Chapter 37

4 0 0
                                    

"Mei, which one's better?" Ipinakita sa akin ni Maui ang dalawang dress na hawak niya. Parehas lang namang bagay iyon sa kaniya.

"Parehas naman bagay sayo"

"Oh right! I'm gonna buy this both" hindi na ako magtataka kung mamahalin parehas iyon, barya lang iyon para sa kaniya.

Pagkatapos doon ay pumunta pa kami sa ibang store. Wala kaming pasok ngayon parehas kaya nag akit siya magmall. Wala akong schedule ngayon at nagkataon naman na wala ang prof nila.

"Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko sa kaniya dahil nagtext na si Uno na malapit nang matapos ang klase niya.

"Why? Oh! Are you in a hurry?" sunod sundo na tanong niya umiling ako sa kaniya at ipinakita ang text ni Uno.

"Patapos na daw ang class niya"

"Hmmp. Isusumbong ko talaga siya kay tita nagkaklase pa siya pero nagtetext na! Anyway, kain muna tayo? My treat" agad akong umiling upang tumanggi sa alok niya.

"Ah. Hindi na. Magdidinner kasi kami mamaya"

"Come on! Maaga pa naman. Birthday mo pa naman ngayon" nagulat ako dahil alam niya na birthday ko ngayon.

"Paano mo nalaman?"

"I just knew"

Sa huli ay napilit niya akong magmeryenda sa isang cafe, hinayaan kong siya ang mag order para sa akin dahil hindi naman ako mapili sa pagkain, Isa pa ay nakakahiya siya na nga ang magbabayad mamimili pa ako.

"May dinner kayo?"

"Ah. Oo, double celebration. Birthday ko at 1st anniversary namin" napaawang ang labi niya sa gulat, hindi siguro nabanggit sa kaniya ni Uno, hindi rin naman ako mahilig magkwento sa kaniya.

"R-really? I wonder how Sir Lo-"

"Hey!" mukhang may gustong sabihin si Maui pero hindi na niya naituloy dahil sa pagdating ni Uno.

"Epal!" Inismidan ni Maui si Uno at pinitik naman siya ng huli. "Ouch!"

"Ikaw ang epal diyan! Date ko kaya itong kasama mo"

"Aghh. Whatever dude! I'll go ahead" hinalikan niya ako sa pisngi at binati ng 'happy Birthday' bago tuluyang umalis.

Nang makalabas na ay doon ko lamang naalala ang mga pinamili niya.

"Uno, nakalimutan ni Maui itong mga binili niya"

"Ha? Asan?" tinuro ko sa kaniya ang mga iyon, Isa isa niyang tiningnan ito habang nakakunot ang kaniya noo. Ang cute niya tingnan.

"I don't think naiwan niya ito. Look" pinakita niya sa akin ang isang card.

Mayroong nakasulat doong birthday greetings na nakapangalan sa akin. Napaawang ang labi ko dahil sobrang dami noon, at ang mamahal pa.

"These are all for you I guess" nagkibit balikat siya at sumimsim sa kape na natira ng pinsan niya.

"P-pero Uno, sobrang dami at mamahal nito. H-hindi ko ata matatanggap ito, halika isauli natin" hinatak ko siya palabas bitbit ang mga designers bag na pinamili ni Maui.

Nagbabakasakali akong mahabol pa siya pero itong kasama ko ay nagpapahila pa. Hindi ko na tuloy makita.

"Nakakainis ka naman e! Ayan tuloy hindi na natin naabutan"

"Baby it's a gift from her. I'm sure maooffend lang si Mamau kapag sinauli mo iyan"

"Mamau?"

"Ow sorry! I mean Maui, nasanay lang ako" natawa pa siya ng bahagya sa pinag sasabi niya.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now