Chapter 3

802 31 7
                                    

Danger

The cold breeze of the night immediately attacked my skin the moment I stepped outside the door of my apartment. Kaagad akong napabalik sa loob para kumuha ng jacket at payong na rin in case na umulan na naman katulad ng nangyari noong mga nakaraang gabi.

The weather here in the Philippines is really that unpredictable nowadays. Maaraw sa umaga tapos maulan sa gabi. O kaya'y maulan sa umaga, tapos maalinsangan naman sa gabi. Ganun kadalasan. Vice versa lang. Na minsan ay nagiging sanhi ng mga karamdaman tulad ng lagnat, ubo, at sipon, lalo na sa mga bata.

Mayroon namang mga weather forecast na makikita sa telebisyon pero minsan ay hindi tumutugma ang mga sinasabi nito sa totoong kalagayan ng panahon sa iba't-ibang lugar dito sa bansa. Magugulat ka na lang talaga minsan na sobrang maaraw pa lang tapos biglang bubuhos yung malakas na ulan. Katulad na lang ng mahal ka ngayon tapos kinabukasan may iba na pala---ay, shet, mali.

Tahimik akong naglakad palabas habang tinitingnan ang oras sa cellphone ko. Madilim na kasi sa labas kaya hindi ko na maaninag ang oras sa suot na wristwatch. Alas-nuebe y media. May thirty minutes pa ako bago ako malate sa shift ko.

I pulled the metal gate open while I'm busy typing a text message for Chona. Tinanong ko kung nandoon na siya. Nakahinga ako ng maluwag nang magreply siya at nagsabing otw palang daw siya. Hindi ako nag-iisa.

I chuckled and bit my lower lip.

Pero muntik ko nang maitapon ang cellphone ko sa gulat at kaba nang pag-angat ko ng tingin ay may naaninag akong matangkad na lalaking nagbubuga ng usok.

"Ay, kapre!" sigaw ko.

Napatalon yung lalaki at nasamid ng usok. Nagulat rin yata sa biglaang pagsigaw ko. Huli na nang mapagtanto kong si Yovin pala iyon na naninigarilyo kanina habang nakasandal sa Black Chevrolet Trailblazer niya.

Ilang beses itong naubo bago ako binalingan habang hinihimas pa rin ang dibdib. "Anong kapre? Nasaan?" He asked worriedly. Iginala nito ang mga mata sa paligid pero nang walang makita ay ibinalik din sa akin ang atensiyon.

Napawi ang takot ko at napalitan na lang ng pagkapahiya.

I scratched the back of my head before I answered shyly. "Ikaw. Nagulat ako. Akala ko kapre."

I saw how his lips parted. Bahagyang kumunot ang noo bago napatingala sa madilim na kalangitan. Nakita ko ang bigong pag-iling niya sa sarili. Ang hawak na sigarilyo ay muli niyang dinala sa bibig at humithit siya roon. Napaatras ako at napatakip ng kamay sa ilong.

Napansin niya siguro iyon. Mabilis na binuga niya ang usok mula sa bibig bago niya tinapon sa lupa ang sigarilyo at inapakan. He looked at me apologetically.

"Sorry about that," namulsa siya at tumuwid ng tayo. Nakaharap sa akin. Saka ko lang napansin yung pangmalakasang outfit na naman siya. White botton down dress shirt, black slacks, brown leather shoes, at silver rolex sa kaliwang palapulsuhan. Malayong-malayo sa suot niya kaninang umaga na black hoodie jacket at gray khaki shorts na pinaresan ng puting rubber shoes.

Kaninang umaga, para lang siyang batang naligaw sa convenience store samantalang ngayon, para na naman siyang druglord na may pupuntahang illegal transactions.

I gave him a short nod. "You smoke?"

"Sometimes..." He trailed off lazily. I mentally nodded before squinting my eyes towards him.

"Bakit ka pala nandito?" I changed topic. Ano bibigyan na naman niya ako ng pagkain?

Ngumisi siya at bahagyang dinilaan ang labi bago nagsalita. "I told you, I will pick you up and send you to work tonight."

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now