Chapter 7

4 1 0
                                    

Pagkatapos ng tagpong iyon ay may nagkulang sa puso ko na hindi ko alam Kung paano mabubuo.

Hindi ko hinayaang umiyak ako sa harapan nila, dahil pinangako kong hindi ako iiyak dahil sa mga taong walang kwenta.

Mabuti na lang at naibalik sa akin iyong pinakialaman ni ate. Iyon nga lang hindi ang pera ko.

Nagawa ko pang tanungin siya kung nasaan ang pera ko pero itinanggi niya lang.

"Anong akala mo sa akin? Magnanakaw tulad mo?"

Masakit ang mga sinasabi niya sa akin, na akala mo ay hindi niya ako kapatid. Nakakapagod lang intindihin kaya mas mabuting mawalan na lang ng pakialam.

Sinubukan ko naman e. Sinubukan kong magustuhan nila. Ginawa ko lahat para mahalin nila ako bilang kapatid, pero hindi talaga.

Minsan naiisip ko na, siguro may mali talaga sa akin, kaya Wala akong kaibigan noon ay dahil may mali talaga sa akin, kasi kung wala sa akin ang mali, bakit pati mga kapatid ko hindi ako kayang mahalin at tanggapin.

Sa paglipas ng panahon narealize ko na wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Magagawa kong magmahal pero hindi dapat ako humingi ng sukli, dahil sa huli ako lang din ang masasaktan.

Wala akong ganang pumasok kinabukasan dahil nakakaramdam ako ng pagod. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako na gusto kong magpahinga habambuhay.

Pero naisip kong bigyan ang sarili ko ng kahit isang araw para masilayan ang lahat sa huling pagkakataon. Baka sakaling magkaroon ako ng panibagong dahilan at sa wakas ay makita ko na may ganda pa din ang mundo.

Pagdating ko ng classroom ay ramdam ko ang mga nanunusok na tingin ng mga kaklase ko. Siguro ay dahil iyon sa pagtawag ni Uno sa akin noong nakaraan.

Hindi ko iyon pinansin at dumiretso na lamang sa upuan ko. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng mga babaeng mahilig sa gwapo pero hindi naman magaganda.

"Bakit kayo magkasama ni Uno noong nakaraan?" tanong ni Samy at sinipa pa talaga ang upuan ko.

Hindi ako umimik dahil hindi din naman sila maniniwala.

"Tinatanong kita" hinila niya ang buhok ko para mapatingin ako sa kaniya.

"Wala iyon"

"Wag mong sabihin na nilalandi mo siya. Oh come on! Hindi ka papatulan nun" panggagatong ng kasama niya.

Iginala ko ang mata ko at nakitang halos lahat sila ay nakatingin na sa akin pero, walang kahit isa sa kanila ang gustong tumulong.

Sino ba namang mag aaksaya ng oras para tulungan ako. Baliw ang gagawa noon. Dahil dito sa classroom namin, hindi ako nag eexist, I'm the invisible one. Napapansin lang nila ang mali ko, pero hindi ang mga tama.

"Magkaibigan lang kami" sagot ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

Natawa sila sa sinabi ko.

"Ano iyon? One sided friendship?"

"Tingin mo talaga kaibigan ang tingin niya sayo?"

"Mag isip isip ka nga"

Ano bang problema nila? Naiinggit lang naman sila dahil hindi sila makalapit kay Uno.

"Hindi ko kailangan ng opinyon niyo" walang ganang sabi ko sa kanila.

Ramdam kong mas napikon sila dahil wala akong pinapakitang interes sa mga sinasabi nila.

"Malandi ka!"

Nagulat ang lahat sa pagtama ng palad niya sa pisngi ni... Uno?

"U-uno, i-im s-sorry . H-hindi ko--" nauutal na sabi ni Samy at tumingin sa akin at dinuro ako.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now