Chapter 6

6 1 0
                                    

"baliw ka ba?"

"Bakit?" Parang nagtataka pa siya.

"Bat mo sinigaw pangalan ko?"

"Dapat ba binulong ko?" Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Hindi mo ba Alam na ang daming nagkakagusto sayo sa mga kaklase ko?"

"Talaga?" Parang nabigla pa siya. Gusto ko siyang batukan.

"Ewan ko sayo Uno"

"Bakit ba? Ano naman ngayon?"

"Aishh. Baka malaman nila na magkaibigan tayo at..."

Hindi ko masabi sa kaniya, na baka ibully nanaman ako at isipin na pera Lang ang habol ko sa kaniya.

"Ibully ka nila?" Sinabi niya iyon sa isang seryosong boses. Nakakapanibago dahil hindi ako sanay ng ganito siya.

Tumango ako sa kaniya, dahil iyon naman talaga ang ikinakatakot ko. Gusto ko lang ng tahimik na buhay.

Naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Don't worry. I always got you Mei"

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ano ba yan yung buhok ko"

"Arte mo"

Bumalik ang magaang atmosphere sa pagitan namin.

Dumiretso kami sa mall para maghanap ng regalo para kay Kylo.

"Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya ito?"

"Kung si Hershel ang ibibigay mo ay siguradong magugustuhan niya"

"Alam ko na!"

Hinila niya ako sa chocolate section. Parang kuminang ang mga mata ko sa dami at sasarap noon pero agad akong napasimangot sa mga presyo noon.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Uno.

"Anong nakakatawa?"

"Your face was epic"

Pinaikot ko na lang mata ko at hindi siya pinansin. Halos mapuno ang cart niya ng Hershey chocolate.

"Kuha ka ng sayo. I'll pay for it" Sabi niya sa akin habang nakatingin sa akin.

"Sigurado ka?"

"Ahuh" tumango pa siya.

Nahirapan akong mamili dahil sobrang dami noon. May ferrero, toblerone, dairy milk, galaxy, at Hershey. Sa huli ay pinili ko iyong pinaka mura. Goya.

Kumuha ako ng Isa noon at iniabot sa kaniya. Naabutan kong nakaawang ang labi niya, na parang nagugulat.

"Problema mo?"

"Nakakainsulto ka naman"

Kumuha siya ng isang malaking toblerone at hinila na ako papuntang counter.

"Eto pa" inabot ko sa kaniya ang Goya na para sa akin.

"Salamat na lang sa lahat" natawa ako ng mahina sa reaksyon niya.

Natapos kaming mamili at dinala niya ako sa isang unli wings restaurant.

"Hindi ka ba nauubusan ng pera?" nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Bat mo natanong?"

"Palagi mokong nililibre"

"Ikaw lang naman ang nililibre ko"

"At paano ang ibang kaibigan mo?"

Imposible kasing hindi sila gumastos para sa isat isa, sa pagkakakilala ko sa kanilang lahat mahilig sila mag Adventure.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now