Chapter 29

534 15 0
                                    

Visitors

It was raining when we reached our destination. Malapit nang gumabi nang bumaba kami sa pantalan ng private resort na tutuluyan namin dahil medyo may katagalan din ang naging biyahe namin sa laot.

Katiwala ng may-ari ng naturang resort ang sumalubong sa amin dahil wala daw doon ang amo nila. Mag-asawa iyong caretaker ng lugar na kung tama ang tantiya ko ay nasa late 50's na ang edad. Sinamahan pa nila kami patungo sa inihandang villa para sa amin kahit na medyo lumalakas na ang ulan.

"Tawagin mo na lang akong Nay Sidra, at 'yung asawa ko naman, Tay Ronnie." Pagpapakilala ni Nay Sidra sa akin habang naglalakad kami at magkasukob sa payong. Nahuhuli sa amin sina Yovin at Tay Ronnie dahil may kinausap pa na tauhan.

"Sige po," nangingiting sagot ko.

"Ano bang gusto niyong hapunan at nang maipaluto ko kaagad?"

"Kahit ano po pero mas mabuti sana kung 'yung may sabaw . . ." Sagot ko nang mapagtantong masarap humigop ng sabaw ngayong malamig ang panahon.

"Oh, siya sige . . . Ipapahatid ko na lang mamaya rito."

Tumango ako at pumasok na kami sa villa. Kaagad namang dumating sina Yovin at Tay Ronnie at hindi nagtagal ay nagpaalam na ang mag-asawa. Naiwan kaming dalawa ni Yovin.

"Magbihis ka na muna. You can use a robe for the meantime. Nagpabili pa ako ng damit at ilang kailangan natin sa bayan . . ." Saad niya at itinuro sa akin ang banyo. Tumango ako at sinunod ang payo niya. I felt him watched my back intently.

Napailing ako.

Ano 'yan, Yovin? Pati ba naman pagbihis ko gusto mo pang sumama?

"What do you want for dinner, babe?" I heard him shouted while I was busy removing my clothes, of course, inside the bathroom. Siya nasa kusina, nagtitimpla yata ng kape.

"Nagpaluto na ako kay Nay Sidra!"

"Anong ulam?"

Sinuot ko ang nakahandang itim na bathrobe bago humarap sa salamin. I fixed my hair and put it in a high ponytail. "Basta sabi ko may sabaw. Di ko alam kung ano iluluto niya . . ."

Lumabas ako at naabutan siyang nagkakape nga. Itinuro niya yung kapeng ginawa niya para sa akin. Kinuha ko 'yon at umupo ako sa kaharap niyang upuan.

He's now topless. Nabasa kasi siya masyado kaya siguro ay hinubad niya na lang.

"Hindi ka ba nilalamig?" Kuryusong tanong ko bago humigop sa kape.

He pouted. "Nilalamig. Dapat yakapin mo ako pero ayan ka at sa malayo umupo . . ."

Natatawang napairap na lang ako. "Huwag mo akong artehan. May isang bathrobe pa roon sa banyo. Desisyon mong lamigin ka kahit pwedi namang hindi. For all I know, you just want to show off your body so you could seduce me again. Huwag ako Fortalejo, pagod pa katawan ko dahil sa'yo . . ."

He chuckled and didn't say a word. Nabisto ko kasi kaagad ang maitim na balak.

"But I guess, we can cuddle tonight. It's cold. Mukhang kakailanganin ko nga 'yang malaking katawan mo."

"Cuddles are not that good, babe. I know something that could give us more heat . . . Yung tipong pagpapawisan talaga tayo ng matindi . . ."

I rolled my eyes. "No thanks,"

Tumawa siya at nang maubos ang kape at pumunta na ng banyo para magbihis. Nakita ko na naman 'yung tattoo niya sa likod. I don't know why but it makes me feel things like curiousity . . . and worry?

I shook my head. Napapraning na yata ako.

Inubos ko ang kape at nagdesisyong tingnan ang kwarto sa itaas. Malaki iyon at malaki rin ang kama. May sariling banyo at walk in closet. Mayroong veranda na pweding matanaw ang dagat sa labas at may malaking flat screen tv rin kung saan pweding manuod ng pelikula.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now