Chapter 17

6 0 0
                                    

Pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik kami sa dati na parang walang nangyari. Normal na usapan, at asaran. Kapag naiisip ko ang sinabi niya ay naiilang ako pero dahil hindi na niya muling nabanggit iyon ay sinubukan ko na ding kalimutan.

Hanggang sa dumating ang graduation day nila. Nagtampo pa siya sa akin dahil hindi ko daw siya pinanuod, at kailangan ko daw bumawi sa kaniya.

Kaya naman napilitan akong sumama sa outing nilang magkakaibigan, mas nahiya pa ako dahil hindi kasama sina Hershel at Kylo dahil may nauna daw itong schedule, pero nangakong susunod. Ito na din ang pangalawang outing nila, dahil ang alam ko ay galing silang Albay noong nakaraan. Hindi ba sila nauubusan ng pera?

"Sigurado ka bang ayos lang sa mga kaibigan mong kasama ako?" paniniguro ko, alam ko namang mababait ang mga kaibigan niya pero ayaw kong abusuhin iyon. Mamaya niyan ay may pag uusapan pala silang para sa kanila lang dapat.

"Oo naman. Ano ka ba!" sagot ni Uno habang nagtitipa sa cellphone niya.

Nandito kami sa kanto malapit sa amin, nag iintay ng service. Sabi ni Uno ay Van daw nila Kian ang gamit.

"Ang tagal niyo naman bro!" inis na sabi ni Uno.

"Sorry bro, si Bibi kasi ang bagal kumilos" si Aryana ata ang tinutukoy ni Kian.

"Yak. Baduy!" pang aasar ni Uno at pinauna akong sumakay sa van.

"Balang araw, ako ang magsasabi sayo niyan" pangngantyaw ni Kian.

Doon kami pumwesto sa likod, katabi si Avril. Nasa gitna namin si Uno at bintana naman ang nasa kanan ko.

Buong byahe ay maingay silang lahat, nagpapatugtog sila at sinasabayan nila iyon. Hindi ba sila napapagod sa byahe? Medyo malayo layo din ang pupuntahan namin na beach.

Hindi ako makasabay sa ingay at hindi ko mapantayan ang energy nila kaya naman nagfocus na lang ako sa daan.

"NaoOP ka ba?" bulong sa akin ni Uno.

"Hindi naman" gusto ko sanang sabihin na medyo, pero ayos lang naman.

"Makikanta ka din para di ka maOp" napakunot ang noo ko at mahinang napatawa.

"Siraulo"

Binalik ko ang atensyon ko sa daan at nang makarating kami ay para silang mga bata na tuwang Tuwa. Nag unahan pa silang bumaba at nagtatakbo sa buhanginan.

"They look like a kiddo, right?" napatingin ako sa nagsalita, si Aryana pala katabi niya si Avril na nakaakbay kay Michelle.

Abala naman sa pagkuha ng pictures si Michelle. Tuwang tuwa siya habang sila Uno, Kian, Eric, at Jace ay abala sa pagpose sa hindi kalayuan. Natuon ang tingin ko kay Uno. Napangiti ako.

"Oo nga, ang ganda nilang pagmasdan"

"Nila?" nakangising tanong ni Avril

"O-oo" hindi ko alam kung bakit nauutal ako.

"Tsss. Hindi manlang ako tinulungan mag baba ng mga gamit" rinig naming reklamo ni Josh habang nagbababa ng mga gamit.

"Josh, picturan mo naman kami" iniabot ni Michelle ang camera kay Josh.

"Seriously guys?" Wala namang nagawa si Josh kundi ang kunin ito.

Lumayo ako ng kaunti sa kanila kaya kunot noong  napatingin sila sa akin.

"What are you doing?" masungit na tanong ni Avril

"Ah. Baka kasi mahagip ako ng camera"

"Natural. Kasama ka dapat." Sabi ni Michelle at lumapit sa akin para hilahin ako palapit. Pinagitnaan nila ako ni Aryana.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now