Chapter 23

570 17 1
                                    

Upper hand

"What did you say? Nasa bakasyon ka ngayon kaya ka magpafile ng isang buwang leave sa trabaho?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gajo nang sa wakas ay nacontact ko siya gamit ang cellphone ni Yovin.

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin kay Yovin na pangisi-ngisi sa tabi ko. Kanina ko pa ito pinapaalis dahil kung hindi ako niyayakap ay pahalik-halik naman sa leeg at balikat ko. Pakiramdam ko ay trumiple ang pagiging clingy niya simula nang may nangyari sa amin.

"Ah, yes..." I answered shyly after remembering that Yovin is the one who asked me to take a leave. But ofcourse, hindi ko na iyon ibubunyag pa sa kaibigan. "At may kailangan lang din akong asikasuhin."

"Fine!" Sagot ni Gajo na nagpangisi sa akin. I can imagine him rolling his eyes after saying that word. "Basta mag-iingat ka riyan!" Akala ko tapos na ito pero nagulat ako nang may pahabol pa. "Hindi mo naman siguro kasama yung jowa mo, di 'ba?"

"Why?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo ni Yovin at tinitigan ako habang pinakikinggan ang sagot ng kaibigan kong si Gajo. Nabura na ang ngisi sa mga labi niya.

"Mukhang wala naman sa hitsura nun ang pagiging clingy, eh."

Natawa ako. "Oo naman..."

Humalakhak din si Gajo. "Sus, girl! Kapag clingy na, hiwalayan mo kaagad! Sweet lang 'yung mga ganyan kapag bago pa lang kayo. Kapag tumagal na, for sure masasakal ka na niyan! Ikaw pa, eh, di 'ba nga? Pinakaayaw mo sa lahat ay yung clingy?"

Muntik na akong masamid ng sarili kong laway dahil sa panghuling sinabi ni Gajo. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap sa akin ni Yovin at hindi nagtagal ay pinakawalan na talaga ako. Umusog ito patungo sa dulo ng sofa at isang throw pillow na lang ang niyakap.

"Ah," I chuckled. Unsure if I really did tell him about that thing before or he's just making an issue right now.

"By the way, you changed your number? Bakit hindi 'to registered sa contacts ko?" Sa wakas ay naiba na rin ang topic.

"Naiwan ko yata yung cellphone ko sa bahay kaya nakihiram lang ako rito sa kakilala." Sagot ko habang pinaglalaruan ang kuko sa daliri.

"Uh, okay! Sige, mag-iingat ka riyan kung nasaan ka man! Balitaan mo nalang kami pagbalik mo kung maraming pogi riyan ha!" Malanding sinabi ni Gajo na binuntutan pa ng nakakaintrigang halakhak. At dahil naka loud speaker, siguradong narinig ni Yovin lahat.

"Gaga!" I retorted.

Tumawa lang ang baliw bago ako binabaan ng tawag.

Yovin sighed when the call finally ended. Lumapit ako sa kanya para ibalik ang cellphone niya. Tinanggap niya naman agad iyon at ipinatong sa kaharap naming coffee table nang hindi inaalis sa akin ang mga mata.

I smiled and raised a brow before sitting beside him. "What is it?"

The brute didn't answer. Umiling lang ito ng isang beses. Halatang may gustong itanong o sabihin pero mas pinipiling manahimik na lang. Gamit ang kamay kong walang sugat ay tinampal ko siya sa braso na kaagad kong pinagsisihan dahil napalakas yata at talagang napaaray siya!

My eyes widened when a small part of his sleeve turned red. Iniangat ko iyon at napaawang na lang ang bibig ko nang makitang may sugat siya roon. Hindi iyon bago pero hindi rin masasabing matagal na.

"Oh my god! I'm so sorry!" I panicked thinking that my slap made it bleed again. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko.

"It's okay..."

Kumunot ang noo ko. "Anong okay? Eh, dumugo nga? Halika! Gamutin natin 'yan! My god! Ang yaman-yaman mo, pero band aid lang nilagay mo diyan?" Tumayo ako at hinila na siya.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon