Chapter 11

532 23 3
                                    

Charge

I suddenly feel fine after that. Yovin's comfort really helped me feel a lot better. Kahit papaano ay nabawasan niyon ang bigat na dinadala ko nitong mga nakaraang araw.

"Sleep tight and rest well, Misty. I will tell my secretary to clear my schedule on Monday. Ipakilala mo ako kay Kevin, okay?" Paalala niya pagkahatid sa akin. He also voluntered to bring the paperbags inside the house. Hinayaan ko siya at hindi na ako nakipagtalo pa dahil sigurado akong magpupumilit pa rin siya kahit na tumanggi ako.

"Ikaw ang bahala..." I shrugged. Kinapa ko ang switch ng mga ilaw at binuksan iyon. Wala namang kaso sa akin kung pupunta siya. Matutuwa pa nga iyon si Kevin at magkakaroon ng kalaro.

"Goodnight, then. Dream of me..." Siya bago lumabas ng bahay. He watched me slowly close the door in between the two of us. Pero bago ko pa tuluyang maisara iyon, kumindat pa siya at nagflying kiss.

Napaismid ako. What a flirty creature.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mga katok ni Manang Azon. I checked the time and it's already eight in the morning. Kailangan ko na talagang magset ng alarm dahil simula bukas ay umaga na ang pasok ko sa ospital kung hindi ay malalate talaga ako palagi lalo na't nasanay na ako na gabi ang pasok sa nakaraang tatlong buwan.

"Dinalhan kita ng sopas. Tamang-tama at malamig ang panahon ngayon, hija."

Napangiti ako.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto nang makitang may dalang malaking bowl ng sopas ang matanda. Imbes na iabot sa akin iyon ay siya na ang nagpresintang maglagay nito sa mesa dahil baka raw ay mapaso pa ako.

"Maraming salamat po talaga, Manang Azon. Baka masanay po ako nito na palagi niyo akong binibigyan ng pagkain." I chuckled a bit.

"Palagi ko namang dinadamihan kapag nagluluto ako kaya walang problema..."

Inilipat ko iyon ng lalagyan. Pinaupo ko muna si Manang Azon habang hinuhugasan ko ang pinaglagyan niya ng sopas. Inalok ko pa siya ng kape pero tumanggi siya dahil tapos na raw siya. Nagkwentuhan kami saglit habang hinuhugasan ko iyon. Pagkatapos ko ay kaagad na siyang nagpaalam na uuwi na dahil magbubukas pa raw siya ng tindahan.

Habang kumakain ako ay nakatanggap naman ako ng text galing kay Yovin. He greeted me a good morning and he also informed me that he will attend a court trial and will meet some clients today so he will be very busy the whole day. Minsan, parang ayaw talaga magsink in sa utak ko na abogado ngang talaga ang lalaking iyon. Mas bagay sa kanya maging druglord e. Yung tipong pasugal-sugal lang sa isang casino habang naninigarilyo.

I chuckled. Basher ka Misty!

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Dahil day off ko naman ngayong araw, plano kong maglaba at maglinis ng buong bahay. Hindi naman ako mahihirapan dahil maliban sa kaunti lang naman ang mga labahin ko, mayroon namang washing machine na ipinahiram sa akin si Manang Azon.

Atsaka, kung sakali man, sanay naman akong magkusot.

Katatapos ko lang ilagay ang mga damit sa loob ng washing machine nang makarinig ako ng ilang katok. Naibaba ko ang palanggana at bahagya muna akong nagpunas ng kamay bago ko tinungo ang pintuan sa sala.

I slowly opened the door.

I am expecting to see Manang Azon who probably will give me some foods again for lunch because it is too impossible to be Yovin this time when he just texted me a while ago that he's in the firm to get some things before going to the court. Kaya gayun na lamang ang pamamanhid ko nang makitang ang pinsan kong si Aubrey iyon. Ang nag-iisang anak nina Tito Reymund at Tita Isabel.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon