Chapter 2

9 2 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok dahil kailangan kong mag ayos ng gamit sa office ni ma'am Rina. Hindi kasi ako nakadaan doon kahapon dahil nga nag meeting kami.

"Good morning ma-.. oh hi! Ikaw nanaman?"

Napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang boses na iyon. Si Uno nanaman. Oo, kilala ko siya, bukod sa sikat silang magkakaibigan sa school ay may itsura din naman siya at may talent.

"Kung hinahanap mo si ma'am Rina ay wala pa siya dito"

"Ganun ba? Pakibigay na lang nito sa kaniya, salamat"

"Sige"

Akala ko ay aalis na siya pero hindi, kaya naman nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"May kailangan ka pa ba?" Matagal pa bago siya nakasagot, at hindi ko pa inaasahan ang itinanong niya.

"Hindi ka ba napapagod?"

Napakunot ang noo ko, pagod saan?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ah Wala. Sige Mauna na ako"

Saka lamang siya umalis. Nakakatawa naman siya, hindi naman niya ako kilala pero kung magtanong siya ay parang Alam niya ang nangyayari sa buhay ko, para tanungin niya kung hindi ba ako napapagod.

Syempre pagod ako, napapagod din ako, pero hindi naman ako pwedeng sumuko, dahil lalong walang mangyayari.

Kapag ba tumigil ako, titigil din ba ang mundo para Lang sabayan ako? Diba hindi naman. Kaya hanggat maaari, kakayanin ko.

Napangiti ako ng mapait. Konti na lang Mei, magiging doctor ka din. Konting tiis na lang.

Alam kong hindi biro ang pagdodoktor, at kinakailangan ng malaking halaga para doon, kaya naman simula pa noon ay nag iipon na ako para doon. Kaya nga gusto kong sumali sa quiz bee dahil malaking halaga ang premyo.

"Maam pinatawag niyo daw po ako?"

Nandito ako sa office ni Ms. Principal ,dahil pinatawag niya ako.

Nakangiti siyang tumango sa akin. Mukhang may magandang balita.

"Ms. Londres you don't have to worry anymore about your expenses, a friend of yours will shoulder it"

Napakunot ang noo ko. Friend? Pero wala akong kaibigan. Posible kayang si Hershel ang may gawa noon?

"Ma'am, Sino daw po?"

"Si Ms. Medina"

Tama nga ako, si Hershel nga. Hindi pala talaga siya nagbibiro ng sinabi niya iyon. Kailangan ko sigurong magpasalamat sa kaniya.

Nagpaalam na din ako at umalis na. Hinanap ko si Hershel pero hindi ko siya makita kaya dumiretso na Lang ako sa gasolinahan.

Nagpaalam na din ako sa manager na ilang araw akong hindi makakapasok dahil may sasalihan akong contest. Pumayag naman siya at natuwa sa akin kaya nagbigay siya ng kaunting pera para daw makatulong. Tinanggihan ko iyon, pero nagpumilit siya.

-

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil maaga ang alis namin. Sa likod ako ng inuupuan nina Hershel at ni Kuya Kylo.

Inabutan nila ako ng pagkain at narinig ko pang nag asaran sila dahil tinawag kong ate si Hershel.

Sa tingin ko ay bagay sila, matalino, mabait at parehas may itsura.

Wala pa sa isip ko ang mga ganoong bagay, dahil maraming kailangan unahin, pero hindi ko maiwasang kiligin sa kanila. Baliw na yata ako.

Nang makarating ay dumiretso kaagad kami sa room na naka assign sa amin pagkatapos magparegister.

Under A Rest | ☁️On viuen les histories. Descobreix ara