Chapter 48

6 0 0
                                    

The Hospital warmly welcomed us the next day. Nagkaroon kami ng mini tour pagkatapos ay dinala kami sa kaniya kaniyang office na para sa amin.

Mas maliit ito kumpara sa office ko sa Australia pero walang problema iyon dahil kaya ko namang mag adjust sa ibat ibang environment.

Napagpasyahan kong pag aralan ang case ng matanda, I studied it and focused on it. I saw something suspicious so I had to consult to my co-doctor about it. To justify my hunch I paid a visit to the patient.

Nadatnan kong mahimbing ang tulog nito habang ang matandang babae ay nagbabasa ng bibliya. Para bang kinukwentuhan niya ito habang mahimbing ang tulog ng asawa.

Naagaw ko ang atensyon niya ng peke akong umubo. Kumunot ang noo niya Ng bahagya at parang may inaalala siya.

"Magandang araw po"

"Tuloy ka hija. I'm sorry for staring you just remind me of someone. Can I ask for your name?"

"I'm Meisha po, the one you helped few years ago." tila nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"Naku! Doctor ka na pala ngayon."

Nagkwentuhan lamang kami ng kaunting oras at nagtanong ako ng mga detalye. Nabanggit ko rin na pinag aaralan ko ang case ng patient para sa verification. Todo ang pasasalamat niya bago ako umalis.

I asked for a meeting together with the board members to lecture them about my findings. It has come to my knowledge that the Doctor who operate him cannot be found now. Nawala na lang daw ito na parang bula.

Right after the meeting I asked my team to study the chart and we'll have the surgery the next day. Yes, I found out what's wrong and I'm gonna correct it.

"You're really good at it huh!" Laureen complimented me so I just smiled dahil focus ako sa pagscrub.

The operation doesn't last that long. It was successful and good. We're expecting for him to wake up within this week, well that's not yet sure. It depends on how his body would cope up. After it, I got my rounds with my resident doctors.

The next days went fine until my day off came. I decided to pay a visit to my siblings. Nakakausap ko naman sila paminsan minsan sa video call at nagpapadala rin ako ng pera sa kanila.

Inayos ko ang mga pasalubong ko para sa kanila, sa mga kapatid ko at pati na rin kay Mama. Napatawad ko na ba siya? Oo. Dahil alam kong iyon din ang gugustuhin ni papa. Kahit na kumikirot pa rin sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon, tinatanggap ko na lang. Hindi ko naman na maibabalik ang nakaraan.

I rang the doorbell of their house. Mon opened it for me. Nanlaki pa ang mga mata niya at kinusot ang mga mata bago ako niyakap.

"Ate nandito ka! Namiss kita ate" niyakap ko siya pabalik.

Naluluha ako dahil sa sobrang saya. Ilang taon rin kaming naghiwalay. Maya maya ay lumapit si Maica. Katulad ni Mon ay nagulat rin siya at umiyak na parang bata. Napalitan lang iyon ng ngiti ng ibigay ko ang pasalubong nila. I gulped as I hesitate to ask where she is.

"Nasaan si Dara?" I asked for my youngest sister, she may not came from Papa but she's still my sister. She's nice and kind that I can't help myself but to love her.

Maica look at the kitchen and there I saw Dara hiding from me. She's looking at us pero ng lingunin ko siya ay nagtago ito kaagad. Sabi ni Mon ay wala sina mama at ang asawa nito. Lumapit ako kay Dara pero lumalayo siya.

"Hi Dara. May pasalubong din ako sayo. Come here!" I said in a soft voice. Nakayuko lamang siya at parang nag iisip kung lalapit ba o hindi, kaya ako na lang ang lumapit sa kaniya.

"Here oh! Ate Meisha brought this for you." Pinakita ko sa kaniya ang dala kong mga laruan at damit para sa kaniya.

Nagulat ako ng makitang umiiyak siya. She's so cute but I can't stop myself from panicking. What's wrong?

"Hey! Why are you crying? What's wrong?"

"Y-you're n-not mad at me a-anymore?" nabasag ang puso ko ng pumiyok siya kahit maliit na sadya ang boses niya.

