Chapter 3

13 3 1
                                    

Masaya ang lahat dahil nakapasok kami sa championship bukas kaya naman nag akit sila na kumain sa labas. Hindi sana ako sasama kaya lang ay mapilit si Hershel at napapayag niya ako.

Kumain kami at pagkatapos ay naglibot  sa mall. Pumasok kami sa isang jewelry store na mukhang mamahalin ang mga tinda. Nakakatakot hawakan dahil baka madumihan, o kaya ay masira.

Naghiwalay kami nina Hershel at Kylo, kaya maingat akong naglakad doon.

May napansin akong isang singsing. Napakaganda niya, simple lang pero ang lakas ng dating.

Tinanong ko ang staff kung maaari ko yung isukat at pumayag naman.

"Ang ganda naman" nakangiti kong bulong sa sarili ko habang nakatingin sa daliri kong may suot ng singsing.

Ibinalik ko iyon sa lagayan at nagtingin ng ibang designs. Kung mayaman lamang kami ay mahihilig siguro ako sa mga alahas.

Nabunggo ko ang isang babae at nahulog ang bag ko. Nagulat pa ako ng makita na siya nanaman iyong babae kanina.

Kinuha niya ang bag ko at agad tumawag ng gwardya.

"Guards!"

Lumapit ang nga ito pati na din ang ibang staff.

"Ano pong nangyayari ma'am?"

"I saw her, she put this ring on her bag"

Nagulat ako ng inilabas niya mula sa bag ko ang singsing na kanina lang ay isinukat ko.

"Miss, pwede bang sumama ka samin?" Tanong ng gwardya na may hawak sa akin sa braso.

"Nagkakamali po kayo, hindi Po ako magnanakaw"

Para akong maiiyak dahil sa nangyayari. Bakit ba niya ako ginaganito? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Napaka immature niya naman kung dahil lang sa may gusto siya Kay Kylo.

"Paanong napunta ito sa bag mo?" Sulsol pa ng babaeng maldita.

"Ma'am sumama na lang Po kayo"

"Hindi nga po ako magnanakaw"

"I saw you with my own eyes, you put this ring inside your bag"

Naaawa ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko maipagtanggol ang sarili ko, walang maniniwala sa akin. Dahil kung sa itsura nga naman ang pagbabasehan ay mas kapanipaniwala siya dahil maganda siya.

Parang bumalik sa akin ang nangyari noong unang taon ko sa high school. Pinagbintangan nila akong magnanakaw dahil lang mahirap ako, hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko dahil lahat ng classmates ko ay hindi naniwala sa akin. Naniwala sila ay sa classmate namin na, may itsura at mapera.

Mahirap lang ako pero hindi ko magagawang magnakaw ng mga bagay na hindi sa akin.

"Hindi ko magagawa iyon"

Parang nabasag ang boses ko ng sabihin ko iyon. Nakayuko lang ako dahil ano mang oras ay parang iiyak na ako.

"Meisha, what happened?"

Tumingala ako sa tumawag sa akin at nakitang si Hershel iyon. Binitawan ako ng mga guards nang lumapit siya.

"Ito kasi, pinagbibintangan akong ninakaw ko daw itong singsing. Isinusukat ko lang naman"

Para akong batang nagsusumbong sa kaniya. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa akin.

"What's this again?"

"Can you please not involve yourself here?"

"Why would I do that? She's my friend"

"And you're friend is a shoplifter"

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now