Chapter 20

638 20 7
                                    

Kill

Brownout. Iyon kaagad ang pumasok sa isip ko. Pero nang sumilip ako sa labas gamit ang bintana ay mayroon namang ilaw kina Manang Azon at sa iba pang mga bahay sa malapit.

Bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. I opened the flashlight and thankfully, the little light it gave me made me feel a bit calm atleast. I said I don't wanna disturb Yovin right now but I just found myself sending him a message.

Ako:

I don't know what's happening pero bigla na lang nawalan ng power supply ang buong bahay. It's weird kasi meron namang ilaw ang mga kapit-bahay pati na rin sila Manang Azon.

I didn't expect that he would reply immediately. Kaya nang makita kong mayroong kapapasok lang na message mula sa kanya ay kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa.

Yovin:

Wait, I'll call you.

Bumaba ako sa kama. Using my other hand, I unconsciously brushed my hair. Sweats started to form on my forehead and neck as many ugly scenarios started playing in my mind. I bit my lower lip when I remembered something... the day my parents and I got into an accident... smokes... gunshots... men in black... and another scene with my silent cries and muffled screams.

Hindi ko na alam ang nangyayari. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan na ako ng utak ko dahil sa takot ko kanina nang makitang may sumusunod na naman sa akin. It's been months since the last time it happened. Akala ko ay tumigil na sila! Pero ano na naman ito ngayon?

I shut my eyes closed when the scenarios in my head became more intense and scary. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. I held into my phone tightly and when I opened my eyes, I decided to go downstairs. Kailangan kong uminom ng tubig. At kung maaari ay pupunta na lang ako kina Manang Azon para mas mapanatag ako.

Muntik pa akong madulas sa hagdanan. Mabuti na lang at mabilis akong nakahawak sa staircase at ang cellphone ko lang ang nabitiwan ko. Nahulog ito dalawang baitang ang layo sa akin. Kaagad ko itong nilapitan para pulutin at doon ko lang din napansin na kanina pa pala ito nag-riring.

Panglimang tawag na iyon ni Yovin nang masagot ko.

"Yov—"

"Babe, fuck." He cursed frustratedly, not letting me finish my word. I also heard the roaring engine of his car from the background. It seems like his currently driving so fast that I could almost hear the sound of the wheels scretching against the road. "What happened? I'm so fucking worried here. Hindi mo sinasagot ang tawag ko, Mistyca!"

Napakagat-labi ako.

"Y-Yovin, I think, s-something is off..." I said in a shaky voice. I can't explain anymore. I don't know what to add. I don't know what to tell him. Hinihiling ko na lang na sana ay maunawaan niya kaagad ang gusto kong iparating.

Sunod-sunod na mura ang narinig ko mula sa kanya. Umupo ako sa paanan ng hagdan at niyakap na lang ang mga tuhod. Tears started streaming down my face. I am so scared right now. Ang mga ala-ala mula sa trahedya na akala ko'y nakalimutan ko na ay unti-unting bumabalik.

"Y-Yovin... p-pupunta ka naman, di 'ba?" I tried to stifle my sobs but hopelessly failed. Ang ginawa ko ay tinakpan ko na gamit ng isang kamay ang bibig ko.

"Malapit na ako, okay? Hang in there, please... Darating ako..."

I nodded my head even though he can't see me right now. Pinunasan ko rin ang mga luha ko sa pisngi pero muntik na akong mapatili sa gulat nang bigla na lang akong makarinig ng kalabog sa may pintuan ng bahay.

"What's wrong? Ano 'yong narinig ko?"

Sa takot ko ay hindi ako nakapagsalita. Ilang beses imikot ang doorknob na tila ba ay may nagpupumilit na buksan ang pinto mula sa labas.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now