Chapter 11

5 0 0
                                    

"Mei ang bagal mo naman"

"Saglit lang"

Kanina pa siya kumakatok sa kwarto ko at minamadali ako. Maaga pa naman para sa simba, Ewan ko ba dito kay Uno kung bakit nagmamadali.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang simpleng kulay gatas kong dress katerno ang flat shoes ko na luma na pero maganda pa naman kaya nagagamit ko pa. Minsan ko lang din naman ito gamitin kaya maayos pa. Isa pa ay hindi naman ako mahilig magsuot ng ganito, tuwing may mahalagang okasyon lang.

Naglagay din ako ng kaunting pulbo at hinayaan ang natural na pagkakapula ng labi ko.

Lumabas na ako ng masiguro kong presentable na ako.

"Ang tagal mo na-" hindi ko alam Kung bakit siya huminto sa pagsasalita.

Tinitigan niya lang ako habang nakalagay ang kamay niya sa baba. Para siyang nag iimbistiga.

"Akala ko ba ay nagmamadali ka?"

"Ha? Ah. Oo nga" natauhan din siya sa wakas.

"Tara na?"

"Saglit" may kinuha siya sa bulsa niyang kahon. Inilabas niya ang kwintas doon.

Pumunta siya sa likuran ko para isuot sa akin ang kwintas. Hinawakan ko ang pendant nito. Ulap? Bakit ulap?

"Ayan, bagay na bagay!" tuwang tuwa siya ng makitang suot ko na iyon.

"Para saan ito?"

"Christmas gift. It really suits you." nagkibit balikat pa siya.

Gusto ko mang tanggihan ang regalo niya ay ayaw kong masira yung kaligayahan niya. Kitang kita ko kasi ang saya sa mga mata niya ngayong suot ko ito.

"Salamat. Pero bakit ulap?"

Nagkibit balikat na lamang siya at nauna nang lumabas ng bahay.

Isinara ko ang bahay dahil umalis sila papa at mga kapatid ko. Pupunta sila sa tiyahin ko.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan niya. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin.

"Alam kong gwapo ako Mei, don't make it so obvious na naaattract ka sakin"

"Ang kapal talaga ng mukha mo"

"Ako pa talaga? Ikaw na nga tumititig jan ng libre e"

"Kapag hindi naman gwapo ang tinititigan, dapat lang na libre."

Bumuntong hininga siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, umakto pa siyang nasasaktan kaya natawa ako sa kaniya.

"Porke maganda ka ngayon"

Nagsimula na siyang mag drive pagkasabi niya nun. Parang namula naman ang pisngi ko dahil sa hiya, nang aasar nanaman siya.

"Kinilig ka naman?" Mukhang napansin niya iyon kaya nagsisimula nanaman siyang mang asar.

"Tumigil ka nga Jan"

"Naniwala ka naman?"

"Ewan ko sayo", sinimangutan ko siya.

"Eto naman. Sorry na. Ang ganda ganda mo ngayon e" hindi ko alam kung nang aasar ba siya pero napangiti ako.

"Ngayon lang?"

"Hmmm" umakto pa siyang nag iisip kaya inismidan ko siya at humarap na lang sa labas.

"Actually araw araw naman"

Hindi na ako sumagot at palihim na Lang na napangiti. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya napasimangot ulit ako.

Kahit kailan hindi talaga marunong magseryoso si Uno.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now