin. Si Erickson kung hindi ako nagkakamali.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now