Chapter 39

4 0 0
                                    

Pagkatapos kumain ay sumama ako kay Maui sa garden ng bahay. Nagpasama kasi siya magpahangin dahil naiirita pa rin daw siya kay Astrid. Maraming bulaklak doon pero mas nakaagaw ng pansin ko ay ang mga pink na roses na maganda ang pagkakatubo at pagkakatanim.

"Nakakainis talaga iyang si Astrid. Kahit kailan sipsip kay Sir Lolo palibhasa ay hindi siya paborito. Aish"

Nahinto lamang sa pagsasalita ng kung ano ano si Maui nang mapansin ang pagtitig ko sa mga rosas na naroon.

"Uno planted those"

"Ha?" nanlalaki ang mga mata kong humarap sa kaniya.

"That bastard! Alam mo bang naghanap pa kami ng magandang farm para lang makabili ng stems niyan? It confused me but he said it's for someone special. That's when I found out, it's you he's talking about all those times" huminto siya saglit at tumingin sa akin. "Uno is so into you Meisha, he has no plan of falling in love at all before, because of his profession, but he just fell into you. So deep."

Hindi ako makapagsalita, sa mga salitang binibitawan niya ay tumataba ang puso ko.

Lumapit siya doon kaya sumunod ako sa kaniya. Nang makalapit ay doon ko lang mas napagmasdan ang mga ito. Naagaw ng pansin ko ang isang karatula doon.

"For my Meisha"

Iyan ang nakasulat doon. Ibigsabhin ay si Uno talaga mismo ang nagtanim nito? Sumagi sa isip ko ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin tuwing may okasyon at kahit wala. Parehong pareho ng mga ito. Kaya ba siya nagtanim ng mga ito ay dahil sinabi kong ayaw kong gumastos siya para sa akin?

"I wonder why he did that. He could simply buy a bouquet of flowers, wala naman iyon sa kaniya. Tuloy ay kinakailangan niya pang mang abala ng iba para lang tulungan siyang gumawa ng bouquet o kaya naman ay manuod ng tutorials sa you tube" tumingin siya sa akin na nanliliit ang mga mata, "He just said na ang babaeng pagbibigyan niya noon ay deserve ang ganoong effort"

"Uh. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw kong ibibili niya ako ng mga bagay bagay na masyadong magastos." nakangiti lang ako habang nakatingin sa mga bulaklak.

"I understand what you're trying to say." tumango siya sa akin para sabihin na naiintindihan niya ang sinasabi ko.

"Maui sa mundong ginagalawan natin, kaming mahihirap ay tinatanggalan ng kalayaan na magmahal ng kahit sinong gusto namin. Langit para sa langit at lupa para sa lupa." ngumiti ako sa kaniya ng mapait. "Aminin na natin, hindi lahat naiintindihan na mahal ko si Uno bilang siya. Ang iba ay iniisip na mahal ko siya dahil sa pera. Pero Maui, hindi, mahal ko si Uno at wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, si Uno lang ang mahalaga."

Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko, dahil habang sinasabi ko iyon ay naaalala ko ang mga mapanghusgang mata ng mga taong nakapalibot sa amin. Niyakap ako ni Maui para pakalmahin.

"I wish I could slap those bitches. But Meisha, if you're worried that Uno will give you up just because Sir Lolo say so, please do not. Hold onto Uno, because he may not be a police already but he's willing to fight for you"

Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin sa kalangitan.

"All his life he's been jailed and controlled. I'm glad he found the courage to decide on his own."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil malalim ang pagkakakahulugan niya non. Hindi ko alam pero may hinuha na ako sa ibig niyang sabihin.

Bumuntong hininga muna siya bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Uno is our Sir Lolo's favorite because he's been following him since then. Lahat ng utos at desisyon ni Sir Lolo walang reklamo si Uno para lang mabayaran ang kasalanan na wala siyang kinalaman"

"K-kasalanan?" tumango siya

"Well it's not really a sin. Pero sa pamilya namin na dugo ng mga police at sundalo ang nananalaytay ay kasalanan iyon. Tito Zero was supposed to be a Police officer because he's a Mendez and he's a man, but that's not what Tito wanted to become. He pursued accounting and business, that made Sir Lolo so disappointed of him, so damn much. And to make the story short, Uno shouldered that obligation of becoming a police and follow Sir Lolo's orders. He did everything para mabawi ang disappointment ng Lolo sa Daddy niya."

