Prologue

2K 50 50
                                    

Before reading this, please be aware that this story of mine was written a long time ago so I can guarantee you that this is poorly written. After taking a peek now, I discovered that there are a lot of loopholes and also, some dialogues and scenes just don't make sense anymore. You may skip this installment and proceed to the second one. Thank you.

Prologue

I watched the tiny droplets of rain glided gently on the closed glass window beside me. Nasa isang maliit na lugawan kami ngayon ng tatlo ko pang mga katrabaho, malapit lang sa ospital kung saan kami pumapasok bilang mga nurse. At dahil may isang oras pa bago ang duty namin, nagkayayaan na kumain muna ng lugaw na tamang-tama sa malamig na panahon.

The savory aroma of the newly served porridge attacked my nostrils. Hindi naman ako gutom kasi kumain na ako sa apartment bago pumasok pero dahil sa nakakaengganyo nga namang kumain ng lugaw kapag ganitong tag-ulan, sinabayan ko na rin ang pagkain ng mga katrabaho ko na naging malalapit ko na ring kaibigan sa ilang taon naming pagsasama-sama sa Fidel Rico Medical Hospital.

"Ate, essential ba talaga 'yung lugaw?" Pagbibiro ni Gajo sa waitress na nagseserve sa amin.

Natatawang napailing ako at pinigaan na lamang ng kaunting calamansi ang mangkok ng lugaw ko. Mas ginanahan akong kumain nang makitang maraming sahog na manok ang akin. Plus yung dalawang nilagang itlog, solve na solve na talaga sa halagang singkwenta pesos.

"Tingnan niyo si Misty oh, akala mo ngayon lang nakakain ng lugaw. Ano girl, wala bang ganyan sa ospital?" Halakhak ni Chona nang makitang ganadong-ganado ako.

"Walang lasa yung lugaw natin doon!" Sagot ko na mas ikinatawa nila. Totoo naman kasi. Wala talagang lasa yung lugaw doon. Nakatikim na ako ng isang beses.

"Hala! Grabe ka Misty, huwag mong sabihin na nakikihati ka pa sa ibinibigay na lugaw sa mga pasyente mo?" Si Karen naman na akala mo'y hindi ko nahuli noon na nakapila rin sa rasyong lugaw ng ospital.

"Friend, this is not you!" Si Chona ulit.

Tumawa lang ako at hindi na sila pinatulan pa dahil sanay na rin naman ako na ako yung palagi nilang napagkakaisahan. Ako kasi yung pinakabata sa aming grupo at ako yung tipo na hindi mahilig makipagbangayan.

"Hay naku, sa lugaw na lang talaga ako nakakatikim ng itlog." Parang tangang reklamo ni Gajo habang kumakain. Maarte itong bumuntong-hininga dahilan para mapairap sina Chona at Karen. Nagbreak na kasi ito at ng nobyo nitong si Ramon noong nakaraang linggo dahil gusto na raw nung lalaki na bumuo na ng sariling pamilya. Mabuti na lang at isang beses lang naman naglasing ang bakla at kinabukasan, tanggap na niya raw lahat.

"Yung tag-ulan na pero tuyot ka." Pagpaparinig sa kanya ni Karen.

"Ang importante buhay!" Ganti naman ni Gajo sabay baling sa akin. Ngumiti ito ng matamis bago nagsalita sa malumanay at malambing na boses. "Baka may kakilala ka diyan, ireto mo naman ako oh. Kahit fling for a day lang."

Natawa ako at muntik nang mabulunan. Kaagad akong uminom ng tubig pagkatapos. "Ang landi mo talaga, Gavin Joseph."

He rolled his eyes after hearing the mention of his real name. Akala mo ay nandidiri ang loka-loka. Ang arte talaga grabe.

"Ni wala ngang jowa yung tao tapos magpapareto ka pa. Baliw." Singit ni Chona at nakipag-apir kay Karen.

Gajo sighed exaggeratedly after giving them a glare. Pero hindi nagtagal ay lumiwanag na ulit ang mukha nito. "Hoy, for your information, kaya walang jowa itong si Misty ay dahil may hinihintay itong bumalik."

"Gajo!" Saway ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya. Walangya! Bakit kailangan niya pang ipagsabi iyon? At hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin pala? Eh matagal na nang nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon ah?

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now