Chapter 42

6 0 0
                                    

"How have you been?" iyan ang una niyang tanong nang kaming dalawa na lang pagkatapos ng eksena niya kanina sa mall. "By the way, mas gumanda ka ngayon.

Namula naman ako dahil sa sinabi niya. Nakatayo kami pareho habang nakatanaw sa mga building na kita mula sa kinatatayuan namin.

"N-naging maayos naman. Nagka problema lang pero kinaya ko naman" ngumiti ako sa kaniya pero hindi siya kumbinsido. "Ikaw? Kumusta ka doon?"

"Madaming pinag daanan, mabuti na lang maganda yung inspirasyon ko" kinurot niya ako sa pisngi na agad kong ikinasimangot. "Eto! Tingnan mo"

Ipinakita niya sa akin ang ilang mga larawan habang nasa training siya. Sigurado akong hindi siya ang kumuha noon dahil hindi sila pupwedeng magcellphone. Madalas ay katabi niya si Kiesha pero may katamtamang distansiya sa pagitan nila, napangiti naman ako dahil doon. Ipinakita niya rin sa akin ang ilang mga awards niya at nakakatuwa ang ibinalita niya na napromote siya kaagad.

"Uno, proud na proud ako sa'yo" iyon lamang ang nasabi ko sa kaniya pero kitang kita ko kung paano nanlambot ang ekspresyon niya.

Kung kanina ay kitang kita ko ang matikas at malakas na si Uno habang kaharap ang maraming tao, ngayon ay nakikita ko siyang nanghihina.

Bahagya siyang yumuko at isinandal ang noo niya sa akin. Walang namutawing salita pero sapat na iyon para kumalma kami pareho.

"Salamat Meisha"

Hindi ko alam kung para saan iyon pero sinuklian ko iyon ng halik na puno ng pagmamahal. Sa loob ng kalahating taon naramdaman ko ulit kung paano sumaya sa simpleng halik niya.

Nang makita ang kalagayan ni papa ay nagulat siya dahil sa biglaang panghihina nito, kahit papaano ay sumigla si papa ng makausap siya.

Hindi rin naman siya nagtagal dahil kailangan niya ring magpahinga, balita ko ay kauuwi niya lang kaninang madaling araw at lumabas sila ng mga kaibigan niya bago ako sinurpresa.

--

Mula ng makauwi siya ay nadestino siya rito sa lugar namin. Mas mataas ang katungkulan niya kumpara sa mga kasabayan niya. Marami siyang inaasikaso pero hindi siya nawalan ng oras sa akin.

Isang buwan na lang ay makakagraduate na ako. Siguro ay hihinto muna ako pansamantala, at mag iipon para sa med school. Pokus muna ako sa gamot ni papa hanggang sa gumaling siya. Mas bumubuti na rin ang pakiramdam niya kumpara nitong mga nakaraang buwan.

"Mei, I'm sorry I need to go!" nagmamadali siyang nagpaalam sa akin, ramdam ko naman na mahalaga ang pupuntahan niya kaya pumayag ako.

Nagtext siya sa akin na kailangan nilang lumuwas para sundan si Kylo. Noong una ay hindi ko naintindihan pero noong gabing iyon ay tumawag siya at sinabi ang nangyari sa dalawa. Nilamon ako ng panghihinayang para sa kanila, sobrang tagal na nila.

Minabuti kong damayan si Hershel, paminsan minsan ay dumadalaw ako sa kaniya. Wala akong ibang pinagsabihan dahil ginagalang ko ang desisyon niya.

Parepareho kaming nagulat sa nangyari, walang nag expect noon. Masyadong biglaan. Naisip ko tuloy kung paano kapag nangyari iyon sa amin ni Uno. Hindi, hindi pupwede. Hindi ko kaya.

"Ms. Londres" bumalik ako sa ulirat ng tawagin ako ng professor namin.

"Yes po?"

"Can you please bring it to my office?" iniabot niya sa akin ang isang brown envelope. Bilin niya pa na huwag kong bubuksan iyon. Siguro ay mahalaga ang laman noon pero Kung ano pa man ay wala akong balak na makialam.

Pagkalagay ko noon sa ibabaw ng lamesa niya ay siniguro kong nilock ko ang pinto noon, bilin niya rin kasi iyon.

Pagkalabas ko ng school ay nandoon si Uno naghihintay nakauniporme pa siya. Mukhang pagod siya sa trabaho at namombroblema rin para kay Hershel at sa anak nito.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now