Hanggang sa makauwi ay iyon pa rin nasa isip ko. Kaya ba ganoon na lamang ang takot niya noong gabing nagtagpo kami ng Lolo niya. Kaya pala ganoon na lamang siya kung sumunod dito. Kaya pala ganoon na lamang siya katakot na malaman ng Lolo niya na may namamagitan sa aming dalawa, dahil alam niya na madidisappoint ito. Kaya pala.

"Kanina ka pa bumubuntong hininga mga bente na. May problema ba?" mahinahong tanong niya at hinawakan ang kamay ko para halikan ito.

Nandito kami sa isang cafe para mag aral, malapit na kasi pareho ang exams namin. Malapit lang ito sa School ko at siya ang dumayo rito, wala naman daw kasi siyang schedule ngayon.

"Wala ito"

"Kanina ka pa mukhang may iniisip. Baka hindi ka makapag focus niyan sa pagrereview" nag aalala ang boses niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Uno?" sa loob ng halos ilang linggo ay hindi naalis sa isip ko ang usapan namin ni Maui. At tama si Uno, baka makaapekto ito sa exam ko, hindi pupwede iyon dahil scholar ako at may grades akong kailangan imaintain.

Kaya naman nilakasan ko na ang loob kong itanong ito sa kaniya.

"Yes? May problema ba? Ano Yun? Sabihin mo na sa akin"

"Paano kapag nalaman ng Lolo mo?"

Bahagyang natigilan siya at lumambot ang titig niya sa akin.

"Nag aalala ka ba na baka hindi ka niya magustuhan?" malambing na saad niya.

"Uno, umpisa pa lang alam na natin pareho"

"At hindi rin natin kailangan ng permiso" mas matigas na saad niya na para bang buo ang desisyon niya.

"Pero Uno Lolo mo iyon-"

"At girlfriend kita Meisha" bumuntong hininga siya at hinalikan ang kamay ko.

Sa oras na ito ay kinakabahan ako, kaya umiwas ako ng tingin.

"Paano kung madisappoint siya sa'yo? Paano kung sabihin niyang hiwalayan mo ako?"

Napakunot ang noo ko at bahagyang nainis dahil narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"My baby is afraid of losing me. Grabe ang pogi ko naman." natigil lamang siya ng makitang masama ang tingin ko. "Hayy. Look baby, if you're worried please stop. I've disappointed him so many times kahit na gawin ko ang lahat ng gusto niya, so there's no difference. Better do what I want"

Mas lumapit siya sa akin at ipinatong ang baba niya sa ulo ko, madali niyang magawa iyon dahil di hamak na mas maliit ako sa kaniya.

"At kapag sinabi niyang iwanan kita. Handa ako." napapikit ako ng maramdaman ang banayad niyang halik sa sentido ko. "Handa akong iwanan sila, para sayo"

Nanatili akong nakapikit para damhin ang sinseridad sa boses niya. Para iyong isang spell na kinain ang buong sistema ko at wala akong ibang gustong paniwalaan at panghawakan kundi ang sinabi niya.

Naging panatag ang puso at isipan ko dahil doon hanggang sa makalipas ang dalawang taon. Dalawang taon kung saan pinagsaluhan namin ang lahat ng problema at binigyan ng pahinga ang isat isa. Sa loob ng dalawang taon na iyon, ay nalugmok ako sa lungkot at pangungulila kay mama dahil hindi siya umuwi ni isang beses sa loob ng panahong iyon. Mas lumalala na rin ang sakit ni papa dahil pinipilit niya ang sarili na magtrabaho, kaya naman kinailangan kong pauwiin sina ate para maalagaan siya. Nakakausap ko si mama, pero para lang sabihin niya na maayos siya at hanggang doon na lang iyon. Ni hindi ko na alam kung saan siya nakatira kaya naman napagdesisyunan ni Uno na samahan ako sa Manila noong pasko para maghanap sa kaniya. Kasama namin si Kylo para bisitahin si Hershel, balita ko ay nagoOJT ito doon. Pero nabigo kami, pinuntahan namin siya sa lugar kung saan siya nagtatrabaho pero matagal na raw itong wala doon.

Sa simpleng biglaang pagkawala ni Mama sa buhay ko ay unti unting nawawasak ang mundo ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin, pero nagawa ni Uno na ako ay akayin. Sa bawat pagkakadapa ay siya ang humila sa akin patayo. Sa bawat luhang iniiyak ko ay siya ang nagtutuyo. Siya ang pag asa ko sa bingit ng pagsuko. Siya ang nagsilbing pahinga ko sa nakakapagod na mundo.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now