Chapter 1

14 3 0
                                    

Abala ako sa paggugupit ng mga crepe paper na gagamitin para sa science booth nang ipinatawag ako sa opisina ni Ma'am Rina. Nagpatulong lang naman siya mag ayos ng mga papel kaya naging madali lamang iyon.

"Meisha can you please ask Ms. Hershel Medina of 12 GAS-A to come here?"

"Sure ma'am"

Sinunod ko ang bilin ni Ma'am Rina, hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil kilala siya dito sa school, mayaman kasi siya at maganda. Balita ko rin ay napakabait niya, hindi ko alam kung totoo.

"Hi, what can I do for you?"

Napakaganda ng boses niya pati na din siya mismo.

"Pinapatawag po kayo ni Ma'am Rina sa office niya"

"Sure! Thank you"

Nginitian ko na lamang siya at umalis na.

Nang maggabi na ay kinailangan ko nanamang pumasok sa gasolinahan, maaga ako nakauwi dahil hindi nalate ang kapalitan ko.

Nang mga lumipas na araw ay napapansin ko na parang may nakasunod sa akin palagi, hindi ko alam Kung dahil ba sa pagod o paranoid lang ako.

Bitbit ang dala kong pagkain para sa mga nakababata kong kapatid ay nilakad ko ang distansya sa pagitan ng gasolinahan at bahay namin. May pulubi pa na dumaan sa harapan ko at hindi ko natiis kaya ibinigay ko sa kaniya ang pagkain na dapat ay para sa akin, busog pa naman ako dahil sa meryenda kanina kaya ayos lang.

Pagdating ko ay nandoon ang ate ko kasama ang mga anak niya.

"Ano yang dala mo?"

"Ah. Pagkain"

"Pahingi"

Ang nangyari ay hinati hati nila ang dala kong pagkain na dapat ay sa mga kapatid ko. Ayos lang naman iyon sa akin, pero minsan ay dito na talaga sila umaasa.

"Mei. Pautang nga muna ako limang daan, may hulugan kasi ako bukas"

Gusto kong tumanggi dahil kakailanganin ko ang pera sa darating na Quiz bee. Kahit na sagot ng school ay alam kong gagastos pa din ako.

"Ibalik mo yan sakin te sa katapusan dahil kailangan ko"

"Oo. Ibabalik ko din"

Nang mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pagrereview, kasabay pa noon ay ang pagtatrabaho ko. Mahirap iyon pagsabayin pero nagagawa ko naman.

"Hello ma?"

"Anak kumusta naman?"

"Ayos lang po mama. Ikaw?"

"Ayos lang nak. Bukas pala magpapadala ako"

"Sige po"

Nag usap lang kami ng madali dahil kailangan niya nang bumalik sa trabaho. Nasa Manila ang mama ko dahil walang mangyayari kung lahat kami ay nandito sa probinsya.

Namamasukan siya doon bilang katulong, mababait naman ang mga amo niya kaya hindi ako nangangamba.

Pumasok na din ako sa school pagkatapos kong kausapin si mama. Naging madali ang paglipas ng oras at kasalukuyan akong nasa meeting kasama ang ibang mga kalahok.

"I gathered you all today because there's a problem with the budget and costs for this event"

Walang nagsalita sa amin.

"The contest will be held at Naga instead, and due to the adjustments our budget was lessen"

This time ay madami na ang nagreklamo, lalo na ako.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now