Chapter 5

681 26 0
                                    

Doomed

Buong biyahe ay kapwa kami tahimik ni Yovin. Matapos kong sabihin sa kanya na sa isang pribadong sementeryo kami pupunta para bisitahin ang mga magulang ko ay hindi na ulit ako nagtangka pang kausapin siya. Maybe he sensed that I'm not comfortable elaborating it more so he just decided to zip his mouth instead and let me have my piece of silence.

Siguro ay nawala na yung epekto ng alak sa sistema ko kaya hindi na ako madaldal. O baka dala lang ng labis na takot at kaba ko kanina dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung alin doon.

Mas niyakap ko ang coat niya nang makaramdam ako ng lamig sa sistema ko. Muntik na. Muntik na ako kanina. I wonder what would've happen if he didn't show up immediately. Kung hindi siya kaagad lumabas ng convenience store para puntahan ako matapos niyang magbayad sa counter.

Baka... patay na ako ngayon.

He parked the car infront of the closed gate of the cemetery. Mula sa liwanag na mula sa sasakyan ay natanaw kong nakakandado ang tarangkahan. Ang maliit at walang taong guardhouse sa gilid ang patunay na mukhang matagal nang abandonado ang lugar. Idagdag pa ang matalahib na daan at ilang baging na nagsikapit na sa haligi ng gate.

I sighed thinking that it will be very difficult for us to enter. Baka makagat pa kami riyan ng ahas kapag nagpumilit kami.

"Sa iba na lang tayo. Sa susunod ko na lang bibisitahin sina Mama at Papa." Saad ko. Siguro ay maghahire na lang muna ako ng taong maglilinis dito bago ako bumisita sa puntod ng mga magulang ko. Maybe next week? And ofcourse, yeah, hindi ko na kasama si Yovin sa araw na iyon.

"Are you sure?" Baling niya sa akin, nananantiya ang mga mata.

I nodded. Kumuha ako ng isang chichirya mula sa pinamili niya at binuksan. "Oo." Sagot ko sabay subo ng isang piraso.

Tumango siya at muli nang pinaandar ang sasakyan, hindi na nakipagtalo pa. I continued eating silently while he's busy driving and sometimes, from my peripheral view, I could see him stealing glances at me.

Nilingon ko siya nang hindi ko na napigilan pa. "Want some?" Alok ko nang maabutan na naman ang pagsulyap niya sa akin.

"Ha?"

Hakdog! Muntik ko nang mai-voice-out kung hindi ko lang kaagad na naitikom ang bibig ko.

Iwinagayway ko sa harap niya ang Nova na hawak ko. "Subuan kita, gusto mo?" Tanong ko habang kumakain. Umiling siya at magsasalita pa sana nang tinabunan ko na ng pagkain ang bibig niya para matahimik siya. Muntik pa siyang mabulunan kaya natawa ako.

"Sorry, nadulas kamay ko." I chuckled. He gave me a forced glare because he doesn't have a choice now but to chew the food and eat it.

Pagkaubos namin sa chichirya ay yung bote naman ng wine ang binuksan ko. Sinimangutan niya ako pero ngumisi lang ako at kaagad na tumungga roon mismo sa bote.

"By the way, give me your bank account number. I'll pay you for this atsaka pati na roon sa utang ko sa 'yo noong nakaraan."

"Bukas na," he said.

Kumunot ang noo ko at bahagyang natigil sa tangkang pag-inom. "Ha? Bakit bukas pa?" Tanong ko. Anong kinaibahan nun sa ngayon? At ano? Huwag niyang sabihing magkikita pa kami bukas?

"Hindi ko kabisado..." he croaked a bit but I'm sure he's just bluffing when he immediately looked away after that.

"Yovin!" I called his attention frustratedly. Nanatili siyang kunwaring abala sa pagmamaneho kahit pwedi naman siyang sumagot. Muli ko pa sana siyang tatawagin pero natigilan ako nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa dashboard. May tumatawag.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now