Chapter 48

580 16 0
                                    

Careful

Matagal niya akong pinagmasdan bago siya napapikit at napabuntong-hininga. Nakaupo siya sa sofa samantalang mas pinili kong maupo sa single couch dahil ayokong magkatabi kami habang nag-uusap.

I don't want him touching me while we're talking. And I want him to focus. Baka kung saan pa mapunta itong pag-uusap kung hahayaan kong magtabi kami.

He looked frustrated with our current set up. Well, it was his fault. Magdusa muna siya.

"Alright. I will tell you my reason. But promise me you won't involve yourself. You will stay out of it. And you will let me handle everything."

Umiling ako. "That's not for you to decide."

"Babe naman..." himutok niya.

"Sige Yovin, ubusin mo ang natitirang pasensiya ko." Hamon ko sa kanya.

"Fuck, you're scaring me." he murmured before he called me, begging. "Babe, tabi na tayo dito..."

He looked troubled and scared. Ano? Natatakot ba siyang hiwalayan ko siya? Kung natatakot siya eh di magsalita na siya kaagad. Hindi ganyang mag-iinarte pa siya na gusto niyang magkatabi kami habang nag-uusap. Bakit? Nasa akin ba bibig niya? Ako ba source ng boses niya?

"Hinding-hindi mo ako mahahawakan hangga't di mo sa akin sinasabi ang lahat. At hindi mo na ako makikita sa oras na pinili kong iwan ka."

"You won't leave me." He said firmly. "We will never break up."

Ngumisi ako. "Again, that's not for you to decide."

Napahilamos siya ng palad sa mukha at bago pa ako makaangal ay naglakad na siya palapit sa akin. I tried my best to appear unaffected but failed when he suddenly lifted me up. Umupo siya sa couch at ipinatong ako sa kandungan niya. His arms immediately snaked around my waist. His chin then found my shoulder, his nose and lips on my neck.

"Please... please... I don't want you being cold towards me, babe. Masisiraan ako ng bait." he whispered breathily. "Ayokong ganito ka. Ayokong parang wala ka nang nararamdaman para sa akin. I'm sorry... I love you..."

Mariin akong napapikit. "I'm waiting, Yovin." Tukoy ko sa paliwanag niya.

His embrace tightened. Akala ko hindi pa rin siya magsasalita pero nabuhayan ako ng loob nang magsalita siya sa wakas. Tahimik akong nakinig at pinalampas na lang ang ginagawa niyang paminsan-minsang paghalik sa leeg ko sa gitna ng pagpapaliwanag niya.

"Alisha's father, one of the leaders of the infamous syndicate named Khamorra Magno is now back here in the Philippines after years of hiding abroad. He's one of the suspects of your parents' death. Kasama niyang umuwi si William Fausto, isa rin sa itinuturong suspek ayon sa ilang taong imbestigasyon ko. They're not planning to stay here for long that's why I thought of buying more time... through my engagement with her daughter. Kailangang nandito sila hanggang sa mahanap ko ang bagay na magiging malaking ebidensya para tuluyan silang magbayad sa batas."

I heaved a sigh. "The black chip?"

Napatigil si Yovin at pilit akong iniharap sa kanya. "Bakit alam mo ang tungkol sa bagay na iyon? Is that why you were at the party last night?"

Hindi ako umimik. Pero alam kong sapat na iyon para makumpirma niya. Malutong siyang napamura bago ako niyugyog.

"Paano kung napahamak ka roon? Hindi ko alam na nandoon ka-"

"Yeah right. Hindi mo talaga alam. That's why you keep on letting your fianceé touch and kiss you!" Sambit ko. "Masaya ba Yovin? Nag-enjoy ka ba?"

Siya naman ngayon ang napairap. "Makikita mo ba ako rito ngayon kung nagustuhan ko 'yon?"

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now