Chapter 41

7 0 0
                                    

Lumipas ang isang buwan, dalawang buwan hanggang sa umabot ng kalahating taon. Pero hindi pa rin siya umuuwi, sa loob ng kalahating taon ay anim na beses ko lamang siya nakausap. Birthday/anniversary, monthsaries, pasko at bagong taon. Kahit sa telepono ay ramdam ko ang pangugulila namin sa isat isa.

Hindi naging madali ang nagdaang mga buwan lalo na iyong mga una. Doon kinailangan kong mag adjust at lagpasan ang lahat ng bagay ng ako lamang. Problema sa bahay, problema sa school, struggle sa trabaho at schedule. Lahat iyon, kinailangan kong kayanin mag isa lalo pa at graduating na ako ngayong taon. Dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay makakapag tapos na pero kasabay ng paglapit ng araw ng pagtatapos ko ay ang tuluyang panghihina ng katawan ni papa.

Halos hindi na siya makatayo at nakaratay na lang palagi. Hindi huminto ang pagpasok ng pera sa bank account ko, alam kong galing iyon kay mama. Iyon nga lang hindi ko pa rin siya mahanap.

Para madistract ang sarili ay sumali ako sa seminar tungkol sa midwifery, nagawa kong isingit iyon para lang mawalan ako ng oras na mag isip ng kung ano ano.

Marami ring pagkakataong umiiyak ako kapag walang nakakakita dahil hindi ko kinakayang kimkimin lahat.

Napabuntong hininga ako. Kaya mo yan Meisha, malayo ka pa pero malayo ka na. Huwag kang hihinto.

"Hey! You alright?" napabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Hershel. Madalas siyang tumawag sa akin thru video call para mangamusta kapag wala siyang ginagawa katulad ngayon.

"Ah oo! Ano nga iyong sinasabi mo?"

"Don't think too much about Uno, he's fine. We both know him. Mabuti pa ay akitin mong lumabas minsan si Maui para naman malibang ka"

"Hersh magkaugali sila, lalo ko lang siya maaalala"

Napasimangot siya dahil napagtanto niyang tama ako. Hindi naman gaano nagtagal ang pag uusap namin at nagpaalam na rin ako.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang pagsabaysabayin lahat ng ginagawa ko sa loob ng isa pang buwan. Nakakapagod sa totoo lang lalo na at ginagawa ko naman lahat pero kulang pa rin.

"Meisha kulang ang ibinigay mong pera pambili ng gamot ni papa" napakunot ang noo ko. Malungkot ako pero hindi ako nakalimot magbilang.

"Sobra pa iyon ate"

"Ibig mong sabihin ay nagsisinungaling ako? Wala ka na ngang naitutulong sa pag aalaga kay papa nagrereklamo ka pa, pera na nga lang ang ambag mo." nagdabog siya at papalabas na ng bahay habang bitbit ang isang paper bag galing Watson's. Kaya naman pala. "Hindi magandang ugali iyan Meisha. Kung ayaw mo magbigay ng pera pwes ikaw ang mag alaga kay papa."

Tuluyan na siyang lumabas pagkatapos noon. Kagagaling ko lang sa trabaho, doon ako dumiretso pagkagaling sa school.

Sinilip ko si papa sa kwarto niya at narinig ko nanaman ang impit na iyak niya. Nitong mga nakaraang buwan ay ganito siya, parang may kinikimkim at palaging malumbay. Hindi ko iyon nakayanan matagalan kaya isinara ko ulit ang pinto.

"Ate umiiyak ka po ba?"

Kinapa ko ang pisngi ko at agad hinawi ang tumulong luha mula roon.

"Ah. Hindi, napuwing lang ako. Umupo na muna kayo roon ipagluluto ko lang kayo."

Pagod ako. Pero kahit pagod ako kailangan ko pang asikasuhin ang mga kapatid ko. Kailangan kong tapusin ang mga gawaing bahay. Kaya ko pa.

"Meisha! Happy Valentine's Day!" dirediretso siyang pumasok sa bahay namin habang ako ay naglilinis.

Linggo ngayon kaya day off ko at oras naman para sa mga gawaing bahay at pagbantay kay papa.

"Happy Valentine's day Maui" bati ko pabalik pero napasimangot kaagad siya.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now