Chapter 15

5 2 0
                                    

Nang mga sumunod na araw ay naging busy ang lahat para sa final exam. Kahit ako ay mas doble effort para mapagsabay ang pagrereview at part time, pati na din Yung responsibilidad ko sa bahay. Nakakapagod sa totoo lang pero kailangan kong kayanin.

Hindi din kami madalas magkita ni Uno, dahil abala silang magkakaibigan sa pag rereview. Sabi niya sa akin ay napagkasunduan nila na magreview ng sama sama para kapag may hindi sila maintindihan ay may matatanungan.

Para sa akin ay mas mabuti nga ang ganoon, dahil sa pagkakakilala ko kay Uno, hindi iyon makakapagpokus sa pagrereview kung walang magpipilit sa kaniya.

Pero kahit ganoon siya kabusy ay madalas pa din siyang magtext sa akin at tumawag. Madalas din siyang dumaan sa room namin para kumustahin ako, kahit hindi naman kailangan.

Ngayon ay katatapos lang ng exam namin at pasalamat ako dahil sa tingin ko naman ay nasagutan ko iyon ng maayos. Mabuti na lang talaga at pinapayagan ako magreview ni Ate habang nasa gasolinahan kapag walang customer, malaking tulong na sa akin ang mga ganoong simpleng bagay.

Pagkatapos kong mag ayos ng mga test papers sa office ni Ma'am Rina ay dumiretso na ako sa gasolinahan. Bumili pa ako ng palamig sa daan dahil nauuhaw na ako. Habang naglalakad ay naramdaman kong may nagtext sa'kin.

From: Crunos

Mei see you later:)

Hindi na ako nagreply dahil wala din naman akong sasabihin.

"Kumusta exam?" tanong sakin ni Ate Kath, ang manager namin, pagdating ko sa gasolinahan.

"Ayos lang te, papasa naman" natatawang sabi ko sa kaniya.

Tumango lang siya at ngumiti bago bumalik sa convenient store.

Naging abala ako sa pag asikaso sa customer dahil ganitong oras madaming nagpapakarga dahil uwian na.

"Oh eto magmeryenda ka muna" inabutan ako ni Ate ng tinapay at soft drinks.

"Salamat po"

Nagpasalamat ako dahil nilibre nanaman niya ako. Madalas niyang gawin iyon kapag alam niyang madami akong inasikaso sa school. Maliit na bagay lang naman iyon pero para sa akin ay malaking tulong na iyon, at sobra na ang pasasalamat ko.

Iyon siguro ang kagandahan ng pagiging mahirap, matututo kang magpasalamat kahit sa pinakamaliit na bagay na matatanggap mo.

"Ay palaka!" Nagulat ako ng may bumusina sa harapan ko. Mukhang nahulog ako sa malalim na pag iisip dahil hindi ko namalayan na madaming sasakyan ang nakapila.

Nagulat ako ng makilala ko ang mga iyon. Sila Hershel. Agad hinanap ng mata ko si Uno at naglalakad na siya palapit sa amin, nakaparada ang sasakyan niya sa parking area.

"PaGas" si Eric iyon at kumindat pa sa akin.

"Hoy Eric!" hindi ko pinansin ang pag aalburuto ni Uno, dahil naging abala ako sa pagkarga sa sasakyan nila. Bale apat iyon, at puro motor.

"Hi Mei. How's the exam?" pangungumusta ni Hershel sa akin

"Ayos naman. Sa tingin ko ay papasa naman" nagkibit balikat ako sa kaniya

"You know what, Uno thinks he fucked up the exam. Andito siya para magpa comfort" rinig ko ang tawanan nilang magkakaibigan dahil sa sinabi ni Avril, syempre maliban kay Uno na pinagkakaisahan nila.

"Anak ka talaga ni satanas Avril"

"I know right" kumindat pa ito kay Uno, at umaktong nandiri naman ang huli.

Hindi ako umiimik at pinagmamasdan lang sila.

"Proud ka pa talaga niyan?" tanong ni Jace na natatawa din.

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now