Chapter 9

5 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw at malapit na magpasko. Sa ngayon ay katatapos lang ng exam namin at malapit na ang Christmas party namin. Pero wala akong balak sumali doon.

Dagdag gastusin lang iyon at ayoko din naman makipagplastikan sa mga kaklase ko. Alam ko naman na pabor pa sa kanila na hindi ako umattend.

Kaya naman imbis na magsaya ako ay pinili ko na lang na pumasok sa gasolinahan.

Ilang araw bago magpasko ay nabilhan ko na ng regalo ang mga kapatid, pamangkin ko, at si papa, pati na rin si mama. Kahit na hindi naman siya uuwi ay naghanda pa din ako ng regalo para sa kaniya. Naisipan ko din bigyan si Hershel, at Uno. Ang problema ay wala akong mahanap para sa kanila.

Lahat naman ay mayroon na sila kaya naman nahihirapan akong bilhan sila.

Nagdesisyon ako na bilhan na lamang sila ay sa bagong taon. Bukod sa kulang din sa budget ay hindi din naman kami magkikita sa pasko.

Nandito ako ngayon sa mall para mag grocery, para sa aming Noche Buena mamaya. Kahit paano ay nakapag ipon ako para dito, ganun din si mama. Nagpadala siya ng pera sa amin na nakalaan para sa pamasko. Nakagawian na talaga namin ang maghanda kahit kaunti tuwing pasko at bagong taon dahil minsan lang naman.

Ayaw ko ding maramdaman ng mga kapatid ko ang malungkot na pasko, gusto ko kahit papano ay mapasaya sila. Nang sa gayon wala silang inggit na maramdaman sa ibang bata.

Nagulat ako nang may umakbay sa akin, sisikmuraan ko sana ngunit naamoy ko ang pamilyar na pabango. Si Uno.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umakto siyang parang nagulat.

"Ikaw na ba ang may ari ng mall na'to Mei?"

Umirap ako dahil ang layo nang sagot niya sa tanong ko.

"Joke kasi yon"

Inagaw niya ang cart sa akin at siya na ang nagtulak noon. Guguluhin nanaman niya ako.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kaniya ng mapantayam ko ang paglalakad niya.

"May bibilhin lang"

"Hindi ka talaga nauubusan ng pera"

"Pang regalo naman yun. Minsan lang"

Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pamimili.

Nang makumpleto ko ang nasa aking listahan ay dumiretso na ako sa counter.

Hindi naman ito ganoon kadami dahil hindi naman ganoon kalaki ang budget namin.

Nang matapos akong magbayad ay nag offer siya na ihatid ako. At dahil maraming tao ngayon at punuan ang mga sasakyan ay pumayag na lang ako.

Pero bago iyon ay nagpasama muna siya sa akin kaya naman iniwan namin ang pinamili ko sa baggage counter.

"Saan ka ba pupunta?"

"Bibili Ng regalo"

"Para saan?"

Tumingin siya sa akin at agad nag iwas, para siyang nahihiya dahil namumula ang mukha niya.

"Uh. Sa mga kapatid at papa mo"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Uno, hindi na kailangan"

"Hindi naman para sayo"

Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad kaya sumunod na lang ako.

Nakarating kami sa bilihan ng mga damit at sapatos. Tiningnan ko ang presyo Ng isang damit malapit sa akin. Pero, agad ko iyong nabitawan ng makita ang presyo. Napakamahal naman ng mga ito.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now