Chapter 31

4 1 0
                                    

Bukas ay pasko na kaya naman noong mga nakaraang araw ay naging abala ako sa pagbili ng kahit simpleng regalo sa pamilya ko pati na rin kay Uno.

Nakabili na rin ako ng mga lulutuin ko para mamaya, hindi iyon ganoon kadami dahil ilan lang naman kaming kakain. Hindi rin umalis ang magulang ni Uno kaya naman siguradong doon siya magsasalubong ng pasko.

Ngayon ay inakit niya akong magdate dahil monthsary daw namin. Parang siya ang babae sa aming dalawa dahil siya pa ang nakaka isip ng mga ganoong bagay. Pero sa totoo lang ay naaappreciate ko iyon. Dahil nga abala ako sa trabaho, sa gawaing bahay, at pag aalaga sa mga kapatid ko ay Wala na akong gaanong oras para maisip pa ang mga ganitong bagay. Siya ang nag papaalala sa akin ng mga bagay na hindi ko naaalala.

Wala naman akong amnesia o sakit na kalimot pero totoo sigurong kapag madami kang ginagawa minsan ay nakakalimutan na natin yung iba pang mahalagang bagay. Pero kahit isang beses hindi ko narinig si Uno na magreklamo. Ni minsan hindi siya nagtampo o nagalit kapag nawawalan ako ng oras sa kaniya. Tinutulungan niya pa ako madalas.

Napangiti ako ng makita ang pamilyar na sasakyan na huminto sa harapan ko. Lumabas doon si Uno. Bakit ang gwapo ng boyfriend ko? Deserve ko ba 'to?

"Hoy!" hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya kaya mahina niyang pinitik ang noo ko, "Come on! Wag mong ipahalata na patay na patay ka sakin"

"Ang kapal talaga ng mukha mo" bahagya ko siyang tinulak para nakadaan ako at sumakay na sa kotse niya.

"Aish, ang liit liit mo, ang tapang tapang mo" wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

Akala ko ay magdadrive na siya pero tumingin siya sa akin ng nakasimangot.

"Ano?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Ganoon mo ba ako babatiin? Wala manlang kiss o hug? Monthsary natin ngayon tapos nang aaway ka!"

Okay. Binabawi ko na iyong sinabi kong hindi siya nagrereklamo.

"Para ka namang bata e!"

"Kiss lang eh! Damot!" nakasimangot siyang nagdrive papunta sa mall.

Tinitigan ko lang siya habang nagdadrive. Napaisip tuloy ako kung kailangan ba talagang ganoon sa tuwing monthsary.

Masyado na ba akong old school para hindi malaman ang ganoong gestures? Pero hindi naman kasi ako clingy at lalong wala akong alam tungkol sa mga ganoon dahil siya naman ang unang boyfriend ko.

Pero hindi kaya unfair kay Uno iyon? Ganoon ba ang gusto niya? Kung sabagay wala naman siyang ibang hinihiling at lalong wala siyang ibang gusto kundi maging sweet ako paminsan minsan.

Minsan lang naman e. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa leeg, hinalikan ko rin siya sa pisngi. Kasabay noon ay ang panlalaki ng kaniyang mata at biglaang pagpreno.

"Fuck! W-what are you doing?" naisigaw niya iyon sa sobrang gulat.

Nakasimangot akong tumingin sa kaniya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nagdadrive ako" sermon niya pa sa akin, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng tainga at leeg niya.

"Ang Sabi mo ay ikiss at yakapin kita hindi ba? Anong inaarte mo ngayon?" naiinis na sagot ko sa kaniya.

Napaawang naman ang labi niya dahil sa sinabi ko. Parang hindi siya makapaniwala. Umiwas siya ng tingin at nakita kong pinalobo niya ang pisngi.

"Sa susunod ay magsasabi ka. Pwede ko namang ihinto ang kotse kung talagang mapilit ka" napasinghal ako sa sinagot niya. Parang sinasabi niya na ako ang may gusto noon. Ibang klase talaga. "Ano? Tapos ka na ba? Magdadrive na ulit ako"

Nang aasar ang tingin at mga ngisi niya. Itinaas baba pa niya ang kaniyang kilay. Nakakairita.

Hindi ko siya inimikan at inismidan na lamang.

