Chapter 12

510 22 2
                                    

Favor

"Welcome to Romero Residence, Ma'am."

I nodded at the guard's polite greeting while opening the huge gate for me. Bitbit ang isang kahon ng paboritong cake ni Lola ay tahimik kong tinahak ang daan patungo sa mansiyong itinuring kong tahanan ilang taon na rin ang nakalilipas.

I looked up in the sky as I continued walking in silence. It was a moonless night. Mayroong iilang bituin pero mas nangingibabaw ang kadiliman ng langit. May posibilidad na umulan pero huwag naman sana dahil magcocommute pa ako pauwi at hindi rin ako nakapagdala ng payong.

For sure Lola Carmen won't think twice throwing me out of her house if she want to even if it is storming outside.

I bit my lower lip but I immediately stopped when I felt a bit of smarting pain from it. Napabuntong-hininga ako. Damn you Yovin Fortalejo for really biting my lips! How dare you!

Umihip ang marahang hangin. My hair swayed behind me. Bahagya akong pumikit para damhin ang ginhawang dala niyon at pakalmahin na rin ang sarili. Kaagad nga lang napadilat nang may biglang pumasok na alaala.

"Fuck, stop biting your lips. You're just making me lose my mind more, Mistyca. Ako, ako na ang kakagat. Let me bite it for you, babe..." His words played in my mind like a broken tape.

Napatigil ako sa paghakbang, napabuntong-hininga, at saglit na napapikit nang mariin. This. Flirty. Brute. Paano niya nagagawa sa akin ito at bakit ko ba siya hinahayaan?!

My phone beeped before I could even answer myself. Napairap ako. Eto na naman siya!

Kanina pa iyon pero hindi ko pinapansin dahil abala ako sa paghahanda para sa dinner. At ngayong nandito na ako sa La Nuevo pero hindi pa naman tuluyang nakakapasok sa mansiyon ni Lola Carmen, nagpasya akong tingnan na iyon.

Bumungad sa akin ang mga text ni Yovin. Ilang minuto ang pagitan sa bawat isa.

Yovin:

Hey

Galit ka?

I'm sorry.

Masakit pa ba?

I really hope you can forgive me.

May isang katulong na sumalubong sa akin. Kinuha ang bitbit kong cake at nagpresintang igigiya ako patungong garden kung saan daw gusto ni Lola na idaos ang mangyayaring hapunan. The maid even informed me na wala raw ngayon ang mga Tito ko at ang pinsan lang na si Aubrey kasama ang dalawa kong Tiyahin ang makakasalo namin ni Lola.

Suddenly, I feel like I want to backout. The urge of running away is too strong. Parang gusto kong umuwi na lang at huwag nang tumuloy pero nang matanaw ang malayong mesa kung nasaan ang mga naghihintay ay tuluyan na akong nawalan ng lakas ng loob na umatras pa.

They already noticed me so what's the point of turning back now? At kung aalis man ako, hindi ba parang nakakainsulto naman iyon sa kanila gayung ang alam nila ay darating ako?

Mas lalo lang silang magagalit sa akin kapag ginawa ko iyon.

Kaya nagpatuloy ako sa paglapit habang pasimpleng ini-off ang cellphone at muling isinilid sa dalang bag.

"Calm down, Misty," I whispered to myself. Praying for this dinner to turn out well lalo na't wala ngayon dito ang mga Tito ko para ipagtanggol ako kung sakali man. Hindi naman sa hindi ko kaya ang sarili ko pero pagdating talaga kay Lola, nakakalimutan ko na kung paano ipagtanggol ang sarili. Hinahayaan ko na lang siya kahit sobrang masakit na. Dahil may kasalanan naman talaga ako.

While walking towards them, I realized that the wounds they have given to me are still here, fresh, and aching. Same as the wounds I have inflicted to them. Kaya siguradong ganoon din sila, nasasaktan at galit pa rin sila sa akin dahil sa nangyari. Lalo na si Lola. Inagaw ko lang naman ang buhay ng pinakamamahal niyang anak na walang iba kundi si Papa.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now