Chapter 46

501 10 5
                                    

Betrayed

I opened my eyes and stared directly at my reflection through the mirror of my old room's vanity table. Nakaupo ako sa silya samantalang nakatayo naman sa likuran ko si Lola Carmen habang mabining sinusuklayan ang mahaba at bahagyang maalon kong buhok.

She's happily humming her favorite lullaby while on the other hand, I really don't know what I should feel right now that I'm back in this place. Hindi para umattend ng dinner kundi para damayan sila sa kasalukuyan nilang problema.

"Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba apo?" Malamyos na boses na tanong sa akin ni Lola. She stopped combing my hair. I licked my lips and tried my best to act okay even when I'm not. Mahirap pero pinilit kong ngumiti.

"Ayos lang po ako. Iniisip ko lang kung paano natin mababawi si Aubrey."

Tumango si Lola at nagpatuloy sa ginagawa.

Naguguluhan ako.

Hindi ko alam kung paanong may mga alaalang bigla na lamang rumehistro sa utak ko kanina gayung kailan man ay walang nangyari sa akin pagkatapos ng trahedya na maaaring magdulot ng pagkabura ng mga iyon.

O wala nga ba?

"Nagpaalam ka ba sa mga Fortalejo na dito ka muna sa mansiyon natin?" Kalaunan ay tanong na naman ni Lola Carmen.

Tumango ako. "Opo."

"And they agreed?"

"Nakiusap po ako."

She started braiding my hair. "How about your boyfriend? Did he agree?"

Umiling ako at napalunok. "Hindi niya po alam."

Natawa si Lola Carmen. Her wrinkles are on full show. She also looks pale even with her makeup on.

"Nasaan siya ngayon?"

"Trabaho po." Tipid na sagot ko.

Tumango-tango si Lola at itinali na ang dulo ng buhok ko. She smiled through the mirror. Pinilit kong mangiti pabalik bago siya hinarap. She immediately looked away and busied herself when she noticed that my full attention was now on her.

"May tanong po ako."

She didn't look at me but I continued.

"Alam mo po ba kung anong totoong nangyari kay Yovin noong mga bata pa kami? Bigla na lang po kasi siyang nawala—"

She faced me. "Bakit gusto mo pang malaman? What for?"

"So my mind wasn't creating things. Magkakilala nga kami ni Yovin kahit noong mga bata pa kami. Tell me, what happened to him? Bakit bigla siyang nawala noon?"

Ngumisi si Lola. "Why don't you ask him instead—"

"Kanina lang bumalik ang mga alaala kong nabura. Kung tatawagan ko si Yovin ngayon, at malalaman niyang nandito ako sa puder mo, ano po sa tingin niyo ang mangyayari?" I said coldly.

"You fool, sa tingin mo hindi magsusumbong si Ambrocio sa apo niya na nandito ka?"

Umiling ako. "Nakiusap akong ako na ang magsasabi. Pero hindi muna ngayon. Now, tell me, anong ginawa niyo kay Yovin noon. Did you try to kill him? O... si William Fausto ba?"

Kitang-kita ko kung paano naapektuhan si Lola nang banggitin ko ang pangalang iyon. Her eyes widened and her lips trembled. She repeatedly shook her head.

"Don't mention that name again!"

Malamig ko siyang pinagmasdan bago ko mabagal na tinanggal ang pagkakatali niya sa buhok ko. I smiled at her. "Bakit po? Alam niyo na po ba ngayon na siya ang may kagagawan kung bakit namatay sina Papa at Mama? Did you finally realize how wrong of you to blame me for something I didn't have control in the first place? Did you regret punishing me to the point that you almost killed me before?"

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now