"I'm not mad at you Dara" maybe at some point nadamay siya sa galit ko sa mga magulang niya. Maybe she remembered those times kapag kausap ko sina Mon at Mai, kahit nandoon siya ay hindi ko siya pinapansin. I don't know, I was so immature that I envy her for having our mother's attention. Nadamay siya sa galit ko sa kanila. "Ate loves you"

"Really?" sumigla ang boses niya pagkatapos ay niyakap ako.

I just watched the three of them as they opened my gifts for them. I also brought some for mama out of respect.

"Mga ana-... Meisha anak?!" nagkumahog siyang lumapit sa akin para yakapin ako. I didn't hug her back but I didn't push her either. "Halika ipagluluto kita."

"I brought something for you. Ahmm. I also have to go now I have a work." nakita ko ang paglukot ng mukha ng mga kapatid ko. "Dadalaw ulit ako o kaya naman ay lalabas tayo"

Niyakap ko silang tatlo bago lumabas doon. Yes, I did forgive her but, that doesn't mean I am not hurt anymore. I can't even look at her eyes for too long dahil bumabalik lahat. Lahat ng sakit na nararamdaman ko noong mga panahong umiiyak si papa. A tear fell from my eye as I drive towards the place where I grew up. I'm going to visit papa. I miss him so much.

I stopped over for lunch and then drove back, gagabihin  ako for sure. May kalayuan din kasi ang probinsya namin. Siguro ay magbobook na lang ako sa isang Hotel doon. I'm sure sira na ang bahay namin noon. I don't know wala na akong balita.

Mag aalas dies na ng matanaw ko ang pamilyar na kanto. I stopped.

Bumaba ako ng sasakyan at tinanaw ang lugar. The euphoria crawl on me as I stare at that corner of the street kung saan kami pormal na nagkakilala at madalas na magkita.

Malaki na ang pinagbago doon dahil mayroon ng waiting shed. The memories flashed back as I look at it.

Kinain ng lungkot, panghihinayang at pangugulila ang puso ko. Hanggang ngayon nandito pa rin. Siya pa rin. Hindi naman nawala. Hindi nabawasan.

Sa mga nagdaang taon ay Wala na akong balita sa kaniya, kung ano ang nangyari pagkatapos kong umalis ng araw na iyon. Wala na akong narinig tungkol sa kaniya dahil tinanggal ko ang komunikasyon naming dalawa. Pero kahit ganoon, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay walang makakalagpas o kahit pumantay manlang sa pagmamahal na binigay sa akin ni Uno.

Kahit maraming umaaligid sa akin at nagtatangkang manligaw sa ibang bansa ay wala akong tinapunan kahit na ng tingin dahil siya lang ang nakikita ko. Pero may mga bagay na hindi na pupwedeng ibalik.

"Ineng gabi na baka kung mapano ka" suway sa akin ng matanda sa ihawan malapit sa pwesto ko. Natatandaan ko siya pero marahil ay hindi na niya ako maalala.

"Ah. May tinitingnan lang po"

"Naku! Sabagay kilalang kilala ang storya ng lugar na yan dito sa amin. Alam mo ba na iyong nagpatayo niyang waiting shed na iyan ay ilang taon ng naghihintay." gumapang ang kaba sa puso ko pero binalewala ko iyon.

"T-talaga ho?"

"Oo! Naku hanga ako sa pagiging pursigido ng lalakeng iyon. Kaso, napadalang na lang ang pag bisita niya Jan. Marahil ay natauhan na"

"Bakit hindi pa ho kayo nagsasara?" tanong ko dahil gabi na at delikado para sa kaniya.

"May iniintay pa ako!" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ah. Iyong anak niyo ho ba?"

"Hindi. Iyong lalaking nagpatayo niyang waiting shed. Taon taon ay pinapakyaw niya ang paninda ko ng ganitong petsa."

Mas lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng panginginig ng kamay ko. I searched for my phone and looked at the date today. Then it hit me.

It's July the 20th. The first time we met on the corner of that street.

I went near the shed and looked for its donor only to find out his name engraved on it.

'For the love of Crunos Mendez. The man who can't be moved.'

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now