Chapter 59

10 0 0
                                    

Like what I said, for us to move forward, we had to settle things from our past, because if not it will still haunt us. And right now, I want to free my heart from everything that ripped me from the past, I wanna set my heart  free from hatreds and anger.

Uno held my hand like how he held it the first time I got in here, the day I learnt about the truth. Hindi alam ni Mama na pupunta ako dito ngayon dahil biglaan din naman ang desisyon kong pumunta rito. I just wanna talk to her and finally set my heart free.

Pinindot ko ang doorbell, maya maya ay lumabas doon si Mon, mukhang kagagaling niya lang din sa labas para magbasketball. Agad niya akong sinalubong nang yakap, at mukhang hindi niya napansin ang lalakeng kasama ko.

"Ate! Buti dumalaw ka, kagabi pa ako kinukulit ni Maica na tawagan ka" niyakap ko siya pabalik.

Naramdaman kong naestatwa siya sa pagkakayakap sa akin, siguro ay doon niya lang napansin si Uno.

"K-kuya." lumambot naman ang puso ko sa mainit na pagtawag sa kaniya ni Mon.

Kaagad niya namang niyakap ang kaniyang Kuya Uno.

"Kumusta ka na Mon? Binata ka na ah! May nililigawan ka na ba, gusto mo turuan kita?"

"Wala pa kuya. Malalagot ako sa Ate." natawa kaming lahat pero nahinto iyon nang makarinig kami ng sigaw mula sa loob.

"Kuya Mon! Natawagan mo na ba ang ate?! Hindi ba--" naputol ang sasabihin niya nang makalabas sa pinto at makita ako. Nalipat ang tingin niya kay Uno, nagulat ako nang bigla na lamang siyang maluha.

Nagulat kami pare pareho nang tumakbo siya papunta kay Uno at pumasan dito na parang bata.

"Mai! Ano ba, bumaba ka nga jan! Nakakahiya kay Kuya" suway sa kaniya ni Mon, pero hindi ito nakinig.

Natawa na lang sa kaniya si Uno at hinimas ang ulo nito.

"Namiss din kita Mai...kaya lang pwede ka na bang bumaba? Ang bigat bigat mo na" natatawang sabi niya rito na kaagad naman sinunod ni Maica.

"Kuya, ba't ang tagal mong bumalik? Sabi mo ay bibisita ka palagi"

Naagaw noon ang atensyon ko. Ibigsabihin ay noon pa lang, ay bumibisita na siya rito?

Tumuloy kami sa loob at kaagad hinanap ng mata ko si Mama. Nagluluto ito nang madatnan namin, kahit siya ay nagulat nang makitang kasama ko si Uno.

"Uno anak, kumusta ka na?" sinundan ko lamang siya nang tingin nang yakapin niya si Uno.

"Ayos lang ako Tita! Mukhang masarap po ang niluluto ninyo...sakto gutom na ako" parang bata nanaman siya ngayong kaharap si Mama.

Hindi ko alam na ganito pala sila kaclose. Si Maica at Mon ay naiintindihan kong ganoon ang reaksyon dahil noong mga bata pa sila ay kasama na nila si Uno. Si Uno ang naging katulong ko sa pag aalaga sa kanila. Kapag may sugat ay siya ang gumagamot dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan ang mga kapatid ko. Kapag may umaaway sa mga ito ay siya ang kumakausap. Kaya siguradong nasaktang din sila nang maghiwalay kami.

"Mama" natigilan si Mama nang tawagin ko siya na "Mama". Sa loob ng mga nagdaang taon ay iniwasan kong bigkasin ang mga salitang iyon, dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng Ina. Nabulag ako sa sakit, at nakalimutan ko lahat ng sakripisyo niya para sa akin, sa amin.

"A-anak..." para siyang maiiyak nang humarap sa akin.

Tumango sa amin si Uno bago lumabas ng kusina.

"Pwede po ba tayong mag usap?"

"Syempre. Sige anak." hindi siya magkanda ugaga at parang hindi alam ang gagawin. Inalok niya ako nang upuan kaya umupo kami nang magkaharap doon. "Gusto mo ba ng maiinom? Tubig o juice?"

Under A Rest | ☁️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