Chapter 27

516 16 0
                                    

Embrace

Masakit ang ulo ko nang magising ako. Aakalain ko na sanang isang masamang panaginip lamang lahat ng nangyari pero nang matagpuan ko ang sarili sa isang silid na hindi ako pamilyar, tuluyan na akong nagising sa katotohanan. I wasn't having a bad dream. It was all real. And right now, I don't know where I am.

Mabilis akong napaahon sa kama. I removed the blanket that was covering my body and my jaw almost drop when I saw that I am now wearing a pair of pink pajamas. Hindi na iyong punit na dress ko. What the hell... Who changed my clothes? Don't tell me... that fucking Dominic Valdemar is the one who did it?

The door slowly opened. Napahigpit ang hawak ko sa kumot lalo na nang makita ang pagmumukha ni Dominic Valdemar. Bitbit ang isang tray ng pagkain, at isang pares ng tsinelas, tahimik siyang pumasok. We both didn't speak. Kumuha siya ng isang bed table at ipinatong roon ang tray. At 'yung dala niyang tsinelas, inilapag niya sa may paanan ko.

Gusto ko siyang pagmumurahin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Paalis na siya nang magdesisyon akong magsalita. "Bakit mo 'to ginagawa?" Marahan pero matapang na tanong ko. Tumigil siya sa ambang pag-alis pero nanatili siyang nakatalikod sa direksyon ko. "Don't you know that by doing this, you're on your way to suicide? My fiancé will definitely kill you." I am sure of that. Minsan ko na rin nakita kung paano magalit si Yovin. Sobrang nakakatakot.

Akala ko hindi siya sasagot kaya nagulat ako nang magsalita siya. "Why? Are you going to let him kill me?" He said in a challenging tone.

Natigilan ako. Hindi ko 'yon inaasahan. Bakit parang nakasisiguro siyang pipigilan ko si Yovin? Na poprotektahan ko siya?

Hindi ko alam kung sadyang mayabang lang talaga siya o may iba pang ibig sabihin iyon.

"Ano, Miss Romero? Hahayaan mo ba?" He taunted me.

I gritted my teeth. Bumaba ako sa kama at hindi pinansin ang tsinelas na dala niya. "Pakawalan mo ako ngayon at hindi ka mamamatay. Just... Just let me leave. Because in the first place, I don't understand why you fucking kidnapped me! Anong atraso ko sa'yo ha?"

He sighed. Nilingon niya ako at ginawaran ng isang ngiti. Saglit na pumungay ang mga mata niya hanggang sa naging mapaglaro ulit. "Sige. Makakaalis ka na. Hindi kita pipigilan... If that's what you really want, then, I'm letting you go now."

My forehead creased. Sobrang nakapagtataka ang agaran niyang pagpayag. Ano 'yon? Kinidnap niya ako para lang pakawalan ng ganito kabilis? I don't want to believe that he really agreed so easily but my desire to leave this place overwhelmed me. Kaagad kong tinungo ang pintuan at halos takbuhin ko lang ang mataas na hagdanan pababa.

Walang bantay. Walang ibang tao. Walang pipigil sa akin.

Kaya ganoon na lamang ang panlulumo ko nang tuluyan akong makalabas sa bahay na iyon. I was expecting to see a street, where I can grab a taxi, and not a fucking seashore with surrounding vast ocean! Ni isang bangka wala! O kahit balsa na lang pero wala talaga!

Tangina, ano, dinala niya ako sa isang pesteng isla?!

My eyes watered. Hindi lang sa panlulumo, kawalan ng pag-asa, kundi pati na rin sa galit sa lalaking nagdala sa akin dito. I can't even appreciate now the beautiful scenery the sunrise was giving this whole place. Ang gusto ko lang ngayon ay magmura at saktan ang gagong Dominic na iyon!

Sinubukan kong maglakad-lakad, umaasang makakita ng pupweding madaanan paalis rito pero wala talaga. Puro buhangin at dagat lang ang nakikita ko.

"Oh, why are you still here?" I heard Dominic's taunting voice. Nang nilingon ko ay nakasunod pala siya sa akin, bitbit yung tsinelas na hindi ko isinuot.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant