Chapter 29

3 0 0
                                    

Nagdaan ang mga buwan at ibat ibang activities sa school. Katatapos lang ng aming intramurals kaya naman parang may hang over pa ang lahat ng bumalik ang klase. Maliban na lamang ata sa akin at mga kagaya ko na halos walang sinalihan. Tumulong lamang ako sa paggawa ng props para sa cheer dance, hindi naman kasi ako sumasayaw. Hindi ako kabilang sa mga taong nabiyayaan ng talento sa pagkanta at pagsayaw.

Wala din naman silang choice kundi ang pilitin ang sariling bumalik sa pag aaral. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kinatatamaran ng karamihan ang pag aaral, ngunit para sa akin ay mahalaga ito. Hindi man ito kasing halaga ng pagpapakatao pero mahalaga ang matuto.

Isa din siguro iyon sa dahilan kung bakit gusto ko magdoctor dahil walang katapusang pag aaral tungkol sa medisina ang isa sa trabaho nila.

Napabuntong hininga nanaman ako ng maalala kung gaano kakomplikado ang pangarap ko para sa katulad kong hindi mayaman. Wala akong ibang aasahan kundi scholarship at sariling kayod.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung saan ako papasok, samantalang ang iba ay nagsisimula ng magtake ng entrance exam sa ibat ibang University na papasukan nila.

"Ang lalim ng iniisip mo ah" agad na nawala ang panlulumo ko ng marinig ang boses ni Uno. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng ice cream.

"Salamat. Kanina ka pa?"

"Oo. Nabilang ko nga kung ilang beses kang nagbuntong hininga" inismidan ko siya dahil walang sense ang sinasabi niya.

"Ano ba yon? May problema ba? Sabihin mo sakin" naging mas sinsero ang boses niya habang nakangiti sa akin ng malambing.

Napanguso ako dahil ang gwapo niya sa tuwing ganoon ang itsura niya.

"Hindi ko pa alam kung saan ako magkacollege" pag amin ko sa kaniya

"Ang daming Universities jan, sigurado naman akong papasa ka" pagpapalakas niya ng loob ko.

"Pero hindi ko naman sigurado kung papasa ang bulsa ko."

Napasimangot ako sa kaniya kaya naman pinitik niya ang noo ko.

"Sasamahan kita mag apply ng scholarship. Wag ka na mag alala I got chu bro! I gotchu!" sinuntok niya pa ang kaniyang dibdib habang nakaturo sakin ang isang kamay niya. Naubo siya dahilan para matawa kaming dalawa.

Wala na. Tanggal na ang pangambang nararamdaman ko. Nawala na ang takot at pag aalala na harapin ang mga susunod na araw, dahil alam ko. Alam kong kasama ko siya palagi. Alam kong palagi siyang mananatili.

Ganoon nga ang ginawa namin ng mga sumunod na araw, tinulungan niya ako magpasa ng mga requirements na kailangan para sa scholarship ng mga politika at ng mismong schools dito sa amin.

Ngayon ay katatapos ko lang mag entrance exam sa CNSU, dream school ko ito. Ang alam ko ay dito rin nag aaral sina Hershel.

"Meishaaa!" pagkalabas ko ay boses agad ni Uno ang umalingawngaw sa tainga ko. "Kumusta? Kinabahan ka ba? Eto tubig!"

Mas natataranta pa siya sa akin. Kanina bago ako pumasok ay ang dami niyang bilin sa akin, nireview niya pa ako para daw hindi ko makalimutan. Sabi niya pa sa akin, kapag daw hindi ko alam ang sagot ay magpaalam akong pumunta sa CR at itext siya para masabi niya ang sagot. At totoong inintay niya pa akong matapos. Ilang oras siyang naghintay dito sa labas.

"Mas kabado ka pa sa akin" puna ko sa kaniya

"Syempre future natin ang nakasalalay dito" agad na namula ang pisngi ko. Hindi pa din ako sanay sa mga ganitong klase ng banat niya.

"Ang kapal talaga ng mukha"

"Kinilig ka nga"

"Asa ka!"

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now