Chapter 12

5 0 0
                                    

"Ang kapal Ng mukha mo" hinampas ko siya sa braso at umiwas ng tingin dahil hindi ako komportable sa ganoong usapan. Lalo na at hindi naman totoo.

"Para namang lugi ka pa"

"Talaga!"

"Ang sama talaga ng ugali" pabulong niyang sinabi iyon pero narinig ko pa rin.

Humiga siya sa blanket habang ako naman ay nakaupo habang nakasandal sa puno.

"Kapag nagpulis ka, ganito ka pa din ba?"

"Anong ibig mong sabihin?" mukhang naguluhan siya sa sinabi ko.

"Ganito ka pa din ba kabait?" paglilinaw ko sa tanong ko.

Natawa siya ng mahina, na parang may mali sa sinabi ko.

"Hindi naman ako mabait, my personality depends on how someone treats me or the people who are close to me"

Tumango ako sa sinabi niya.

"Alam mo Mei, galit na galit ako sa masasamang tao, dahil sa kanila madaming buhay ang nasisira" ramdam ko ang pagiging seryoso sa boses niya.

"Kaya ba gusto mong magpulis?" tumango siya sa akin ng nakangiti.

"At first, it's because of my Grandfather who is a Police also, pero, noong nakita ko kung gaano kasama ang mga tao, noong nakita ko kung paanong nasaktan si Avril dahil sa kanila, kung paanong nababaluktot ng mayayaman ang hustisya, pinangako kong magiging isa ako sa mga pulis na mananatiling matuwid"

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Avril, pero hindi ko na itinanong ang tungkol doon. Pero kung isa si Avril sa dahilan kung bakit gusto niyang magpulis, ibigsabihin nun hindi talaga maganda ang nangyari, at ganoon kahalaga sa kaniya ang mga kaibigan niya.

"Sigurado akong magiging magaling at mabuting pulis ka Crunos"

Napasinghal siya dahil tinawag ko siya sa buong pangalan niya. Natawa ako sa reaksyon niya, hindi naman ganoon kabantot ang pangalan niya ah.

"Kapag dumating ang araw na nasugatan ako, doon ako magpapagamot sa Hospital Kung saan ka nagtatrabaho" ngiting ngiti niyang sabi na para bang pangarap niyang mabaril at magamot ko.

"Pangarap mo din bang magamot ko?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Oo naman. Pangarap kong gamutin ng isa sa pinaka magaling na doktor"

Napangiti naman ako ng mapait, hindi ko pa nga sigurado kung magiging doktor ako. Mukhang napansin niya naman yun, kaya bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Hindi pa nga sigurado kung magiging doktor ako"

"Kung ikaw hindi sigurado, ako sigurado na. Magiging doktor ka, magtiwala ka lang" pagpapagaan niya Ng loob ko na may kasama pang panggugulo ng buhok.

Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"Nakakainis ka naman e" reklamo ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay.

"Basta, nandito lang ako palagi" napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat"

Natahimik kami pag katapos noon, pero Maya maya lang ay nagsalita ulit siya.

"Bakit ayaw mo pa mag boyfriend?" nagulat pa ako ng iyon ang tinanong niya.

"Dahil madami pa akong responsibilidad at saka, para namang may magkakagusto sa akin." iyon naman talaga ang dahilan ko, saka isa pa ay walang nagbabalak.

"Ang baba naman ng tingin mo sa sarili mo" napatingin ako kay Uno, na nakatingin na pala sa akin.

"Hindi naman sa ganun, wala ngang gustong maging kaibigan ako, girlfriend pa kaya?"

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now