Chapter 22

678 24 0
                                    

Want

I thought nothing could make me tear up anymore that very moment but when those words escaped from his lips, I again proved myself wrong. Kahit anong pigil ko, unti-unting bumuhos ang aking mga luha na tila ulang matagal naimbak sa mga ulap. Nagpupumiglas na makawala at mahalikan ang lupa.

"Mahal kita, Mistyca." Pag-ulit niya, mas klaro ang bigkas sa bawat salita kumpara sa nauna. Inilapag niya sa kama ang mga dala para madaluhan ako nang nanatili akong lumuluha habang nakatitig sa kanya. He gave me a small smile as he gently wipe the tears in my cheeks. Pagkatapos ay ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig.

"By the way..." he paused then chuckled. "Belated happy first monthsary to us, babe." Bulong niya na ikinagulat ko.

I froze. Matagal bago rumehistro sa isip ko ang sinabi niya.

Naramdaman niya iyon at mas lalo lamang siyang natawa. He then burried his face on my neck, inhaling my scent and at the same time, giving me a ticklish feeling. Sinubukan kong kumawala sa kanya para makita siya ng maayos pero hindi niya ako hinayaan. Kaya hinayaan ko na lang din siya.

"I forgot, Yovin. I-Im so sorry..." Guilty na paghingi ko ng tawad habang inaalala ang mga nangyari kahapon bago iyong pagtatangka sa akin sa inuupahan kong bahay. I remember that he gave me a hint by asking  if I have plans that day and I said no! He also reserved and paid a lunch for me and my friends at Trevera na inakala kong trip niya lang!

Mariin akong napapikit pero kaagad rin naman akong nakalma at natauhan nang may naalala. Kumawala ako sa kanya at sa wakas ay pinagbigyan na niya ako. I looked straight to his eyes and raised a brow. "But, you can't blame me. Naging girlfriend mo ba naman ako nang hindi ka sinasagot. At hindi ako informed na may official date pala!"

Ngumiti lang siya at marahang pinisil ang magkabilang pisngi ko. Sinimangutan ko siya at binalingan na lang ang cake na nakapatong na sa kama. Busog pa ako pero nakakatakam iyon.

"Bakit may cake?" I asked before I sat beside it so that I can see the details more clearly. Indeed, the cake was so cute. Saktong pangdalawang tao lang.

"So that we can make a wish?" Pabalik na tanong niya at nginisian ako. Napailing na lang ako. Lumapit siya sa bedside table at may kinuha siyang zippo lighter sa drawer roon bago siya lumapit sa akin. I smiled when he squatted infront of me to light up the cake's candle.

"Still smoking?" Kuryosong tanong ko pagkatapos niyang sindihan ang kandila. Tiningala niya ako at pinakatitigan sa mga mata.

"Not anymore..."

My forehead creased. "You stopped?"

"Yeah," he answered, not taking his gaze away.

"Kailan pa?" Tanong ko ulit dahil parang ang hirap namang paniwalaan. Sabi kasi nila, mahirap daw tumigil sa paninigarilyo kapag nakasanayan na. The corner of his lips stretched for a sensual smile as he continued staring at me.

"Since the day I tasted your lips, Mistyca. Anymore questions?"

My cheeks heated. I was caught-off-guard!

He chuckled at my reaction. Sa inis ko ay pinahiran ko siya ng icing sa kanang pisngi niya. Marahan siyang napapikit nang dumantay ang daliri ko roon at mas pumungay lang ang mga mata nang magdilat. Parang baby talaga!

I was about to get some icing again when he suddenly pulled me down towards him. Napaupo siya sa sahig samantalang nasa mga hita niya naman ako. Caught in an awkward position, straddling his waist. Bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong mga labi. I saw how his adam's apple moved violently and god, that was so hot of him!

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now