Chapter 45

10 0 0
                                    

Hindi ko na alam kung paano kami nakarating sa Hospital sa sobrang pag aalala ko. Ang alam ko lang ay gusto kong maging maayos siya at natatakot ako sa pupwedeng mangyari.

Nakita kong lumalapit ang isang pamilyar na lalake. Si Kian. Lumapit ako sa kaniya para mag makaawa na tulungan si Uno.

"K-kian. Tulungan mo si Uno."

"Kami ng bahala sa kaniya" tumingin siya sa isang nurse at sinenyasan ito, "Check her too".

Tuluyan na silang pumasok sa emergency room. Habang nag hihintay ay kinakausap ako ng nurse tungkol sa nangyari at kung ayos lang ba ako. Sa mga oras na iyon ay nablangko ang utak ko kaya puro tango at iling lang ang naisagot ko.

Natawagan ko na rin ang parents niya, kahit hindi ko alam kung naintindihan ba nila ang mga sinabi ko. Maya maya lang ay dumating na sila. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Where is my son?!" tanong ni Tita sa nurse na kausap ko kanina. Itinuro naman nito ang puwesto ko malapit sa pinto ng emergency room. Lumapit sila sa akin. "What happened Meisha? Are you alright?"

Tumango lang ako sa kaniya habang nakatulala sa sahig. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, kung sana nakinig ako ay hindi mangyayari ito. Kung inintay ko lamang siya ay hindi sana magiging ganito.

"I-im sorry po. Kasalanan ko." basag ang boses ko ng sabihin ko iyon.

"Patawarin mo rin ako Meisha, pero hindi ko alam kung mapapatawad kita kapag may nangyari sa anak ko" lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"Hon! Stay still, he'll be alright" nagsalita na si Tito na kanina pa tahimik pero alam kong nag aalala rin siya.

Sabay sabay kaming napatayo ng lumabas si Kian sa Emergency room. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maaliwalas ang mukha niya, pero may bahid pa rin ng pag aalala.

Nailipat na si Uno sa isang private room. Sabi ng Doctor na kasama ni Kian ay Major head injury daw ang natamo ni Uno. Kailangan pa siyang imonitor ng ilang araw dahil hindi maganda ang lagay niya.

Pumasok sa kwarto si Tita pagkatapos makipag usap sa telepono niya. Pagpasok pa lang niya ay hinanap na kaagad niya ako.

"Meisha, can we talk?"

Sumunod ako sa kaniya sa isang pasilyo ng Hospital. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit kailangan ay dito pa kami mag usap. Umupo siya sa isa sa mga upuan doon kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Uno is a great police isn't he?" tumango ako sa kaniya dahil walang duda na magaling at mabuting pulis si Uno. Naging usap usapan siya sa ganda ng panunungkulan niya rito sa lugar namin. "He managed to be ahead of his batch mates and even to those who are older than him"

Tama siya, marami ang humahanga sa kaniya dahil sa loob ng maiksing panahon nagawa niyang maging isang Police Senior Master Sergeant.

"Meisha, mataas ang pangarap namin sa anak ko. Did you know that he could've been promoted even more kung tinanggap niya ang iba't ibang offer sa kaniya sa Manila?"

"O-offer?" Bakit hindi ko alam iyon? Bakit wala siyang nababanggit sa akin? O baka naman..

"You didn't know right? Because you were busy fighting with your own battles, that Uno chose to stay silent because he doesn't want to burden you. His Sir Lolo is so mad at him that he even denied him as his grandson."

Walang salitang namutawi sa akin. Dahil totoo lahat ng sinabi niya. Wala akong kwentang girlfriend dahil sarili ko lang ang naiisip ko at hindi siya.

"At first I understand why he wanted to stay. Because of his love for you." huminto siya saglit at malungkot na tumingin sa akin. "But it's not right anymore Meisha, he was almost on top but what makes him fall is you. Because he kept on holding onto you even you're failing big time"

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now