"Hayss. Parang gusto ko na lang tuloy gumanti sa ginawa mo sakin" narinig ko ang mahina niyang pag tawa.

"Mag drive ka na! Siraulo!" kasabay noon ay ang mahina kong pagpalo sa braso niya, na ikinatawa niya lalo.

Hanggang makarating kami sa mall ay hindi pa rin matanggal ang ngiti niya, kaya naman maghapon akong nakasimangot.

Nanood kami ng sine at kumain sa isang fast food restaurant, ang gusto pa niya ay sa isang mamahaling restaurant pero agad kong hinila ang damit niya dahil ayaw ko doon. Masyadong magastos. May binili rin siya sa isang botique Ng designers brand. Hinayaan ko lamang siya dahil pera naman niya iyon.

"Mei"

"Hmm?"

Pauwi na kami ngayon dahil maghahanda pa ako para mamaya. Wala naman kasing ibang pwedeng magluto sa bahay, ayaw kong iasa iyon kay papa dahil mapapagod lang siya. Hanggat maaari gusto Kong ako ang gagawa hanggat kaya ko.

"My parents want to meet you"

Nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Hindi pa ako handang harapin ang parents niya. Hindi pa ngayon.

Mukhang napansin naman niya ang naging reaksyon ko kaya ngumiti siya para pagaanin ang loob ko.

"No pressure. Don't worry they are willing to wait until you're ready." hinalikan niya ako sa noo.

Doon ko lang napansin na nasa may kanto na kami malapit sa amin.

"Uno" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Nahihiya akong tumanggi at mas lalong nahihiya akong magpakilala.

Kung ang ibang babae ay halos tumalon sa tuwa kapag ipapakilala sa magulang, ako hindi. Dahil hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng parents niya, lalo na at may history ako sa Lolo niya.

"H-hindi pa kasi ako...handa" napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakayuko.

Naramdaman ko ang paghimas niya sa buhok ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"It's okay. Don't pressure yourself hmm?" sa lambing ng pagkakasabi niya noon ay parang gusto ko na lamang siyang pag bigyan, pero ayaw kong madaliin ang mga bagay.

"Maiintay mo ba ako?"

"Palagi akong handang maghintay, basta ikaw"

Napangiti ako sa sinabi niya. Napakaswerte ko talaga. Nagpaalam ako sa kaniya at niyakap siya bago lumabas ng sasakyan.

Umidlip ako saglit para mamaya ay hindi ako antukin sa pagsalubong ng pasko. Pagkagising ko ay naghanda na ako ng mga pagkain para mamaya, tinulungan ako ng mga kapatid ko sa mga maliliit na bagay.

Pinag mamasdan ko ang Christmas tree namin na puno ng regalo at ilaw. Ang liwanag noon ay nagawa akong pangitiin, dahil kahit hindi kami mayaman ay nagagawa naming magcelebrate ng magkakasama, kulang nga lang dahil wala si mama pero ayos lang. Ramdam naman namin ang pagmamahal niya mula sa malayo.

"Ate may tao po"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko, wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Imposibleng si Uno iyon dahil kasama niya ang parents niya.

Lumapit ako doon at nakita ang isang delivery boy.

"Ma'am delivery po"

Iniabot niya sa akin ang ilang kahon ng pizza, doughnuts at cake. Saan galing ito?

"Kuya hindi po ako umorder"

"Ah ma'am wag po kayo mag alala bayad na po iyan" may kinuha siya sa bag niya at iniabot sa akin ang resibo.

Binasa ko kung sino ang nag order pero walang nakalagay. Naagaw ng pansin ko ang special request ng nag order. Kasama din pala ito sa resibo?

"A box of doughnuts flavored chocolate and strawberry dahil iyon ang paborito ni Mai at Moi. Ang cake naman at mocha flavor dahil mahilig si papa sa kape. Padagdagan ng madaming madaming cheese iyong pizza dahil iyon ang gusto ng girlfriend ko, kapag kasi kumakain kami ng pizza napapansin kong pinili niya iyong parte na maraming cheese. Hehe"

Halos matawa ako sa nabasa ko. Doon pa lang ay alam ko na kung kanino galing iyon. Baliw talaga pero sa ginagawa niya ay parang mas nababaliw na ako sa kaniya.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now