Chapter 35

510 14 0
                                    

Pissed

"Babe, I'm so sorry that you need to hear those lies. I promise you, none of it was true. Walang katotohanan ang lahat ng iyon. It was all bullshits, okay? At hindi totoong hindi kita mahal. Damn, I can even die any moment because of how intense my love for you is."

I chuckled and gave Yovin an assuring smile. Kanina pa siya paulit-ulit na nanghihingi ng tawad dahil sa naabutan namin sa lobby at kahit ngayong matutulog na kami ay ayaw niya pa ring tumigil. It seems like he's so worried I'd believe his secretary's words. Eh kanina ko pa naman sinasabi sa kanya na wala lang sa akin iyon at hindi naman talaga ako maniniwala.

"I know. At hindi nga ako maniniwala do'n, okay? I don't even know her, so, bakit ako maniniwala? And clearly, she's drunk. She's brokenhearted and maybe she just lied to try to ruin us two."

Yovin sighed and pulled me closer to him. Pumikit siya at ginawaran ako ng isang matamis na halik sa noo. Mas lalo akong napangiti. I closed my eyes and let him trap me in his comforting embrace. His manly scent is adding a huge sense of calmness to my being.

The night is cold but with him hugging me beneath the thick fabric of our blanket, all I could feel is the warmth of our love for each other that no one could snatch away.

"I'm relieved then," he whispered.

Mas isiniksik ko ang sarili sa kanya kasabay ng pagyakap sa kanya pabalik. "Uhuh. Maniniwala lang ako kapag nagmula na mismo sa mga labi mo na hindi mo ako mahal." Nakangusong saad ko.

"That will never happen."

"Then, I'm relieved too." Bulong ko pabalik habang pinipilit ang sarili na matulog pero kahit anong gawin ko, ayaw yata akong dalawin ng antok.

Truth is, even Yovin gave me an assurance that none of it was true, still, Alisha's words keep on playing in my mind like a broken tape. May tiwala ako kay Yovin pero hindi ko pa rin mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.

Katulad ng bakit parang maraming alam tungkol sa kanya si Alisha? Yes, she was his secretary but is it really enough reason for that?

"Fuck, I'll fire her." Yovin murmured when he noticed that I was still thinking about it. Hinalikan niya ako sa pisngi, sa tungki ng ilong, at huli ay sa labi. Napadilat ako ng tuluyang rumihestro sa akin ang sinabi niya. He then crouched so our eyes would level. "What are you thinking, hmm? Tell me and I'll clarify it. Ayokong nag-iisip ka ng kung ano. Ayokong pinag-iisipan mo ako ng masama. Ayokong pagdudahan mo ang pagmamahal ko sa'yo . . ."

I shook my head.

"Babe . . . What is it, hmm? Tell me please . . ." he begged. He touched my jaw and caressed my cheek. His thumb slightly grazed my bottom lip. "Let's talk about it. Ayokong gigising tayo bukas na may pagdududa ka pa rin."

I chuckled a bit. Ayoko na sanang sabihin pa pero mukhang wala yatang balak si Yovin na patulugin ako hangga't di ako nagsasalita. "Well, nagseselos lang siguro ako ng konti kasi mukhang mas matagal na kayong magkakilala kumpara sa 'tin. It seems like mas marami siyang alam tungkol sa 'yo. At may gusto siya sa 'yo. Kung . . . Kung hindi ba tayo nagkakilala, siya ang mamahalin mo?"

"Your feelings are valid but you don't really have to be jealous about her. She was just my secretary. Kung may bagay man siya na alam sa akin, lahat ng iyon ay tungkol lamang sa mga kasong hinawakan ko at wala nang iba pa. At wala rin akong pakialam kung may gusto siya sa akin dahil sa 'yo lang ako interesado mula noon." Mahaba at mabagal na paliwanag niya.

"Do you find her pretty?"

Kaagad na umuling ang huli. "Ikaw lang ang maganda sa paningin ko, Mistyca."

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now