Chapter 27

3 0 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok ako ng tadtad ng band aid ang paa, nagtsinelas na lang din ako para hindi na lumala pa. Bilin din iyon ni Uno sa akin bago siya umuwi.

Pinagtitinginan ako habang papasok sa school siguro ay dahil sa sapin ko sa paa. Ano naman ngayon kung nakatsinelas ako, sila kaya ang magkasugat at labtok sa paa tingnan ko na lang kung gugustuhin nila na magsapatos.

Kahit si kuyang guard ay hinarang ako sa gate, pero ng ipinaliwanag ko naman Kung bakit ay naintindihan niya ako. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan niya iyong gawin, syempre trabaho niya iyon.

Nakalagay din kasi sa student's handbook ng school na ito ang proper uniform, at hindi kasama doon ang tsinelas, maliban na lamang kung may event o pahintulot ng principal na pwedeng mag civilian, at katulad din ng sitwasyon ko ngayon.

Dumiretso lamang ako sa office ni ma'am Rina para ituloy na ang pagstamp sa mga libro. Mabuti na lamang at wala siya doon, ayaw kong makuwestyon niya dahil sa tsinelas ko sigurado din akong magtatanong iyon kung anong nangyari sa paa ko. Hindi din naman ako nagtagal doon dahil malapit na din magsimula ang klase, kakaunti na lang naman iyon, siguro ay tapos ko na iyon mamaya.

Pero laking gulat ko nang pagdating ko sa classroom ay walang tao doon.

May isa akong kaklase na pumasok sa room para kuhanin ang bag niya. Nahihiya man ay sinubukan kong magtanong sa kaniya.

"Excuse me! Bakit walang tao dito?" magalang na tanong ko sa kaniya.

"Nasa quadrangle lahat, may career guidance" sagot niya at itinuro ang black board kung saan nakasulat ang announcement tungkol doon.

"Salamat"

Minabuti kong pumunta na din doon dahil ayaw kong makaagaw ng atensyon. Ngunit napasimangot ako ng makitang puno na halos lahat ng silya at wala na akong makitang bakanteng upuan. Inilibot ko ang paningin ko at may nakitang upuan sa may bandang gilid, iyon nga lang ay puro lalake ang nandoon. Lalapit na sana ako para doon makiupo ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Mei" boses pa lang ay kilala ko na ito. Lumingon ako upang makita si Uno na naglalakad papalapit sa akin, suot niya nanaman ang maganda niyang ngiti. May dala dala pa siyang upuan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya ng makalapit siya.

"Career Guidance" itinuro niya ang tarpaulin sa unahan at doon ko lamang napagtanto na school pala nila ang magcoconduct ng career guidance.

"Uno!" sabay kaming napatingin sa babaeng tumawag sa kaniya. Suot nito ang kaparehas na uniporme ni Uno.

Mahahalata ang pagiging anak mayaman nito dahil sa kutis, maganda siya at pixie cut ang buhok na bumagay sa feature ng mukha niya.

"Kanina pa kita hinahanap..." bahagyang bumagal ang pagbigkas niya ng huling salita nang nalipat ang tingin niya sa akin. "Kanina ka pa hinahanap ni sir" bumaling ulit siya kay Uno.

Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Uno.

"Nagpaalam ako kay sir na aalis ako saglit"

"I guess you already had too much time so.." nagkibit balikat siya at napatingin pa sa relo niya.

"Susunod na ako"

"Ok" tinapunan niya muli ako ng tingin bago naglakad papalayo. Naagaw naman niya ang atensyon ng mga lalake, kahit ako ay nagagandahan sa kaniya. May pagka-intimidating din siya pero syempre walang tatalo kay Avril.

"Ang ganda niya" wala sa sariling bigkas ko

"Sino? Si Kiesha?" magkatunog pa ang pangalan namin. Tumango ako sa kaniya at tinitigan siya.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now