Chapter 24

576 16 0
                                    

Parents

Ang kaba ko kanina ay walang-wala sa kaba ko ngayon matapos sabihin ang apat na katagang iyon. Halata ang pagkagulat kay Yovin nang marinig ang sinabi ko. I saw how his eyes widened a fraction and how his lips parted. Pati ang pagkakatukod ng kanyang kamay sa counter ay nakitaan ko ng panghihina na dahilan kung bakit muntik na siyang mawalan ng panimbang.

I don't know what to say to assure him that it's not my intention to pressure him or whatever the right thing to do but I just found myself blurting more words that I'm sure will only add more fuel to the current fire in his system.

"A-Ayaw mo ba?" Puno ng pag-aalangan ang boses ko.

Nalaglag ang panga niya.

Napalunok ako at binawi ang tingin dahil hindi pa rin siya nagsasalita. Ang kaba ko ay nahaluan ng takot. Takot para sa maaaring sagot niya. Nabigla ko kaya siya? At ngayong nalaman niyang agresibo ako sa pagpapakasal sa kanya ay natakot siya o di kaya ay nagdalawang-isip?

Tahimik kong kinuha ang tinidor at inikot iyon sa pasta. Kumain ka na lang, Mistyca. Baka masyado ka lang gutom kaya napasukan na ng masamang hangin ang utak mo na siyang dahilan ng biglaan mong pag-aalok ng kasal sa kanya.

"Ayos lang kung ayaw mo." Sabi ko nang makabawi at binuntutan pa iyon ng marahang pagtawa habang ganadong kumakain. Ang mga mata ko ay tutok na tutok sa pasta na kanina lang ay masarap pero ngayon ay hindi ko na malasahan. "Huwag mo na lang isipin 'yong sinabi ko kanina. Nadulas lang, Attorney."

Again, I didn't hear anything from him. Naubos ko na lang 'yong isang pinggang chicken pasta pero wala talaga. Gusto ko na tuloy umalis doon sa labis na kahihiyan kaya lang ay bigla akong nakaramdam ng uhaw.

Tahimik na inabot ko ang isang baso para salinan ng malamig na tubig. Laking gulat ko nang naunahan niya ako sa paghawak sa pitsel kahit na mas malapit iyon sa akin. He then poured a right amount of cold water in my glass and I can't help but notice the slight trembling of my fingers against the cold surface of it while I'm holding it in place.

"Drink it up," his controlled voice lingered on my left ear when minutes passed already and I'm still not moving an inch. "And we'll talk properly." Dagdag niya pa na para bang hinintay niya lang talagang matapos akong kumain bago siya magsalita.

Pakiramdam ko ay umatras ang uhaw ko. Ang kaba at takot na nararamdaman ko ay sobrang layo na nang dahilan sa nauna.

"A-Ayoko na lang pala ng tubig hehe." Bawi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Gone the shocked Yovin, now, he's nothing but serious and unforgiving.

"Juice then?" Hamon niya sabay ngisi.

And I don't know why his smirk is giving me chills right now when before it was nothing but just a source of my irritation towards him!

Binasa niya ang pang-ibabang labi gamit ang kanyang dila. It seems like he's trying to lengthen his patience by doing that.

"How about wine? Coffee? Or tea?"

Mabilis akong umiling. Umigting naman ang panga niya kasabay ng iilang mahinang mura. Mariin siyang napapikit at nang magdilat, nagpakawala ng isang mabagal na buntong-hininga. "Is there anything you want then?" Subok niya pa lalo habang dinudungaw ako.

I again shook my head. This time, very slowly.

"Then, let's talk..." Agap niya nang matapos ako.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

"Are you sure about what you said a while ago? Hmm?"

To save myself from embarassment, I denied it. "It was just a slip of tongue, Yovin—"

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon