Chapter 30

537 14 0
                                    

Claw

"Sigurado ka bang mamaya mo pa sila pupuntahan?" Tanong ko kay Yovin habang kumakain kami ng almusal. Halata naman kasi na may sadya sa kanya ang mga kaibigan niya pero basta niya na lamang itinaboy ang mga ito kanina matapos pangakuang pupuntahan niya na lang sa tinutuluyan ng mga ito mamayang gabi.

"Don't mind them. Mga inggit lang ang mga iyon. By the way, what do you want to do after breakfast? We can take a dip if you want. Sakto at hindi gaanong maaraw . . ."

Tumango ako dahil iyon din naman ang plano ko kanina. Naunahan niya lang ako.

Yovin smiled and pour me a glass of water. Pagkatapos ay 'yung pagkain naman sa pinggan ko ang dinagdagan. Gusto ko sanang magreklamo pero hinayaan ko na lang siya. I can't deny that I love it when he makes sure that I'd got to eat more than my usual diet.

"Babe, am I doing it good?" he suddenly asked after a moment of silence in between the two of us.

I stopped chewing my food. "Hmm? Ang alin?"

He sighed and licked his lower lip. "This. Taking care of you ever since we became a couple. Am I doing it good? Or . . . not?"

Natawa ako at nilunok ang pagkain sa bibig. Bakit niya naman naisip na pweding hindi? Sa tingin niya ba magiging kami pa rin hanggang ngayon kung hindi ang sagot?

"Honestly, you're doing great. I'm getting spoiled everyday. 'Yung parang may sugar daddy? Gano'n. Sometimes I'm wondering if you have plans of making me fat the way you showered me with foods."

Yovin smiled proudly. "I'm relieved then. Atsaka, trust me, you're not going to be fat. Though wala namang kaso sa akin kung tumaba ka. Gaining more weight wouldn't make you less beautiful in my eyes. Baka nga mas lalo pa akong mabaliw sa'yo no'n." He chuckled and lovingly stared at me. "'Yon lang ay kung may mas ikababaliw pa ako sa'yo?"

I rolled my eyes. Hindi naman ako kinikilig sa mga banat niya. Hindi talaga. Anong akala niya sa akin? Easy girl? Marupok? Kung gano'n, tama siya!

"How can you be sure na hindi ako tataba?" Asik ko sa kanya sabay tusok ng bacon gamit ang tinidor. Dinala ko iyon sa bibig ko at kaagad na nilantakan. Sayang at 'yon na ang huling piraso sa pinggan ko.

"Exercise. We do it every night. Tapos minsan may umaga at hapon pa." He chuckled when he saw how mortified I was with his answer. Muntik ko na siyang mapukol ng tinidor kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko.

"Really Yovin? Infront of my sunny side up egg?" I fired sarcastically. Tumawa lang ang gago at dinala sa pinggan ko ang bacon niya na hindi niya pa nagagalaw simula kanina na para bang iyon na ang peace offering niya.

"Pero totoo naman, di'ba?" Habol niya pa.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Tumahimik ka. Landi mo."

He laughed and all I can do was to avert my eyes from him. Damn, even his laughter sounds so sexy. Anong plano niya? Inaakit niya ba ako? Because if yes, it's damn working right now.

Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan. Hinayaan ko siya at umakyat na lang ako sa kwarto para magbihis ng damit panligo sa dagat mamaya. Sakto at mayroong nakasabay na two piece sa mga damit na pinabili niya para sa akin. Apat na piraso iyon at halos iisang disenyo lang.

Pinili ko ang kulay itim at isinuot iyon sa ilalim ng puting t-shirt at maong shorts. Nang bumaba ako ay eksaktong patapos na rin siya. He signaled me to wait for him and so I did. Naupo ako sa sofa at nagbukas na lang ng TV. Pero dahil hindi ko nagustuhan ang palabas ay kaagad ko rin namang pinatay.

Ang boring talaga ng walang cellphone. I'll tell Yovin about it later and I'll ask him to buy me one  tutal siya rin naman ang may sabi na magsabi lang ako kung mayroon akong gustong ipabili. Nawala ko kasi ang cellphone ko. Yeah, for the second time around.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now