Chapter 51

7 0 0
                                    

Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa narinig ko. May parte sa akin na umaasa na baka si Uno ang nagpadala noon, pero sobrang imposible. Sa paraan ng pagtingin at pagtrato niya sa akin, imposibleng siya ang nagbigay noon. Mas posible pa ang rason ni Kian na tinitiyak ng director ng Hospital na maayos ako, dahil nakagawa ako ng magandang bagay para umingay ang pangalan ng Hospital.

"Geez! He's so hot!" bulong sa akin ni Alesha habang nag aayos ako ng mga gamot.

"Who?"

"The Alpha captain" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Pati ba naman si Uno ay pinag nanasaan niya? Really?

"Tirador ka ng magkakaibigan" alam kong hindi niya maiintindihan ang sinabi ko, kaya naman napangisi ako.

"Yah! I don't understand you" she pouted as a child and later on it looks like an idea pop up on her head. "You're friends with Dr. Arañez right?"

Tumango ako sa kaniya, she's referring to Kian.

"Then you might know him as well" natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi ako kaagad nakasagot. Anong sasabihin ko? Na oo kilalang kilala ko siya, dahil sabay kaming nangarap ng taong iyon. Magkasama kami ng maraming taon, at kinailangan lang namin maghiwalay dahil nagmakaawa ang pinakamamahal niyang ina na layuan ko siya.

"Ahmm. I-.."

"Doc! Doc! Ininom ko na ang gamot na binigay mo sa akin" what a life saver. Dumating si Lulu, isa sa mga batang naging pasyente ko kahapon.

Nagkwento siya sa akin tungkol sa sakit niya at kung gaano niya kagusto ang maging Doctor paglaki niya. Nakita ko tuloy ang sarili ko sa kaniya noong nangangarap pa lang ako.

Nagpaalam din siya noong tawagin siya ng papa niya, kaya bumalik na ako sa ginagawa ko. Pang ilang araw na namin dito pero hindi pa rin kami nauubusan ng pasyente. Kaya naman kinailangan namin tumawag sa Hospital para magpadala ng supply ng mga gamot at pagkain.

Siguro bukas ay darating na rin ang mga iyon. Kaya siguro hindi ko makita ngayon si Kian at Uno dahil sila ang nag aasikaso doon. Wala kasing cignal sa lugar na ito, kaya umalis sila.

Nang maggabi na ay hindi pa rin sila bumabalik. Napagpasyihan kong maglakad lakad sa paligid. Hindi naman ako lalayo. Sumandal ako sa isang puno na may malalaking ugat at doon ako naupo.

Nakakapagod ang maghapon at katulad ng nakasanayan isang bagay lang ang kinakapitan ko kapag pagod ako. Ang kwintas na bigay ni Uno.

Nagpahangin lang ako doon ng ilang minuto, napamulat ako ng may marinig na sumisitsit sa akin. Kinabahan ako at hindi alam kung lilingon ba ako o tatakbo.

"Don't move nor talk!" malamig na saad ng kung sino sa harapan ko.

Naaninag ko si Uno na nakatayo sa harapan ko. Kung hindi siya ang sumisitsit sa akin, edi sino?

"Do not move Meisha!" May kinuha siyang bagay mula sa likuran niya, "Close your eyes"

Naguguluhan ako sa ginagawa niya pero wala na akong oras para maintindihan iyon ng kusang pumikit ang mata ko ng ihagis niya ang isang patalim papunta sa akin. Baliw na ba siya?

"Shoot!" napapalakpak pa siya at parang natutuwa sa nangyari. Pwes ako hindi.

Sinamaan ko siya ng tingin ng imulat ko ang mata ko.

"What do you think you're doing? You bastard!" sigaw ko sa kaniya

"I just did you a favor!" mahinahon at parang inosente pang saad niya. "You're afraid of snakes, aren't you?"

"A-ahas?" That's my biggest fear for Pete's sake. I turn around to see what he just hit and to my surprise, it's a freaking snake. "Ahhhh!"

I panicked while my heart was beating so fast. Dali dali akong lumayo mula doon at lumapit sa kaniya. Sa takot na baka may ahas pa sa paligid ay nagtago ako, bakit parang ang bango naman dito?

Para akong maiiyak sa nangyayari. Umurong ang luha ko ng marinig ko siyang humalakhak.

"Doc! Wag mong itaas ang damit ko. Baka malamigan ako. Wala akong baon na Lola Remedios" nagpipigil pa siya ng tawa nang sabihin iyon.

Doon ko lang napagtanto kung nasaan ako. Nasa loob ng damit niya, at ang mabangong bagay na naamoy ko ay walang iba kundi ang dibdib niya. Sa oras na ito ay hiniling ko na lang na sana kainin ako ng lupa.

"I-im soryy. I-i j-just.. I-I just panicked" napalunok ako para tanggalin ang nakabara sa lalamunan ko. "Bakit ba hindi mo sinabi sa akin na may ahas" singhal ko sa kaniya.

Hindi makapaniwalang tinuro niya ang sarili niya.

"Ako pa? Pagkatapos mo akong pagsamantalahan, ay ako pa ang may kasalanan? Kung sinabi ko sayo na may ahas, ay baka patakbo ka pa lang, natuklaw ka na." 

He's right though. I'm sure I would freak out, and as I saw the snake I'm sure na bago ako makatakbo ay siguradong natuklaw na ako nito.

"S-salamat"

"Doc, ang aggressive mo pala" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ganoon ba kalaki ang issue na iyon. Hindi ko naman sinasadya na magtago sa dibdib niya.

"Shut up"

"Shut me up then!" nanlaki ang mga mata ko ng ituro niya ang labi niya.

Itinulak ko siya at nilagpasan, naglakad ako pabalik sa camp site.

"Doc!" narinig ko pa ang pagtawag Niya. "Doc saan ka pupunta! Panindigan mo ako!"

Napapikit ako dahil sa ingay niya. For a moment parang nanumbalik ang lahat. Kung gaano siya kakulit at kaingay noon. Parang bumalik kami sa dati kahit saglit lang.

Naramdaman kong nanunubig ang mga mata ko dahil sa biglaang pagbalik ng ilang alaala namin. Masaya naman kami e. Masaya naman dapat kami.

Napahinto ako at naramdaman ko na lang ang isang pamilyar na yakap na matagal akong nangulila.

"Bakit ka ganiyan Doc, nagkikita pa lang tayo. Iiwan mo na ulit ako."

Sinuklian ko ang yakap niya, habang umiiyak ako. Hanggang ngayon, siya pa rin. Siya lang.

"Doc! Totoo pala ang sabi nila, magaling ka nga. Wala pang ilang minuto nagamot mo na ang sugatan kong puso" marahan ko siyang hinampas sa likod. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinarap siya.

"Pero hindi ako Doctor ng puso, Uno. Doctor ako ng utak, at sa aking tingin hindi ka pa magaling."

Napaawang ang labi niya sa sinabi koz nilagpasan ko siya at tuloy tuloy na naglakad hanggang makarating ako sa aking higaan.

Sa sobrang gaan ng puso ko ngayon ay hindi ako nahirapang makatulog kaya naman maaga rin akong nagising. Pero kahit anong aga ko ay hindi ko pa rin naabutan ang mga kasama ko sa tent. Sigurado akong may pinapanood nanaman sila.

Lumabas ako at agad na narinig ang impit na tilian ng mga kababaihan. Akala ko ay isang dosenang nakahubad na lalake ang madadatnan ko pero mali ako, dahil mag isa lang siya. Si Uno.

Wala siyang damit pang itaas habang ang mga tauhan niya ay nakadamit. Napalingon siya sa gawi namin, to be specific ay sa mata ko.

Malapit na silang makarating sa pwesto namin dahil nagjajogging sila.

"Magandang umaga" bati niya sa lahat pero sa akin siya nakatingin.

"Magandang umaga rin" bati ng mga kasamahan kong hindi maitago ang kilig. Ngumiti lang ako sa kaniya.

Akala ko ay hindi na siya mag sasalita pero mali ako, dahil halos maging kulay mansanas ako ng magsalita siya, sa tapat ko.

"Mas maganda ka sa umaga Doc!"

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now