Chapter 49

576 14 2
                                    

Gun

I stared blankly at the huge mansion in front of us. It still looked the same even after so many years. Walang pinagbago. Kung meron man, siguro ang bakal lamang na gate na kinakalawang na ngayon dahil kumalas na ang pintura. Other than that, wala na akong mapuna pa.

"Are you ready?" I heard Dominic's playful voice. Sinipat ko ito at binigyan ng tipid na tango. We are now wearing our disguise outfits. Him as a loyal family driver while on the other hand, me as a petite and clumsy maid. "Nasaan pala si Fortalejo? And why is he letting you do these things? Plus you're fucking pregnant. Kung ako sa kanya at itatali kita kung saan ay ligtas ka—"

I rolled my eyes. "Hindi ako aso para itali, Dominic."

"Ang ibig kong sabihin, na kung ako, ay hindi kita hahayaang sumabak sa ganito kadelikadong bagay."

"He didn't know." I said like it didn't matter.

Dominic's eyes widened. At napahawak pa sa bibig niya. He's exaggerated. "Woah. Really?" Singhap nito. "Lagot na naman ako nito kapag nagkaalaman. Triggered pa naman ang gagong 'yon sa kagwapuhan ko. Hays, small things nga naman."

Hindi ko na pinatulan pa ang kahanginan sa katawan ni Dominic. Halata namang nagpapataasan lang sila ng ihi ni Yovin. Kung titingnan, para talaga silang mortal na magkaaway na dalawa pero ewan ko ba kasi parang may kutob ako na hindi naman talaga. Maybe they're just acting like they're enemies pero baka ang totoo ay magbestfriend talaga sila.

Hindi nagtagal ay may lumabas na babaeng katulong mula sa mansiyon. Lumapit ito sa kung saan kami kasalukuyang nagtatago at agad na napangiti nang makita si Dominic. Mabilis nga lang na umasim ang mukha nang makitang may kasamang babae si Dominic. At ako iyon.

"Ang tagal mo naman Inday, nilalamok na kami ni Marites rito..." Reklamo ni Dominic sabay kindat sa akin. Napangiwi ako lalo na't nakita iyon ng babae at mas lalo lamang sumama ang tingin nito sa akin.

Pero sino si Marites? Ako ba 'yon?

Tumikhim si Inday bago nakangiting hinarap si Dominic. "Pasensiya ka na Karding, marami kasi akong gawain ngayong araw kaya medyo natagalan ako..." Lambing nito sabay haplos sa braso ni Dominic.

Karding? Really, Dominic?

"Sige na, pinapatawad na kita. Malakas ka sa akin, e." Sagot naman ni Dominic sabay halik sa pisngi ni Inday. Kilig na kilig naman ang babae. Seryoso ba si Dominic sa kanya o... ginagamit niya lang ang babae para sa misyon niyang ito?

Damn this Valdemar.

"Nandiyan ba si Sir Tristan mo?" Kalaunan ay tanong ni Karding habang iginigiya kami ni Inday sa likod ng mansiyon. Doon daw kami daraan para walang ibang bantay na makapansin sa amin.

"Bakit?" Inday asked.

Dominic chuckled like a damn playboy. "Ayoko lang magselos. Pansin ko kasing type ka no'n."

Napapairap na lang ako. Halata kasing inuuto niya lang babae. Wala ba siyang puso?

Humagikhik si Inday. "Ikaw lang naman ang gusto ko, Karding."

"Dapat lang." Si Dominic naman.

Hanggang sa tuluyan kaming makapasok ay todo landian silang dalawa. Halos paliguan ni Dominic ng pambobola ang babae. At ang babae naman, paniwalang-paniwala. Feeling ko tuloy ay ako ang naistress sa ginagawa nila.

"Marites, ayos ka lang?" Tanong ni Dominic nang mapansin ang pananahimik ko.

Tumango lang ako at nanatiling walang imik.

"Baka nagseselos siya sa atin, Karding?" Si Inday naman.

Natawa ako. I then smirked. Saglit kong pinasadahan ng tingin si Dominic sabay baling kay Inday. "Sorry pero mas gwapo pa riyan ang boyfriend ko." I said cockily.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang