Chapter 16

4 0 0
                                    

Maingay ang buong school pagpasok ko pa lang dahil sa mga tilian ng mga babaeng kinikilig sa lovelife ng iba. Nagkalat ang mga lalakeng may dala dalang bulaklak, chocolates at teddy bear na malamang ay ibibigay nila sa mga girlfriend o nililigawan nila.

Dumiretso na lang ako sa office ni Ma'am Rina para tapusin ang mga kailangan kong gawin ngayong araw. Pagkatapos doon ay dumiretso ako sa room dahil malapit ng magsimula ang klase namin.

Pagdating ko doon ay parang may pinagkakaguluhan sila, malas pa dahil malapit iyon sa upuan ko.

"Excuse me" pakikiraan ko sa mga classmates ko.

Napatingin naman sila sa akin, at kusang naghawi ng daan. Naguguluhan akong tumingin sa kanila.

Nagulat ako ng makita ang isang napakalaking teddy bear at isang bouquet sa upuan ko. Nagsialisan na din naman ang mga kaklase ko, nang nakalapit na ako sa upuan ko.

Binasa ko ang card na nakadikit doon.

"Happy Valentine's Day Mei. See you later. ~pogi"

Napangiwi ako ng mabasa ko iyon. Walang nakalagay na pangalan pero alam ko na agad kung kanino nanggaling iyon. Napaka assuming.

Nakalimutan kong may program nga pala ngayon kaya naman mag Isa lang akong naiwan sa room dahil wala naman akong interest sa mga ganoong activity.

Noong tanghalian ay dumaan pa si Uno, kasama si Josh at Kylo sa room namin para lang ibigay sa akin ang isang order ng Jollibee at cupcakes na galing daw kay Hershel.

"Anong pakulo ito Uno?" singhal ko kay Uno, habang nakaturo sa Teddy bear at bouquet na nasa table ko.

"Alam ko kasing walang magbibigay sayo, hindi ko na nga nilagyan ng pangalan para isipin nila may secret admirer ka" mapagbirong sagot niya habang tinataas baba pa ang kilay.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil hindi niya ako siniseryoso. Narinig ko naman ang mahinang tawa ng dalawa niyang kasama na nasa may pintuan.

"Aray ko naman. Joke Lang e! Para sayo talaga yan"

"Ewan ko sayo Uno. Ngayon namomroblema ako kung paano ko dadalhin ito pauwi" masama ang tingin ko sa kaniya habang sinasabi iyon, dahil masyadong malaki ang teddy bear na iyon, at sa liit ng braso ko hindi ko Alam Kung paano ko iyon dadalhin.

"Andito naman ako e!"

"Sige na alis na!" pagtataboy ko sa kaniya dahil mukhang nagmamadali din sila.

"See you later"  kumaway pa siya bago tuluyang umalis. Kinailangan pa siyang hilahin ni Josh dahil mukhang may balak pa itong sabihin.

Tahimik kong kinain ang binigay nila sa akin. Nag abala pa talaga sila.

Nang dahil sa pagbabasa ay hindi ko na namalayan ang oras, uwian na pala. May iniutos sa akin si Ma'am Rina kaya kinailangan kong pumunta sa office niya, at dahil sa hiya ay iniwan ko muna ang binigay ni Uno sa akin sa room. Baka isipin ni ma'am ay may manliligaw na ako.

May ibinilin lang naman siya sa akin na kailangan kong gawin bukas dahil may seminar siya na kailangan puntahan kaya ako ang pinagbilinan niya ng susi doon.

Naglakad ako pabalik sa room namin ngunit napahinto ako ng marinig ang usapan nina Samy at mga kaibigan niya.

"Akala siguro niya ay gusto siya ni Uno"

"Baka nga napipilitan lang si Uno na kaibiganin siya e! Knowing Uno mabait yun"

Nasa gilid ako ng pintuan kaya hindi nila ako nakikita. Pinigilan ko ang sarili ko na sumagot sa kanila.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now