Chapter 39

475 14 3
                                    

Dirty

"I can't believe you're choosing that man over your own family, Mistyca! Anong nangyari sa'yo? This is not you!" dismayadong saad ni Lola.

My two aunts looked at me with dismay. Isinawalang bahala ko iyon. Hindi ko na rin naman mababago pa ang tungo nila sa akin kahit na anong gawin ko. O kung may magagawa man ako, hindi ko naman pweding isakripisyo ang kung anong meron kami ng lalaking mahal ko.

"As expected, Lola. She's that kind of girl from the very start. Kalandian over family. What a character." Ismid naman ni Aubrey.

I was about to defend myself but Yovin already took over. "Don't forget that you're inside my goddamn territory, Miss Romero. Baka makaladkad ka ng mga tauhan ko palabas nang wala sa oras."

"Walang modo!" Sikmat ni Lola.

Yovin tilted his head a bit, as if doing a small bow. A sarcastic smile was plastered on his lips.

"She insulted my fianceé first, madame. And I didn't say something rude. I just reminded her where she truly stands."

I leaned in to whisper something on his ear. "Yovin, calm down okay?" I almost begged. Ayokong magkagulo.

Yovin looked at me and smiled. "I'm calm . . ." he held my hand and gently squeezed it.

Tumayo si Aubrey.

"He's rude, Lola! Mabuti na lang pala at hindi natuloy na ipagkasundo siya sa akin-"

Yovin chuckled insultingly. But his eyes didn't leave mine as if Aubrey's presence doesn't matter at all. Mariin akong napapikit. Damn this brute! At nagawa niya pa talagang tumawa sa sitwasyon namin ngayon? Nababaliw na ba siya?!

"Babe, let's cuddle later, okay?" Pabulong-bulong pa ng gago.

"Siguro kung natuloy at ikinasal kami, sobrang kawawa ko." Hindi ko alam kung totoo ba itong sinasabi ni Aubrey o ginagawa niya lang para isalba ang pride niya.

"Totoo. Kasi hindi kita mamahalin kahit na kailan." Yovin fired without mercy.

I saw how Aubrey's lips trembled. Pasimple ko namang kinurot sa braso si Yovin. Hindi ba pweding tumahimik na lang siya at nang matapos na kami kaagad rito?

"H-How dare you-"

Yovin sighed and finally, gave her a look. "Pero imposible rin . . ."

Napataas ako ng kilay.

Aubrey's face lit up. Nakita ko kung paano nagsimulang magkaroon ng pag-asa sa mga mata niya pero bago pa man iyon lumala ay walang-awang binasag na kaagad ni Yovin.

"Imposibleng pakasalan kita. Cause I don't like you at all. You're just assuming things, Miss."

"Yovin!" Halos magkasabay na saway namin ni Lola Carmen. Ang kaibahan lang ay hindi ako agresibo at ang gusto ko lang ay manahimik si Yovin para hindi na lumala ang sitwasyon.

"Why? I am just being honest here. How about you all? Can you be honest even just for a moment? Anong totoong pakay niyo at gusto niyong magbakasyon sa pamamahay niyo ang taong parang hayop niyong pinalayas noon?"

Walang nangahas na sumagot.

Yovin smirked at my grandmother. "Kung ito pong apo niyo mabait, pwes ako, hindi."

"You . . . You don't deserve my granddaughter!" Nanggagalaiting sumbat ni Lola.

"I know. That's why I'm doing my best to deserve her. How about you? The Romeros? Her so-called family? The people who should take good care and love her first before me? Sa tingin niyo ba karapat-dapat pa kayo sa kanya bilang pamilya niya?" Yovin's cold voice sent shivers down my spine. "You're the most undeserving people."

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon