Epilogue

20 1 0
                                    

"Bwisit talaga!" I then beeped my car out of frustration. I really hate the guts of that Marco. He doesn't own Hersh, she's not even his in the first place.

I know Hersh since we were kids and I can see that there's something wrong with their relationship. She's not happy not even a bit. Hindi naman ako makikialam kung alam kong masaya siya, pero hindi naman ako matatahimik lang kung alam kong nahihirapan siya.

I sighed and maneuver my car towards the near gasoline station. This certain girl has caught my attention, she's stretching as if she's tired the whole day. At noong dumaan ako sa harapan niya ay doon ko lamang siya nakilala, she's that girl awhile ago sa office ni Ma'am Rina. Sinungitan ba naman ako, nagtatanong lang eh.

I heard my phone beeped. Avril's calling.

"He-"

"Tangina naman, kanina pa ako dito. Nasaan ka na ba?" kinakailangan ko pang ilayo ang cellphone ko mula sa aking tainga dahil sa bunganga ni Avrilata.

"Teka lang! Ikaw na ang nang aabala ikaw pa ang gustong masunod"

I chuckled after I ended the call. Paniguradong umuusok na ang ilong niya pag dating ko. Sino ba namang matinong tao ang magshoshopping ng gabi? Baliw na ba siya?

Nasiraan siya ng sasakyan kaya kinailangan niya akong tawagan. Ang hirap talaga maging gwapo.

My forehead creased when I saw the girl earlier walking. Isa pa ito, gabing gabi na pero maglalakad pa mag isa. Seryoso ba siya? Umiral ang pagiging maginoo ko, kaya sinundan ko siya.

Mukhang natakot siya kaya bumusina ako, pero naglakad siya palapit sa akin para katukin ang bintana ng kotse ko.

"Ano bang problema mo?"

G-grabe ang ganda pala niya sa malapitan. Mukha siyang anghel na masungit.

"Sorry, natakot ba kita?"

"Hindi, napasaya mo pa nga ako!" Mukhang naiirita naman siya sa akin kaya humingi ako ng paumanhin.

"Hehe. Sorry. Hatid na kita. Saan ka ba?"

"Pasensya na pero hindi ako kaladkaring babae. Salamat pero kaya ko ang sarili ko."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Bakit parang kasalanan ko pa? Gusto ko lang naman tumulong.

Kinailangan ko pa siyang pakiusapan para pumayag na ihatid ko siya. Sa huli ay wala siyang nagawa at mukhang napilitan pa magpasalamat.

"Salamat"

"Dito ang bahay mo?"

"Hindi, doon lang sa Banda don. Kaya ko na mag Isa simula dito, kaya makakaalis ka na"

"Anong pangalan mo?"

"Stalker ka ba? Bakit ko sasabihin sayo? Hindi nga Kita kilala"

"Ang sungit talaga", binulong ko lamang iyon dahil baka masungitan nanaman ako. Sinimangutan ko siya at napasulyap sa oras, paktay iniintay nga pala ako ni Avril.

"Crunos Mendez at your service madam"

Dumiretso ako papunta kay Avril nang nakangiti, kahit napagalitan ako nito ay nakangiti pa rin ako sa hindi malamang dahilan.

Ang maiksing palitan namin ng salita ay malaki ang naging epekto sa sistema ko. Sa hindi malamang dahilan ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya sa tuwing umuuwi siya. Nakikita ko tuloy ang sarili ko kay Kylo. Palagi ko siyang pinagmamasdan at ako ang napapagod kakapanood sa ginagawa niya. Hindi ba siya napapagod? Pinagsasabay niya ang pag aaral at pagtatrabaho.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now