Chapter 25

7 0 0
                                    

"A-ang hirap mo naman magustuhan", ramdam ko ang hinanakit sa boses niya habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Kaya nga itigil mo na yan para hindi ka na mahirapan" sa mga oras na ito ay pinipigilan ko na lamang ang sarili ko na manghina.

Mabuti na lamang at nandito kami sa may bandang likod kaya walang nakakakita sa amin.

"Sinubukan ko naman Mei, maniwala ka, sinubukan ko. Pero... ikaw talaga" halos pumiyok siya ng sabihin iyon.

Ramdam ko ang sakit na lumalabas galing sa mga salita niya. Napapikit na lamang ako para pigilan ang mga luhang gustong umalpas sa mata ko.

"Hindi pwede Uno. Sana maintindihan mo yun." mahinahong paliwanag ko sa kaniya.

Gusto kong makinig siya sa akin, hindi pa talaga pupwede ngayon. Kailangan may mapatunayan muna ako sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa ibang tao. Masyadong mataas si Uno para lang mapunta sa katulad ko.

"Bakit hindi Meisha? Hindi ko maintindihan" tumayo siya ng diretso at pinantayan ang tingin ko.

Ang mga mata niyang puno ng lungkot at pagsusumamo na sana ipaintindi ko at bigyan siya ng dahilan ang sumalubong sa akin.

Mas lalong sumibol ang sakit sa puso ko. Hindi deserve ni Uno ang ganito.

"Dahil hindi tayo pwede ganoon lang yun kasimple"

"Is this because of my Lolo?"

"H-hindi..." isa siya sa dahilan kung bakit, pero ayaw ko naman na magalit siya sa Lolo niya dahil sa akin. Hindi tama iyon.

"Then what? Why can't you tell me why? Bakit hindi pwede?!" bahagyang tumaas ang boses niya dahil doon. Inilibot ko ang paningin ko para tingnan kung may nakakakita sa amin, mabuti na lamang at wala.

"Dahil hindi tayo bagay Uno. Gusto kong may mapatunayan muna ako, bago maging tayo dahil, sobrang layo mo, sobrang taas mo. Mahal kita pero hindi pwedeng ikaw ang babagsak para sa akin, gusto ko ako ang aangat para sayo!" sa wakas. Sa wakas nasabi ko din. Iyon naman ang totoo, iyon ang dapat.

Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya, pero agad itong napalitan ng saya.

Napakagat siya sa kaniyang labi at yumuko habang ang hinihimas ang kaniyang batok.

Anong problema nito? Kanina lang ay halos maiyak siya tapos ngayon ay parang nagpipigil siyang sumigaw.

"So..." narinig ko pa ang mahinang hagikhik niya bago ulit tumingin sa mga mata ko, "...Mahal mo ako?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sa lahat ng sinabi ko ay iyon lang talaga ang natandaan niya?

"S-sinabi ko ba yun?" pinilit kong itinanggi dahil sa kahihiyan.

"Come on! You just said it" pagpupumilit niya pa, kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"B-baka nabingi ka lang"

Hinawakan niya ang baba ko para iharap ako sa kaniya. Pinantayan niya ako sa pamamagitan ng pag bend ng tuhod niya dahil mataas siya kung ikukumpara sa akin.

Lakas loob kong pinantayan ang titig niya. Para akong matutunaw, para akong nakatitig sa kalangitan na puno ng ulap, kung saan mararamdaman mo ang pagiging kalmado at mahinahon. Ang sarap titigan ng mga mata niya, para akong nasa isang lugar kung saan pwede akong magpahinga.

"You don't have to climb high to reach me because I already fell for you... so damn hard"

Napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa noo ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya para yakapin. Sa wakas, yakap ko na ulit ang pahinga ko.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now