Chapter 2

830 37 11
                                    

Attorney

Minsan, kung ano yung bagay na gusto mo nang ibaon sa limot, iyon pa ang paulit-ulit na ipapaalala sa iyo na parang sirang plaka. And it will hunt you down everytime you try to be happy.

The sound of a smashed vase against the concrete wall made me jump from where I was standing.

My lips trembled in fear as my tears started falling from my eyes nonstop. My small sobs escaped from my mouth no matter how much I tried stopping them. Ang mga piraso ng nabasag na vase  ay nagsikalat sa sahig habang pilit kinakalma ng mga tiyahin ko ang lola kong kanina pa nagwawala.

"You little evil! You killed my son! Mamamatay tao kang bata ka! Demonyo! Malas!" Lola Carmen's words pierced my heart like a sharp dagger. And all I could do was to cry and show her how sorry I am for what happened to my parents. That like how they're blaming me, I am blaming myself too. I am heartbroken too. "Wala ka nang ginawang tama! Simula nang isilang ka, puro kamalasan na lang ang natatanggap ng pamilyang ito! Sana ikaw na lang ang namatay kasama ng pobre mong ina!"

"L-Lola—"

"Don't you dare call me that! Wala akong apo na mamamatay tao! Punyeta!" She shouted with so much rage and fury. At kung hindi lang siya hawak ng mga tiyahin kong masasama na rin ang tingin sa akin ay baka kung ano na ang nagawa sa akin ni Lola. Baka nakalmot na niya ako at nasampal katulad nung araw na naaksidente kami nila Papa at Mama. Nasa ospital ako noon dahil sa natamo kung ilang galos sa katawan pero hindi iyon naging dahilan para kaawaan niya ako.

"Misty, dun ka na muna sa kwarto mo." Tito Reymund interfered. Kararating lang nito at ang eksenang iyon na kaagad ang naabutan. I shook my head, begging him.

"T-Tito, gusto ko pong pumunta sa burol nila Papa at Mama. Please," Naiiyak na pakiusap ko. Bukas na ang libing ng mga magulang ko pero hindi pa rin ako nakakapunta sa burol ng mga ito. Palagi nila akong hindi sinasama ayon na rin sa kagustuhan ni Lola Carmen. Palagi akong naiiwan dito sa mansion kasama ang mga katulong kapag papunta na sila sa chapel. "P-Pangako po, hindi po ako maglilikot doon... T-Tito, please..."

Tito Reymund sighed. Napairap naman ang asawa nitong si Tita Isabel na patuloy pa rin sa paghagod sa likod ni Lola.

"Ma, isama na natin ang bata. It's her right to see her parents before the burial." I immediately wiped my tears away after hearing Tito Reymund's words. Alam kong kahit papaano ay naiintindihan niya ako. Alam kong kahit papaano ay hindi siya kagaya nila Lola na naging sarado na sa akin ang isipan.

I was about to say thank you pero mabilis na kumontra si Lola. Nanlilisik ang mga mata sa akin.

"Hindi siya pupunta. And that's final!"

"Mama!" si Tito Reymund.

Tita Isabel smirked at me. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ni Tita Amanda, asawa ng panganay ni Lola na si Tito Rios.

"Ano Reymund? Mas kakampihan mo pa ang batang iyan matapos mamatay ang kapatid mo ng dahil sa kanya?" Asik sa kanya ni Lola. I looked down. Pakiramdam ko ay pinipilipit ang puso ko habang pinapakinggan iyon. Ilang beses ko na itong narinig mula sa bibig ni Lola pero ganoon pa rin kasakit ang epekto niyon sa akin. Mas lumala pa nga yata.

"Walang kasalanan ang bata Mama! Aksidente ang nangyari! Nawalan ng preno ang sasakyan ni Kuya Ricardo kaya sila bumangga sa kasalubong nilang truck! Sabihin mo nga, paano iyon naging kasalanan ng pamangkin ko? Bata lang 'yan, Mama! Hindi niya kontrol ang nangyari dahil una sa lahat, aksidente nga iyon at pangalawa, hindi siya ang nagmamaneho!" Sagot ni Tito Reymund.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now