Chapter 23

5 1 0
                                    

Katulad ng usapan namin ni Uno ay uuwi na ako ngayong araw dahil maayos na ang aking pakiramdam. Talagang siniguro niya muna sa doctor na pwede na akong makalabas. Ayon sa doctor ay pahinga ang kailangan ko dahil nag collapse ako sa sobrang pagod, hindi pa nakatulong na may lagnat ako.

"Wala ka na bang naiwan?" tanong niya sa akin habang inililibot ang paningin. Umiling ako dahil kaunti lang naman ang damit na dala nina Hershel para sa akin kagabi.

"Good morning sir!" sabay kaming napatingin sa nurse na pumasok dala dala ang isang... wheelchair? "Eto na po iyong request niyo"

"Thank you so much Po. Ako na ang bahala" pagkasabi niya noon ay tumango lang iyong nurse bago umalis.

Napakunot ang noo ko. Para kanino ang wheelchair? Hindi naman ako lumpo para kailanganin iyan.

"Para kanino yan?" mahinahon kong tanong kahit sa totoo lang ay gusto kong isigaw iyon dahil may hinuha na ako kung anong gusto niyang mangyari.

"Sino bang pasyente dito? Ako ba? Syempre para sayo" kunot noo niyang sagot na parang isang malaking kahibangan ang itinanong ko.

"Ha? Seryoso ka ba? Hindi ko kailangan ng wheelchair!" napataas na ang boses ko sa pagkakasabi ko noon.

"Why not? You're a patient"

"Pero hindi ako lumpo Uno!" naiinis na singhal ko sa kaniya. "Kung gusto mo ikaw ang sumakay diyan"

Nilagpasan ko siya at akmang lalabas na ng kwarto para maunang bumaba pero nahablot niya ang braso ko. Isinara niya ang pinto at isinandal ako doon.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinahabol ng sampung kabayo. Hindi ko alam kung bakit pumikit ako, nanlaki ang mata ko ng pagmulat ko ay halos ilang sentimetro na lang ang layo ng ilong namin sa isat isa.

"Sasakay ka dito o bubuhatin kita pababa?" Nanindig ang balahibo ko ng ibulong niya iyon sa akin.

Dali dali ko siyang itinulak at agad na umupo sa wheelchair. Wala akong nagawa kundi sundin siya dahil pakiramdam ko ay bigla akong nanghina. Alam ko din na tototohanin niya ang sinabi niyang bubuhatin ako kapag hindi ako gumamit nito.

"Good girl" nakangisi pa talaga ang gago. Irap lang ang iginanti ko sa kaniya.

Habang dumadaan kami sa hallway ay hindi ko maiwasang mailang sa mga mata na nakatuon sa amin. Mali, kay Uno pala. Kaya lang naman napupunta sa akin ang atensyon nila ay dahil siguro nagtataka sila kung bakit ganito ang itsura ng kasama ng isang gwapo at mayamang lalake.

Nahihiya naman akong yumuko para maiwasan na salubungin ang tingin nila.

"Are you okay?" napaayos ako ng upo ng bumulong sa akin si Uno mula sa likod. Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya naman hindi ako makalingon sa gilid ko.

"O-oo naman" hindi ko alam kung bakit ako nauutal. "L-lumayo ka nga" saway ko sa kaniya at bahagyang itinulak palayo ang mukha niya.

Narinig ko pa ang pagpigil niya ng tawa dahil sa reaksyon ko. Gustong gusto talaga niya ng pinagtitripan ako.

Nakarating kami sa labas at nandoon ang kotse niya. Agad akong tumayo para kunin ang gamit ko sa kaniya. Gusto ko nang umuwi.

"Salamat. Akin na ang gamit ko" sa sinabi ko ay agad na nangunot ang noo niya.

"Ihahatid na kita Mei"

"Hindi na. Masyado ka nang naabala dahil sa akin, ayoko naman na--" tinalikuran niya ako at agad dumiretso sa kotse niya para pagbuksan ako ng pinto.

"Sakay na"

"Kaya ko na mag isa" naiinis na ako sa kaniya.

"Sumakay ka na please. Wag ka mag alala, last na to. Wala nang mangungulit sayo." sa lungkot ng boses niya ay para akong nahipnotismo. Agad na napawi ang inis ko at napalitan ng lungkot.

Nakakahawa ang lungkot sa boses niya. Ngumiti siya sa akin ng mapait, hindi ko kayang tagalan iyon kaya sumakay na lang ako.

Rinig ko ang buntong hininga niya bago maisara ang pinto ng kotse. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot. Hindi sa kaniya, kundi sa ideya na hindi na kami magkikita at magkakasama. Totoo ba ang sinabi niya na pagkatapos nito ay lalayuan na niya ako? Nanikip ang dibdib ko dahil doon.

Tahimik lang kami buong byahe. Kahit siya ay hindi manlang nagsalita, hindi ako sanay na ganito siya.

Gusto kong sampalin ang sarili ko, kagabi lang ay gusto kong lumayo siya sa akin pero ngayon ay gusto ko siyang yakapin.

Ipinilig ko ang ulo ko para alisin iyon sa isip ko. Tama lang ang desisyon ko. Kahit pa mahirap dahil nasanay na ako sa presensya niya, kailangan kong tanggapin na hindi talaga pwede. Sa tuwing naaalala ko kung paanong ipinahiya at minaliit ako ng Lolo niya sa harap ng mga tao, kung paanong ipinamukha niyang malayo ang agwat namin ni Uno, mas tumitindi ang kagustuhan kong layuan siya.

Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Alam kong hindi maganda ang naiisip ng ibang tao sa tuwing magkasama kami, kilala siyang gwapo, mabait at mayaman samantalang ako, hindi na maganda , mahirap pa.

Nakarating kami sa kanto malapit sa bahay namin. Hindi ko alam kung bababa na ba ako o iintayin ko muna siyang magsalita. Sa huli ay pinili kong magpasalamat sa kaniya, kahit naman ganito kami ngayon ay naaappreciate ko pa din ang ginagawa niya para sa akin.

"Salamat Uno" mahinang saad ko, napatingin siya sa akin at nandoon pa din ang lungkot sa mga mata niya kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

"Pwede ba kitang yakapin?" nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong niya.

"H-ha? Pero kasi--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng marahan niya akong hinila paharap sa kaniya para yakapin.

"Pasensya ka na kung hindi kita naipagtanggol at kung naramdaman mong mag isa ka ng gabing iyon. I swear I tried to reached for you but my Lolo didn't allow me to. And I know that if I would push what I want, he'll do everything to destroy you, your family, your study... and your work"

Parang may nakabara sa lalamunan ko. May hinuha na ako sa gusto niyang iparating pero, parang ayaw kong maniwala. Hindi, wala namang rason para gawin yun ng Lolo niya.

"P-pero bakit?"

"Because he's too obsessed with his dream for me of being a police. He think that you'll be a hindrance for me while achieving it"

"Bakit ako?" puno ng pagtataka ang boses ko.

"Because he knew that you're important to me. He knew that you matters to me, and it will be hard for me to leave you when I have to go for trainings away from you. So he has to stop me"

Dahil lang sa kahibangan niya na maging pulis ang apo niya, nagagawa niyang kontrolin ang buhay ni Uno? Ganoon ba siya kasakim para hindi tanungin kung ano ang gusto ni Uno para sa sarili niya?

"He was also the reason why, you were fired on your previous work when he learnt that I am planning to come to you. Kaya naman, I had to stop seeing you for a month for him to stop pestering you"..

Para akong nabingi sa sinabi niya. Sobrang sama niya, paanong nagagawa niya iyon sa isang tao na wala namang ginagawa sa kaniya.

Ramdam ko ang hinanakit sa boses ni Uno habang sinasabi iyon. Hindi niya din ito ginusto.

"Meisha sa'yo lang ako nakakaramdam ng pahinga, pero kung ako ang magiging dahilan para masira ka, handa akong layuan ka" naramdaman kong nabasa ang parteng balikat ko. Umiiyak ba siya?

"U-uno..." hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman niyakap ko siya pabalik.

"But do me a favor, can you?"

"A-ano yun?"

"Pwede bang alagaan mo ang sarili mo?"

Napapikit ako, hanggang ngayon ako pa din ang inaalala niya. Tumango na lamang ako kahit hindi ko alam kung nakikita niya ba iyon.

Sa puntong ito inamin ko sa sarili ko na may nararamdaman ako para kay Uno. At nakakalungkot dahil sa oras na ito hindi pa ako handang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya. Siguro kapag malakas na ako, siguro pag kaya ko na, siguro kapag may maipagmamalaki na ako.

Sana kapag kaya ko na, kaya pa din niya.

Sana kapag pwede na, pwede pa.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now