Chapter 14

530 23 0
                                    

Exclusively

We decided to have our lunch in a restaurant just a few meters away from Fidel Rico Medical Hospital. I thought he would suggest the restaurant where he always order the foods he was giving me pero hindi naman na siya umangal pa ng sinabi kong gusto ko ay sa malapit lang kami dahil kailangan kong bumalik sa ospital before mag-alauna.

"Anong oras ba ang tapos ng trabaho mo mamaya?" He curiously asked while busy slicing the roasted chicken into bite sizes. At nang matapos ay kaagad na inilipat sa pinggan ko.

Napanguso ako. "Ahm, 2 PM."

Tumango-tango siya bago nagslice ng para sa kanya. Hindi muna ako kumain at pinagmasdan lang siya sa ginagawa hanggang sa marinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"May gusto ka bang sabihin?" He probed which made me cough enumerable times. Kaagad niya naman akong inabutan ng tubig. Napaiwas ako ng tingin pagkatapos kong uminom. I tried to start eating but his stares are making me uncomfortable.

"W-Wala naman." Pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka?"

I glared at him. "Oo!"

Tumawa siya at bahagyang sumandal sa sandalan ng upuan niya. Umiling ako at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Ang hirap. Kailangan kong humanap ng magandang tiyempo para simulan ang ipinapagawa sa akin. Pero habang mas tumatagal, parang mas naduduwag ako. Parang mas gusto kong sumuway na lang. Parang mas gusto kong maging makasarili na lang.

"You seem awkward. Is there anything that's bothering you?"

I shook my head and lied again. "W-Wala."

"Kung meron, sabihin mo sa akin. Para matulungan kita."

Tumango ako at pilit na ngumiti. Ako naman ngayon ang nagtanong. "May... gagawin ka ba mamaya?"

"Anong oras?" Even though he tried to mask it up, his excitement is still so obvious.

"Mga six..."

Nagpanggap pa siyang nag-iisip kahit halata namang kahit may gagawin siya mamaya ay ipagbubukas niya makasama lang sa lakad ko. "Wala, bakit?"

"Let's meet. Gusto kong mamasyal mamaya." Sagot ko sabay iwas ng tingin. Inabala ko ang sarili sa paglalagay ng sauce sa ibabaw ng mga hiniwa niyang grilled chicken sa pinggan ko.

"Are you finally asking me for a date? Hmm?" Ramdam ko ang ngisi niya kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin."

"How cold!" Natatawang sinabi niya. "Ganiyan talaga yung mga tipo ko. Yung mga babaeng cold, mataray, at masungit minsan. Tapos mahaba ang buhok, payat, maputi, at nurse sa Fidel Rico."

Napairap na lang ako dahil nagsisimula na naman siya.

"Ano may pupuntahan ka na naman mamaya, Gabrielle Mistyca?!" Paghihisterya ni Gajo nang sinabi kong may lakad ako mamayang hapon at hindi ako makakasama sa plano nilang panunuod ng sine. "Ano 'yan ha? May date ka? Sino? Bakit di kami informed? Kaloka!"

"Sayang, magbabar pa naman sana tayo after ng dinner! Hindi ka talaga makakasama?" Si Karen na akala mo ay makoconvince niya ako kapag binanggit niya ang tungkol sa bar.

"Gaga ka! Mas lalong hindi sasama 'yan! Ingrata!" Si Gajo sabay hila kunwari sa buhok niya.

Natawa na lamang ako. "Pasensiya na talaga guys. Next time, baka makasama na ako."

"Anong baka?! Sumama ka na talaga dahil kung hindi, ay naku! Makakalbo kita!" Si Gajo na exaggerated na ang kunwaring pagdadabog. Muntik pang mabasa ng alcohol ang mga papers na nakapatong sa mesa ni Karen.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now